C H A P T E R 17 Eicine's POV Nagliwanag ang lahat ng Matt Astin maliban sa tunay pagkatapos makuha ni Aspen ang mahiwagang piraso ng papel na sakit sa ulo. Nawalang parang bula ang lahat ng clone. Pinanood lang namin ang kung ano pa na mangyayari pagkatapos. Bukod sa nawala ang mga clones, nakita kong lumulutang ang misteryosong libro ni Erris Lily. Umiilaw na naman. Bumukas 'yon at dumikit sa loob iyong piraso ng papel, sumara ang libro at nawala ang liwanag pagkatapos ay bumagsak sa sahig sa harap namin. Medyo bastos. ‘’Haaaaay! Natapos din!’’ Nahihirapang sigaw ng daga. Flint ang pangalan, base sa pagkakatanda ko. Lumiit na ang anyo niya sa size ipis at napapalibutan ng nakakadiring pula. Dugo. 'Yong ibon naman na alaga ko. Okay. Aspen ang pangalan. Mukhang hapo na rin at natigi

