C H A P T E R 16 Erris’ POV Sinundan namin ni Eicine sila Aspen at Flint. Kahit hindi namin alam kung saan ba nila kami dadalhin. Ang cute cute talaga ni Flint kaya hindi ko na naman napigilan na yakapin sya, nagrereklamo na nga pero hinayaan nalang ako dahil emergency daw ang pupuntahan namin. Kailangan bilisan. Malamig na ang simoy ng hangin dahil madilim na rin dito sa labas. Gabi ang pinakadelikado sa Purple Land sabi ni Eicine sa ‘kin. Sa dami ng taong masasama ang ugali dito, marami din daw ang mga taong may masasamang balak tuwing madilim na. Kaya hindi talaga malayong may makasalubong kaming mga masasama dito sa mga kalye-kalye. Pero okay lang, kasama ko naman ang mga savior ko, namin pala. ‘’Dito!’’ Sigaw ni Aspen saka dumiretso ng lipad sa iginiyang daan. Napahinto ako saka

