Nang makapasok si Camille sa loob ng apartment, Naabutan niya si Roldan na nakatayo sa harap ng bintana. Sandali ito na humarap sa kanya at nagkatitigan sila ng ilang minuto. Nakita niya ang malamlam na mata ng lalaki na animo'y may dinaramdam ito na sakit. Agad siya na bumawi ng tingin. Nilagpasan niya ito at lumakad papasok ng kwarto. Ramdam niya ang mga mata ng lalaki na nakatungahay sa kanya habang naglalakad siya papasok ng kwarto. Mabilis niya na isinara ang pinto ng kwarto nang ganap na siyang makapasok roon. Hindi niya alam kung bakit pagnakikita niya ito para siyang nalulusaw at nawawalan ng lakas ng katawan. Paano ba niya uumpisan sabihin sa lalaki ang magiging set-up nila bilang mga magulang nag anak nila na si Rhiane. Kailangan na niya sa lalong madaling panahon magkaliwanagan

