" wow! Ang sarap!" Manghang kumento ni Rita ng matikman ang caldereta na niluto ni Roldan. " Grabe! Kuya, Ang sarap ng luto mo, ah! Sa'yo din sir Alex. Ang sarap ng luto mo sa paella! Haist. tataba ako nito, Paganito kasarap lagi ang nakahain sa hapagkainan, Right, ate Camille?" Makahulugan na sabi nito kay Camille at sinamahan pa ng isang pilyang ngiti. " Siguro dapat kuya Alex, Kuya Roldan, Simulan ninyo na turuan magluto si ate Camille. Ano sa tingin mo, 'te Camille? " Parang gustong hilahin ni Camille ang buhok ni Rita ng mga sandaling iyon. Masyado nito na pinamumukha sa kanya na hindi siya better pagdating sa pagluluto. Thou, May katotohanan naman talaga. Pero bakit kailagan pa nito na sabihin iyon sa harap niya. Nakakaloka! " Good Idea. At pagnasanay ako na magluto Sis

