Nakasimangot na pumasok si Camille sa loob ng bahay, dumeretso ito sa loob ng kusina at pinagpatuloy ang pag-a-almusal. Hindi parin mawala sa isip niya ang babae na may dalang pandesal kanina. Hindi naman s'ya maganda 'no, kung itatapat sa'yo kaya chill ka lang girl. Mmm... eh, bakit ba kasi nagagalit ka sa tao wala naman sa'yo ginagawang masama di'ba? Nakikipag kaibigan lang naman 'yong tao sinungitan mo ka agad. Anong walang ginagawa? Hindi ba halata na nilalandi ng babae na 'yon si Roldan? Ang daddy ni Rhiane? Exactly. Daddy ni Rhiane, So 'no naman ang dapat na ikagalit n'ya di'ba? Ama lang naman si Roldan ng anak n'ya at wala silang relasyon? Di'ba-di'ba? Fine! hindi naman ako nagseselos 'no." Sita niya sa dalawang bahagi ng isip na nagtatalo. Wala naman talaga siya dapat na

