" Bakit ba parang ang init ng dugo mo sa kapit-bahay natin na 'yon? may problema ka ba sa kanya? " Narinig niya na tanong sa kanya ni Roldan. Bumaling siya sa lalaki at sinagot ito. " Ako? mainit ang ulo sa babae na 'yon? hindi 'no. tsaka bakit naman iinit ang ulo ko sa kanya aber? " sagot niya rito. Pinilit niyang iwasan maging sarcastic sa tanong ng lalaki. Tumango-tango si Roldan. " I see. halata naman na hindi ka talaga inis kay Love. " Tumaas ang kilay niya ng marinig ang sinabi ng binata. aba't Love pa talaga ang tawag! " Hindi talaga!" giit na sagot niya rito habang pinagpapatuloy ang paghuhugas ng pinag-kainan. Nagpapasalamat siya na nakatalikod siya sa lalaki. Dahil kung nakaharap siya rito kanina pa nakita ng lalaki ang mukha niya na hindi na maipinta. Idagdag pa ang inis n

