Kasama Kita

1675 Words
CHAPTER 5 JHON POV Lumipas na naman ang ilang araw ilang araw na pare-pareho ang ikot ng buhay ko araw na sinisikatan ng araw sa bukid, gabi na sinasalubong ng pagod at pangarap. Sa ilalim ng tirik na araw, heto ako ngayon, nagco-copras. Pawis na pawis, nangingitim na ang mga kamay sa kakahawak sa bao ng niyog, at ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko hindi pa ako kumakain mula kaninang umaga. Sanay na naman ako ro’n. Hindi na bago sa’kin ang magtiis. Basta may maibenta ako mamaya, may maiuuwi ako sa bahay, sapat na ‘yon para sa’kin. Habang binabasag ko ang isa pang bao ng niyog, bigla kong narinig ang pamilyar na boses na kahit nasa kabilang bundok ka pa, makikilala mo agad. “HOY! JHON!” Napapikit ako. Ay, naku. Dumating na naman ang salot ng buhay ko paglingon ko, ayun na nga si Sky Santillian. Nakangiti nang wagas, naka-sando at maong shorts, may dalang maliit na bayong sa isang kamay. Ang buhok niya nakatali nang basta-basta, pero kahit ganon… ewan ko ba. Parang laging may liwanag kapag nandiyan siya. “Anong ginagawa mo?” tanong niya, kahit halata naman. “Hindi mo ba nakikita?” sagot ko, seryoso. “Nagco-copras.” Bigla siyang lumapit, sabay taas ng kilay. “Talaga? Akala ko nagla-lunch ka sa sahig.” “Sky” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang isinubo sa bibig ko ang tinapay na may palamang kung ano man ‘yon. “Nganga.” “Ano ba!” napamumog ako, pero napilitan akong nguyain. Malambot ang tinapay. May itlog. May konting karne. May pagmamalasakit. “Alam kong hindi ka pa kumakain,” sabi niya, parang wala lang. “Kaya huwag ka nang umarte diyan. Kumain ka muna. Ako muna magluluto rito sa copras mo.” Nanlaki ang mata ko. “Ha?! Sky, huwag” “Too late,” putol niya agad sabay kuha ng maliit na kalan. “Umupo ka diyan. Para kang kawawang kalapati.” “Hindi ako kalapati.” “Mas malala ka pa,” natatawa niyang sagot. Umupo ako sa gilid, hawak ang tinapay, habang pinapanood siyang gumalaw. Ang bilis niya kumilos parang sanay na sanay kahit lumaki siyang mayaman. Walang arte, walang reklamo. Pawisan na rin siya, pero hindi siya tumitigil at doon ko na naman naramdaman ‘yon. ‘Yong kakaibang t***k sa dibdib ko. ‘Yong pakiramdam na gusto kong ngumiti kahit walang dahilan. ‘Yong kilig na pilit kong tinatago kasi baka mahalata. Bakit kaya tuwing kasama ko si Sky… ganito? “Hoy,” tawag niya. “Ba’t ganyan ang tingin mo?” “Anong tingin?” “Parang nawawala ka sa sarili mo. Gutom ka lang siguro.” Tumawa siya. ‘Yong tawang kayang pawiin ang pagod ko kahit buong araw akong nagtrabaho. Maya-maya, inabot niya sa’kin ang lutong ulam. “O, kain. Kapag hindi mo inubos ‘yan, isusumbong kita sa nanay mo.” “Wala na akong nanay,” sagot ko nang mahina bigla siyang tumigil. “Sorry,” bulong niya agad. “Hindi ko sinasadya.” Ngumiti ako kahit masakit. “Okay lang. Sanay na ako.” Pero hindi siya ngumiti pabalik. Umupo siya sa tabi ko. Malapit. Sobrang lapit na ramdam ko ang init ng balat niya. “Hindi ka dapat nasasanay sa ganyan, Jhon,” sabi niya. “Hindi mo deserve mag-isa.” Gusto kong sabihin na siya na nga ang dahilan kung bakit hindi ako nag-iisa. Pero hindi ko magawa. Sa halip, tinawanan ko na lang. “Grabe ka. Drama queen ka talaga.” Bigla niya akong tinapik sa noo. “Hoy! Ako ‘yon!” At doon na nagsimula ang kalokohan habang kumakain ako, bigla niyang kinuha ang copra at nagkunwaring kausap ‘yon. “Hello po, ako po si Sky, magiging mayaman po ako balang araw.” “Baliw ka talaga,” tawa ko. “Mana sa’yo,” balik niya agad. Tumayo siya bigla at ginaya ang lakad ko kapag pagod na pagod na. “Ganito ka maglakad eh parang matatanggal na ang kaluluwa mo.” “Loko!” Hinabol ko siya, pero nadulas ako sa balat ng niyog. Mabuti na lang at nasalo niya ako saglit kaming natigilan. Nasa harap niya ako. Hawak niya ang braso ko. Ang lapit ng mukha niya sa’kin. Ang bilis ng t***k ng puso ko, parang gustong tumakas sa dibdib ko. “Okay ka lang?” tanong niya, mahina. “Okay,” sagot ko. Hindi ko alam kung nagsisinungaling ako o hindi. Natawa siya bigla, sabay bitaw. “Grabe ka, Jhon. Akala ko babagsak ka na parang bida sa teleserye.” “Bwisit ka.” “Pero admit it,” sabi niya, nakangiti. “Kung wala ako, gutom ka na, pagod ka pa.” “Tama ka na,” sagot ko, pero may ngiti na rin sa labi ko. Habang papalubog ang araw, magkatabi kaming umupo. Tahimik na. Pero hindi awkward. Komportable. Parang kahit wala kaming sabihin, sapat na ang presensya ng isa’t isa. Gusto kong umamin. Gusto kong sabihin na tuwing ngumingiti siya, parang gumagaan ang mundo ko. Na tuwing hinahawakan niya ako, parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. Pero natatakot ako kaya itinago ko na lang ang kilig. Itinago ko na lang ang nararamdaman ko. Dahil baka sa isang araw, kapag sinabi ko na… mawala siya. At hindi ko kayang mawala si Sky sa buhay ko, hindi ngayon hindi kailanman. Nagpatuloy ako sa pagluluto ng copras habang unti-unting nilalamon ng dilim ang paligid. Isa-isa nang nawawala ang liwanag sa pagitan ng mga puno ng niyog, at ang tanging kasama ko na lang ay ang apoy sa kalan, ang tunog ng naglalagitik na bao, at… si Sky. Nandiyan lang siya sa gilid. Nakaupo sa isang bangkong kahoy. Minsan naglalaro ng abo gamit ang patpat, minsan naman nakatitig lang sa’kin na parang may iniisip. “Sky,” sabi ko habang pinapaypayan ang apoy. “Uwi ka na. Baka mapagalitan ka kina Tita at Tito.” Hindi man lang siya tumingin sa’kin. “Hindi.” Napabuntong-hininga ako. “Sky, gabi na” “Sabi ko nga, hindi,” putol niya agad sabay tayo. “Sasamahan kita. Okay sa ayaw at sa gusto mo.” “Matigas ulo mo talaga.” Ngumisi siya. “Mana sa’yo.” Tumawa ako nang mahina. Kahit kailan, hindi ako nananalo sa kaniya. Habang lumalalim ang gabi, mas lalong naging tahimik ang paligid. Ang hangin malamig, may dalang amoy ng niyog at usok. Inayos ko ang mga natapos nang copras, at nang mapansin kong nanginginig na siya sa lamig, tinanggal ko ang lumang jacket ko. “O,” sabi ko sabay abot sa kaniya. “Suotin mo.” “Ay wow,” biro niya. “Gentleman ka pala?” “Suotin mo na lang,” sagot ko, pilit na tinatago ang ngiti. Isinuot niya iyon, pero sobrang laki sa kaniya kaya parang nalunod siya sa tela. Tumawa siya nang tumawa. “Grabe, Jhon. Para akong batang naligaw.” “Bagay sa’yo,” sagot ko. “Talaga?” “Oo,” mabilis kong sagot bago pa ako makapag-isip. Bigla siyang natahimik. Tumingin siya sa’kin. At doon na naman bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong nahuling magnanakaw ng sariling damdamin. “Salamat,” sabi niya nang mahina. Nang tuluyan nang magdilim, nag-aya na akong pumunta sa maliit kong kubo mga limampung metro lang ang layo mula sa coprasan. Hindi na siya tumanggi. Parang matagal na niyang desisyon ‘yon. Ang kubo ko ay simple lang pawid ang bubong, kawayan ang dingding, may papag sa loob, at maliit na bintana. Walang arte. Walang luho. “Wow,” sabi niya pagpasok. “Five-star hotel ah.” “Bwisit ka,” tawa ko. “May papag pa!” dagdag niya sabay talon doon. “Perfect! Pwede na akong matulog dito.” “Hoy!” Pero huli na, humiga na siya, yakap ang lumang unan ko. “Kunin mo ‘yan,” sabi ko. “Hindi,” sagot niya agad. “Akin na ‘to. Amoy ikaw.” Nanlaki ang mata ko. “Sky!” Tumawa siya nang malakas. “Joke lang! Pero seryoso… antok na ako.” Maya-maya lang, tahimik na siya. Nakatulog na nakahiga siya sa papag, bahagyang nakatagilid. Ang buhok niya kumalat sa unan, may ilang hiblang tumabon sa ilong niya. Ang hininga niya pantay, banayad, parang musika sa gitna ng gabi. Ako naman, nakaupo malapit sa pintuan ng kubo. Nakatunganga. Nakikinig sa mga kuliglig. Binabantayan ang apoy sa labas. At siya hindi ko alam kung bakit gano’n na lang ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan siya. Para bang gusto kong tumawa at umiyak nang sabay. Dahan-dahan akong lumapit, ingat na ingat, parang natatakot akong magising siya. Inabot ko ang kamay ko at marahang hinawi ang buhok niyang napunta sa ilong niya. “Sky…” bulong ko, kahit alam kong hindi niya maririnig. Hinagod ko ang noo niya. Isang iglap lang. Isang dampi. Pero parang may kidlat na dumaan sa buong katawan ko. Umungol siya nang mahina. “Jhon… huwag… may ipis…” Napaatras ako agad. “Ha?!” Bigla siyang kumilos, sabay upo. “Nasaan?!” “Natutulog ka lang!” gulat kong sabi. Tumingin siya sa paligid, sabay hawak sa dibdib. “Bwisit ka. Akala ko totoo.” “Ako pa nasisi,” tawa ko. Humiga ulit siya, sabay talikod sa’kin. “Kung may ipis dito, ikaw ang kakainin ko.” “Takot ka pala sa ipis.” “Oo,” sagot niya. “Pero mas takot akong iwan ka mag-isa rito.” Tumahimik ako. “Jhon?” tawag niya, mahina. “Hmm?” “Salamat.” “Para saan?” “Sa lahat.” Hindi na ako sumagot. Kasi baka kapag nagsalita pa ako, mabunyag ang lahat ng nararamdaman ko. Umupo ulit ako sa tabi ng pintuan. Tahimik na ulit ang gabi. Pero sa dibdib ko, maingay. Punong-puno ng damdaming hindi ko pa kayang pangalanan. Habang pinagmamasdan ko siyang natutulog, napangiti ako. Kung ganito ang hirap ng buhay ko… pero may Sky sa tabi ko siguro, kakayanin ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD