Kulitan ng Magkakaibigan

1869 Words
CHAPTER 4 SKY POV Kung may award ang mundo para sa pinaka-pagod pero pinaka-epal na best friend, feeling ko pasado ako sa nomination. Pawis na pawis ako. As in hulas levels. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagsisibak ng kahoy na akala ko madali lang or dahil sa presensya ni Jhon Ohen Paga na parang may sariling gravity. Tuwing malapit siya, parang hinihila ako palapit. Nakakainis. Nakakakilig. Nakakatakot. Hindi ko ‘to aaminin sa kanya. Kahit kailan. “Grabe,” sabi ko habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang palakol. Oo, palakol. Resourceful ako. “Ganito pala buhay niyo araw-araw.” Napatingin si Jhon sa akin. Nakangiti siya. ‘Yung ngiting hindi pilit. ‘Yung ngiting bihira kong makita sa kanya. ‘Yung ngiting… gusto kong itago sa bulsa ko para sa sarili ko lang. “Welcome to reality,” sabi niya. “Hindi ‘to naka-aircon.” “Hindi rin naka-filter,” sagot ko. “Pero may bonusgwapo ang kasama.” nabulunan siya sa sariling laway. “Sky!” sigaw niya. “Ano ka ba!” Tumawa ako nang malakas. Ay, Diyos ko. Ang saya niyang asarin. Lalo na kapag namumula ang tenga niya. Oo, napapansin ko ‘yon. Matagal na. Lumaki kaming magkasama. Sa lahat ng alaala ko, palaging nandiyan si Jhon. Bata pa lang kami, siya na ‘yung tahimik na batang laging handang ibigay ang huling kendi niya kahit siya ang mas gutom. Ako naman ‘yung batang babae na palaging nadadapa, pero laging may sasalo. Siya ‘yon. Palagi kaya siguro kahit ngayon, kahit mayaman ako, kahit kaya kong umuwi sa bahay na may chandelier at marble na sahig, mas pinipili kong tumambay dito. Sa likod-bahay nila. Sa lupa. Sa pawis. Sa tawa. “Hoy,” sabi ko sabay lapit sa kanya. “Ikaw naman. Pahinga ka.” “Ayoko,” sagot niya agad. “Ikaw na nga nagsisibak.” “Eh gusto ko,” sagot ko. “Para patas.” “Hindi patas ‘to,” sabi niya. “Pag ikaw nasugatan” “Ay wow,” putol ko. “Concerned?” Napailing siya. “Epal.” “Kilig,” sagot ko sabay kindat. Muntik na siyang madulas habang nagsisibak ako oo, nagsisibak talaga ako ha, may progreso na nararamdaman ko ang titig niya sa likod ko. Alam ko ‘yon. Hindi dahil assuming ako. Kundi dahil kilala ko siya. Kapag tahimik siya, may iniisip siya. At kapag matagal siyang nakatitig… may hindi siya sinasabi. “Oy,” sabi ko. “Kung tititig ka, maniningil ako.” “Maniningil ka ng ano?” “Ng ngiti,” sagot ko. “Isa lang.” Napangiti siya agad. Awtomatiko. Parang reflex. Ayan na naman. ‘Yung pakiramdam na parang may kumurot sa dibdib ko hindi masakit, pero nakakabaliw. Bigla akong nadulas. Literal. “Ay!” Hindi ko na namalayan na nasa mga bisig na niya ako malapit, sobrang lapit. Ramdam ko ang t***k ng puso niya. Malakas. Parang galit. O kinakabahan. O pareho. “Okay ka lang?” tanong niya, seryoso. Tumango ako. Pero hindi ako agad gumalaw. Kasi kung gagalaw ako, baka mahalata niyang ayokong bumitaw. “Alam mo,” sabi ko, pilit na pabiro para hindi niya mahalata ang kaba ko, “ikaw talaga ang problema ko sa buhay.” Napakunot ang noo niya. “Bakit?” “Kasi ang hirap mong kalimutan,” sagot ko sabay tawa. “Kahit hindi ko naman sinusubukan.” natahimik siya. Ay. Oops. Tumikhim ako at umatras. “Joke lang ‘yon ha. Best friend joke.” Ngumiti siya, pero iba na. Mas tahimik. Mas malalim. Naglakad kami papunta sa gilid ng bakod at umupo. Pagod. Pawis. Pero masaya. “Sky,” bigla niyang sabi. “Hm?” “Salamat,” dagdag niya. “Sa lahat.” Tumigil ang mundo ko sandali. “Walang anuman,” sagot ko. “Trabaho ko ‘to bilang best friend.” Pero sa loob-loob ko, gusto kong sabihin: Hindi lang ‘to pagiging best friend. Tumawa ako bigla para basagin ang emosyon. “Pero grabe ka ha. Hindi mo man lang ako binilhan ng juice pagkatapos kong magsibak.” “Juice?” ulit niya. “Tubig lang meron.” “Discrimination,” reklamo ko. “Mayaman ako pero uhaw pa rin.” Tumayo siya at inabot ang baso. “O ayan.” “Inumin mo muna,” sabi ko. “Baka lason ‘yan.” “Tiwala ka naman,” sagot niya. “Tiwala,” ulit ko. “Pero hindi tanga.” Sabay kaming tumawa habang papalubog ang araw, pinanood ko ang mukha niya sa liwanag ng dapithapon. Kita ko ang pagod. Kita ko ang lungkot. Kita ko rin ang tapang na pilit niyang tinataglay. At doon ko na-realize mahal ko ang lalaking ‘to hindi bilang kaibigan lang, hindi bilang obligasyon kundi bilang taong gusto kong makasama kahit walang pera, kahit walang kasiguruhan, kahit puro kahoy lang ang kaya naming ipagbenta. Pero hindi ko pa sasabihin. Hindi pa ngayon. Sa ngayon, sapat na muna ang kilig na palihim. Ang tawang totoo. Ang presensyang hindi kailangang ipaliwanag. “Hoy, Sky,” tawag niya. “O?” “Salamat ulit.” Ngumiti ako. Totoo. Malambing. “Anytime, Jhon Ohen Paga,” sagot ko. “Anytime.” At sa gabing iyon, habang naglalakad kami pabalik sa loob ng bahay, alam kong may nagbago na. Hindi pa siya umaamin, indi pa rin ako pero ang kilig hindi na maitinatago. Pagkatapos naming magsibak na mas tamang tawaging ako ang nagsibak habang si Jhon ang taga-sermon at taga-tawa nakatayo lang ako sa gitna ng likod-bahay, pawis na pawis, hingal na hingal, at mukhang bagong ahon sa bagyo. Hinawi ko ang buhok ko paatras. Mainit. Malagkit. Feeling ko, kung may salamin sa harap ko, baka umatras ‘yung repleksyon ko. “At ayan na naman siya,” sabi ni Jhon, sabay lapit sa akin. “Alin?” tanong ko, nakapamaywang. Hindi siya sumagot agad. Ngumiti lang siya ‘yung ngiting alam mong may kasunod na kalokohan. Bigla niyang inabot ang buhok ko at hinulog iyon pababa, hinayaan lang bumagsak sa balikat ko. “Yan,” sabi niya, may halong lambing sa boses. “Yan ang gusto ko sa’yo, best friend.” Excuse me? napatigil ako parang may may humila sa loob ng dibdib ko. Hindi masakit. Pero nakakabingi. “Ano?” tanong ko, pilit na casual. “Ano’ng ibig mong sabihin d’yan?” “Simple lang,” sagot niya. “Hindi ka nagpapanggap. Pawisan, gusgusin, pero ikaw pa rin.” “Wow,” sabi ko. “May pa-compliment ka na ngayon?” “Oo,” sagot niya. “Rare ‘yan. Sulitin mo.” Tatawa sana ako talaga pero bago pa man lumabas ang tunog bigla niyang kiniliti ang tagiliran ko. “HOY!” sigaw ko. “ANONG GINAGAWA MO?!” Tumakbo ako palayo, pero huli na. Kiliti is my weakness. LEGIT. “JHON OHEN PAGA!” sigaw ko habang tumatawa. “TIGILAN MO ‘YAN!” “Hindi,” sagot niya, tumatawa rin. “Yan ang kapalit ng libreng pagkain.” “GAGO KA!” sigaw ko sabay pilit na hampas sa balikat niya lalong lumakas ang tawa niya. “Hoy!” sabi niya. “Huwag ka ngang manakit!” “EH IKAW NAG-UUMPISA!” Hinabol niya ako sa likod-bahay. Ako naman, takbong parang bata paatras, pakaliwa, pakakanan kahit muntik na akong madapa sa mga piraso ng kahoy. “Tumigil ka na!” sigaw ko. “Best friend mo ‘ko!” “Exactly!” sagot niya. “Kaya pwede!” Naramdaman ko ulit ang kamay niya sa tagiliran ko. “AAAAAA!” sigaw ko sabay tawa. “MAMATAY AKO SA KILITI!” “Hindi pa,” sagot niya. “Wala pa akong kasamang kabaong.” Napaupo ako sa lupa kakatawa. Literal. Hindi na ako makahinga. “Stop,” hingal kong sabi. “Sumusuko na ako.” Tumigil siya. Pero hindi siya umalis sa halip, naupo siya sa tabi ko. Magkalapit sobrang lapit hingal kami pareho. Pawis. Tawa. Init ng hapon. Init ng katawan, tumahimik bigla kong naramdaman ang kaba. “Grabe ka,” sabi ko, pilit binabasag ang katahimikan. “Kung makapang-asar ka, parang wala kang iniintinding problema.” Napangiti siya pero ‘yung ngiti na may lungkot sa gilid. “Meron,” sagot niya. “Pero kapag kasama kita… kahit sandali, nakakalimutan ko.” Boom. Ay. Wait bakit parang hindi na ‘to joke? Tinignan ko siya. Diretso. Walang biro. Walang tawa. Bigla akong kinabahan para hindi mahalata, bigla akong tumayo. “Ay,” sabi ko. “Mainit. Mainit talaga.” “Tanghali,” sagot niya. “Normal.” “Hindi,” sagot ko. “Ikaw ‘yung mainit.” Napatingin siya sa akin, gulat. “Ha?” “Ano?” sagot ko agad. “Mainit ang ulo mo.” “Ah,” sagot niya. “Akala ko…” “Akala mo ano?” Umiling siya. “Wala.” Pero nakita ko ‘yon. ‘Yung munting ngiti. ‘Yung pilit na pag-iwas ng tingin. Ay diyos ko kinikilig ba siya? Para makabawi, lumapit ako sa kanya at tinapik ang dibdib niya. “Relax ka lang,” sabi ko. “Best friend mo ‘ko. Hindi ako mawawala.” Natahimik siya ulit. “Sky,” bigla niyang sabi. “O?” “Paano kung mawala ka?” Nanikip ang dibdib ko. “Hindi,” sagot ko agad. “Hindi mangyayari ‘yon.” “Paano kung kailangan mong bumalik sa mundo mo?” tanong niya. “Sa bayan. Sa yaman. Sa mga taong ka-level mo.” Napatawa ako pero hindi ‘yung masaya. “Level?” ulit ko. “Anong level-level?” Lumapit ako sa kanya. Mas malapit. “Jhon,” sabi ko, seryoso. “Ikaw ang mundo ko.” Ay. Nasabi ko, tahimik na parang may pumutok. Nanlaki ang mata niya. “Sky” “Ay,” putol ko agad. “Joke lang ‘yon!” Tumawa ako nang malakas. Masyadong malakas. Pilit. “Grabe ka naman,” dugtong ko. “Ang drama mo bigla!” Pero hindi siya tumawa nakatitig lang siya sa akin. At doon ko naramdaman ang kamay niya sa noo ko dahan-dahan niyang inayos ang buhok ko, inilalayo sa mata ko ang bagal ng galaw niya parang natatakot. “Hindi ka naman marunong mag-joke,” sabi niya, mahina parang tumigil ang mundo gusto kong sabihin ang totoo. Gusto kong sabihin na hindi ko siya tinuturing na best friend lang. Gusto kong sabihin na matagal ko nang gustong hawakan ang kamay niya nang hindi dahil nadulas ako. Gusto kong sabihin na tuwing ngumingiti siya, parang may ilaw sa loob ng dibdib ko. Pero biglang may sumigaw mula sa loob ng bahay. “SKY! JHON! KAIN NA!” Parang may nag-reset ng mundo agad akong umatras. “O-oh,” sabi ko. “Tara na.” Tumayo kami, tahimik, pero may ngiti habang naglalakad kami pabalik sa loob, bigla niyang hinawakan ang kamay ko sandali lang isang segundo pero sapat para mapasigaw ang puso ko. “Sky,” bulong niya. “Hm?” “Salamat,” sabi niya. “Sa pagiging ikaw.” Ngumiti ako at sa loob-loob ko, gusto kong sumigaw BEST FRIEND LANG KAMI PERO BAKIT PARANG HINDI NA?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD