Chapter 1: Green Lemon
GREEN
"Mom! Dad! Ngayon na magkakasama na tayo ulit ay wala na dapat akong ipangamba pa." Nakangiting wika ko sa harap ng aking mga magulang.
"Anak, may sasabi---" hindi na naituloy ni mom ang sasabihin nang may marinig akong malakas , at matinis na sigaw ng babae.
"Freny! Hoy! Gising na!" agad kong minulat ang mga mata dahil sa sigaw ng babae.
Nang makumpirma ko kung sino ang lapastangang babae na sumira sa napakaganda kong panaginip ay agad ko ring isinara ang talukap ng aking mga mata.
Ayon na, makakasama ko na sanang muli sila mom, and dad. Pero biglang... wala naudlot. Takte kasing bruha 'yan. Panira!
"Hoy! Wag mong ugaliin 'yang pagiging tamad mo sa paggising!" dinig kong sigaw ulit ni Claire, ngunit hindi ko ito pinansin.
Hanggang sa bigla na lang akong napa-upo dahil sa gulat nang makaramdam ako ng malamig na tubig na bumuhos sa'king mga paa.
"Mom? Dad? Nasa heaven na ba ako?" 'di ko alam kung saan ko hinugot ang mga salita na kusang lumabas sa bibig ko.
Ngunit isa lang ang ibig sabihin nito, hindi ko pa tuluyang nakakalimutan ang nangyari sa kanila. Kung paano sila lagutan ng hininga no'ng gabing iyon. Damn!
"Anong nasa heaven? Binabangongot ka na naman, siguro?" nakakabinging ani Claire, at hinihimas na lang ang likod ko.
Malungkot ko siyang tiningnan, at magtama ang aming mga mata.
"Move on na Green. Wala na sila tito, at tita. But don't worry, I'm here pa naman, and tita Hearlet. We will guide, and guard you against those fvckin' monsters!" aniya kaya hindi ko na napigilang pakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos.
"T-thank you Claire," garalgal kong wika sa kanya.
"Don't thank me, ginawa ko ito because it's my responsibility as your best friend. So stop crying now, nagmumukha ka kasing aso na tumatangis." pagbibiro niya dahilan upang mahampas ko siya ng malakas.
"How dare you! Thank you sa care, and support, huh? Pero 'di bale na, at least aso lang, isang magandang aso!" Claire laughed because of what I've said. But it's partly true, kasi maganda talaga ako, and I'm proud to say that.
"But wait," natigilan ako nang dumaloy sa'king isipan ang napanaginipan.
Bukod kasi kina mom, and dad na napanaginipan ko'y napanaginipan ko rin ulit ang babae.
"Napanaginipan ko na naman 'yong babaeng sinasabi ko sayo." bigla kaming nagkatitigan ni Claire sa 'di malamang dahilan.
"Hindi kaya may kinalaman ang lahat ng iyon sa pagkamatay rin nila Mom and Dad? I'm just doubting, dahil bata pa lang ako'y napapanaginipan ko na ang babae. Then parehas lang din ang cause of death ng babae sa cause of death nila Mom and Dad. Namatay sila dahil sa iisang dahilan. Dahil sa palasong tumama sa kanila!" I said while wiping my eyes para matanggal ang aking mga muta.
"Hindi kaya---" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang biglang sumabat si Claire.
"Jeez!" she tsked, "wag mo munang isipan 'yan. Ang isipin mo, at paghandaan ay ang pag-alis niyo ni tita Hearlet. Naghihintay na siya sa baba, kaya bumangon ka na riyan, at bilisan mong magbihis!" she said strictly.
"Huh?" Kinamot ko ang ulo ko. Muntik ko na itong makalimutan. May lakad pala kami ni tita Hearlet.
Ngunit hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kay tita Hearlet. Hindi sa hindi ako naniniwala sa kanyang pinapakita, huh? Just wondering why she's doing this for me. Hindi ko naman siya kilala, at sigurado rin akong hindi niya ako kilala. Kaya hindi mo talaga maiwasang magtaka sa kinikilos. But still, I'm thankful because I has her. Kung hindi dahil sa kanya, marahil ay tuluyan na akong nawala sa tamang landas.
"Hoy! Ano't tulala ka, huh?" Tapik sa akin ni Claire ng malakas dahila upang masubsub ako sa kama.
"Ano ba'yan, Claire? Papatayin mo naman ako niyan!" I shouted to Claire. "Sige na labas ka na, at magbibihis lang ako. Tsaka naka-empake naman na ako kagabi, kaya madali na lang ito." Inirapan ko siya, kaya wala na siyang nagawa kun'di lumabas ng aking silid.
"Finally!" I took a deep breathe before I decreases on my bed.
After ten minutes of preparing myself ay natapos na rin ako. Hindi ko akalain na makakapag-prepare ako ng sarili in just a short of time. And I can't really imagine that. Masyado yata akong excited sa pupuntahan namin. I just hope that it'll will be the best choice of me. Ang kalimutan na ang lahat ng masasamang nangyari sa'kin for me to start my life, again.
Hindi na rin naman ako nagtagal sa'king silid, at napag-desisyunan kong lumabas na. At nang nasa hagdan na ako'y bigla akong napatigil upang dinggin ang pinag-uusapan nila Claire, at tita Hearlet.
This is actually my first time to hear them like this. Masyadong pormal ang kanilang pag-uusap.
"Yes Ms. Hearlet, naghahanda na siya." rinig kong turan ni Claire.
"Ms?" bulong ko sa sarili.
But to be honest, nasa around thirty's palang si tita Hearlet. Pero mukhang ka-edad lang namin siya ni Claire. Nagmumukha siyang teenager kike us. Kasi ang ganda niya't sobrang bata ng mukha. Kaya napapa-isip ko na lang kung anong ginagamit niyang moisturizers, o nagpa-plastic suregery ba siya. Pero kung titingnan mo naman ng maigi, parang normal face niya lang naman ito.
Kung hindi ko pa siya tinanong kung ilang taon na siya'y hindi ko pa malalamang hamak na mas matanda siya sa'min ni Claire ng isang dekada. Maganda kasi! Tapos baby face.
"Kapag naka-alis na kami'y rumito ka muna upang magman-man sa paligid. Siguraduhin mong hindi nila malalaman kung saan kami patutungo." rinig kong wika ni tita Hearlet. Pero hindi ko nakuha kung anong ibig niyang sabihin.
"Yes Ms. Hearlet," Claire answered.
"I can't relate!" bulong ko sa sarili, at napa-busangot na lang.
Matagal pa silang nag-usap, kaya matagal din akong naghintay rito sa hagdan. Hanggang sa tuluyan na silang matapos, kaya nakahinga ako ng malalim.
This is it!
"Finally tapos na rin!" Masaya kong turan sa sarili bago nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.
Nagpanggap akong walang narinig sa pinag-usapan ng dalawa, but as if may naintidahan ko ro'n. Kasi hindi ko naman talaga alam kung ano ang kanilang topiko.
"Green, andyan ka na pala?" Gulat na wika ni Claire, at bumaling naman agad sa'kin tita Hearlet, ngunit pinanatili ko lang na kalmado ang aking sarili.
Ngumiti na lang ako sa kanila upang hindi nila mahalatang may narinig ako sa kanilang pinag-usapan.
"Y-yes!" mahinahon kong wika't ngumiti ulit.
"Alis na tayo?" Nagmamadaling naglakad si Hearlet papunta sa back door ng bahay namin.
"Wait!" Npakamot ako sa ulo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pala kabisado ni tita Hearlet ang bahay namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung saan ang back, and front door.
"Hindi po riyan ang daan palabas, dito po." Naglakad ako papunta sa front door upang sumunod na lang siya sa'kin.
Humagalpak ng tawa si Claire, "Green, alam kong hindi ka maniniwala, pero do'n talaga sa back door ang daan." ani ni Claire dahilan upang ako naman ang humagalpak sa tawa.
Tumingin ako kay tita Hearlet na parang nababaliw na kasi nakangiti lamang ito sa kanyang kinatatayuan. Hanggang sa buksan na niya ang back door.
Halos masilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa back door noong buksan niya ito. Kung kaya'y napatakip ako sa'king mga mata. Masyadong masakit sa mata ang liwanag na dala nito.
"Ano 'yan?" sigaw ko habang tinatakpan ang mga mata.
Fvck! What the hell is happening?
Tumagal ng ilang minuto ang liwanag hanggang sa unti-unti na rin itong nawala, kaya tinaggal ko na ang aking kamay na nakatakip sa aking mga mata.
"Huh! Ano 'yan?" gulat kong sigaw ulit dahil sa hindi ko inaasahang makita.
Natunganga ako nang ilang saglit. I'm waiting to sink into my mind kung ano ba talaga ang aking nakikita.
"What is that Claire? I know you know, but what the hell is happening? Kindly please explain it!" I exclaimed, but Claire didn't make any sound. Nanatiling tikom lang ang bibig nito.
"Claire?" iritado ko ng wika. "Are you fvcking---"
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang bigla ko lamang naramdamang bumagsak ako, at madaganan ng mabigat na bagay. It's the door!
Hindi na halos ako makagalaw dahil sa sakit na aking nararamdaman. Bumibigat na rin ang aking pahinga, at talukap ng aking mga mata. But instead of worrying, a smiled flashed on my lips.
Mamamatay na ba'ko? Kung gayon ay makakasama ko na ulit sila mom, and dad? Ngunit ayoko pa muna, ipaghihiganti ko muna sila!
"Green!" dinig kong malakas na sigaw ni Claire.
"C-claire..." pilit kong isigaw ang pangalan ng aking kaibigan, but I failed to do it. Walang lumabas na tinig sa'kin.
"Claire, kunin mo si Green, at pumunta na kayo sa portal." dinig ko namang sigaw ni tita Hearlet na natataranta.
Agad namang nagtungo si Claire papalapit sa'kin, at walang hirap na tinaggal ang bagay na nakadagan sa'kin, and it's our mansion's front door. Fvck!
Nang matanggal ni Claire ang pintong nakadagan sa'kin ay agad niya akong binuhat na parang isang kilong bigas lamang, at itinakbo papunta sa portal na sinasabi ni tita Hearlet. Hindi ko alam pero, hindi ako makapaniwala sa lakas ni Claire.
"Mag-iingat ka Ms. Hearlet!" sigaw ni Claire bago kami tuluyang lamunin ng nakakatakot na portal.
Sa loob ng portal ay para akong umiikot sa isang madilim na lugar, kaya mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hanggang sa iluwa na ako't bumagsak sa isang matigas na lapag.
Ilang minuto nang bumagsak na ako'y iminulat ko ang aking mga mata, at masilayan ang lugar na nababalutan lamang ng puting kulay.
Nasa'n ako?
Iginala ko ang paningin sa paligid upang makita sa Claire, ngunit bigo ako.
"C-claire?" tawag ko, pero walang sumasagot.
Tumayo agad ako dahil sa taranta na baka mali ang portal na pinasukan ko.
"Claire?" I shouted again, at hindi maiwasang mapansin na hindi na masakit ang aking katawan. Parang nawala ang masakit na aking nararamdaman.
Hanggang sa isang kulay puting usok ang namuo sa aking harapan.
"Claire?" I shouted. Nagbabakasakali akong si Claire ang may kakagawan nito. Marahil ay hinahanap din niya ako. "Claire?" I shouted again, but no Claire answer my calls.
I know that Claire is not a normal person just like tita Hearlet, na kanina ko lang din nalaman. Claire is my best friend. Marami na kaming napagsamahan. One time ay nasaksihan na ng dalawa kong mga mata ang mga kakaibang nangyari sa kanya. I didn't ask her about it dahil baka namamalikmata lang ako no'n. But then, sa mga sumunod na mga buwan ay nasaksihan ko na naman ito ulit, ang kakaibang nangyayari sa kanya. At lahat ng mga nangyayari ngayon ang siyang nagpapatunay that all of my predictions are true.
"Green?" isang pamilyar na boses ang aking narinig dahilan upang mapatigil ako aa kinatatayuan.
"Mom?" I shouted. Hindi ako maaaring magkamali. I heard my mom's voice. She's calling me.
"Mom?" I shouted again. "Is that you?" nag-aalangang tanong ko.
Hanggang ang kulay puting usok ay tuluyang dumami, at iluwal ang dalawang taong lubhang mahalaga sa'kin.
"Mom? Dad? Is it true?" hindi ko makapaniwalng turan.
"Baby, it is not the right time for you to die. Marami ka pang kailangang gawin sayong totoong mundo." sabi ni mom, ngunit nagtataka ako sa kanyang mga sabi.
"Totoong mundo?" I asked in confusion.
"Yes Baby, maraming uma-asa sayoo sa mundo mo." sabi naman ni Dad habang nakangiti.
"What are you talking about? Aren't you happy na narito na ako? Hindi niyo ba nais na mabuo tayong muli?" I asked while crying.
"Baby stop, okay? Hindi kaba masisiyahan na makikilala mo na ang totoong mga magulang mo? Naghihintay sila sayo, hindi mo ba sila pupuntahan
"But mom, I don't even care about it, ang mahalaga'y kasama ko na kayo!" hindi ko napigilan ang aking sarili at napahagulgol na laamang.
"But it isn't the right time upang makumpleto tayong muli. Lalo't andya na naghihintay sayo, si Celeste." ani Dad habang nakangiti sa'kin.
Hanggang sa isang magandang babae na parang ka-edad ko lang
"But mom? Dad? Gusto ko na kayong makasama. Hindi niyo ba ibig 'yon?" I asked, but it's too late. Bigla na lang nawala sa kinatatayuan nila na parang isang bula.
"Mom? Dad? Where are the both of you?" I shouted while crying.
Nang wala na talagang pag-asa na bumalik silang muli'y napaluhod na lamang ako, at tumangis. Hanggang sa hilain na ako ng babaeng sinasabi nilang tagasundo ko, at pumasok kami sa isa na namang nakakatakot na portal.
~ginisamyxx