Chapter 2: Royal Academy✔️

1841 Words
Chapter 2: Royal Academy GREEN I woke up early in the morning. As usual, nakasanayan ko na rin kasi. Kailangan kong gumising ng maaga to study--- an advance study, para may nalalaman na ako sa susunod na mga aralin namin. Pero iba ang dahilan ng maaga kong paggising ngayon, it's because of a nightmare! Ba't ko ba kasi siya palaging napapanaginipan? Hindi ko naman siya kilala! I took a deep breathe. Tumingala ako nang matagal upang mawala sa'king isipan ang napanaginipan. Hanggang sa mapansin kong wala pala ako sa sarili kong silid. Kaya iginala ko ang aking paningin sa paligid, at mapansing hindi rin pala ako nag-iisa rito sa silid na 'to. May kasama akong apat na babae't mahimbing pa silang natutulog. I almost forgot! Nandito pala ako sa Royal Academy na tinutukoy ni Claire, at tita Hearlet. Walang pag-aalinlangang bumangon ako sa'king higaan, at isa-isa kong pinuntahan ang kasamahan dito sa silid. Pinandilatan ko sila ng nagtatakang tingin. Lalong-lalo na sa babaeng pamilyar sa'kin. Ang babaeng humila sa'kin papasok sa isang portal mula sa'king panaginip. At hindi ako maaaring magkamali, sigurado akong siya ang babaeng 'yon! Pansin ko rin na narito pala si Claire, kaya namalagi ako sa kanya't tinitigan lamang. "Sino ka ba talaga?" I mentally asked, hanggang sa naagaw ang atensyon ko ng nakakarinding ingay na nagmumula sa labas. Dala ng kuryusidad ay agad akong dumungaw sa bintana na nakabukas malapit sa kama ni Claire. At halos mapatakip ako ng bunganga sa ganda ng nakita. It' so s fascinating! "Ang ganda!" bulong ko sa sarili. Manghang-mangha akong nakatingin sa labas habang nakangiti. Hindi ko akalain na umiiral pala gan'tong mundo. Parang feeling ko tuloy ay isa ako sa mga disney characters ng Disneyland. May nagsisilakihang mga puno sa paligid, at mga ibong magkakaiba ang mga kulay ang siyang nagbibigay ganda sa luntiang kapaligiran. But the birds I'm seeing right now is not the literal birds na kadalasang nakikita ko no'n sa'king pinanggalingan. Kung maganda sa mga mata ang mga hayop na 'yon ay hamak naman mas maganda ang nakikita ko ngayon. I saw also a... I think it's a dinosaur, but what? May dinosaurs dito? Hindi ba't may masasama ring dinosaur? Also, there are kangaroo's, big butterflies, and penguins, pero ibang-iba ang itsura nila rito. Kulay berde sila't doble ang laki nito sa mga penguin na nakita ko na sa Australia, at Antartica. Marami pa akong nakitang nga hayop sa labas na lalong ikinamangha ko. Hanggang sa magsawa na ako--- no, hindi pala nakakasawang tingnan ang labas dahil sa ganda nito. Pero may mas mahalaga akong kailangang gawin. I really need to find out what's with this world. Anong dahilan ng pagpunta ko rito? At baka sakali ring mahanap ko rito ang sagot ng aking mga katanungan. Kaya hangga't maaga pa lang ay simulan ko na ang aking plano. Naglakad lang ako ng naglakad at nakarating sa harap ng pintuan. Binuksan ko ito, at isinara nang maingat upang hindi ako makagawa ng ingay dahilan upang magising ang mga natutulog sa loob. The four mysterious girls! "Wonderful!" ito ang katangi-tanging salita nang lumabas sa'king bunganga nang tumambad sa'kin ang napakagandang hallway. I can't imagine na may ganito pala kagandang hallway. A hallway that full of colourful butterflies, and paintings. May mga parang confetties din na sumasaboy rito. A smile flashed on my lips as I continue to walk. And this time again, I really felt like I'm a Princess because of this beautiful scenery. Kaya walang pag-aalinlangang sumabay ako sa mga galaw ng mga paru-paro't mga confetties na parang umiindak. Umiikot-ikot ako sa ilalim ng mga nahuhulog na mga confetties. Parang isang Prinsesa na sumasayaw. Hanggang sa may dumapo sa'king mga braso na mga paru-paro, at hindi ko mapigilan ang ngumiti dahil sa ginawa nila sa'kin. Napaka-amo nila. Tumingala lang ako kasabay ng mga paru-paro, at napatingin sa mga naglalakihang chandiliers na may iba't ibang laki't kulay. Natunganga ako ng bahagya dahil may biglang may dumaloy sa'king isipan. Ang isa sa palagi kong napapanaginipan. "Ina dito ba ako mag-aaral? Hindi ba sa Helms Academy?" tanong ng batang babae sa kanyang ina. "Oo anak." maaliwalas na ngiti ang gumuhit sa labi ng ina ng bata. "Pero ang mga kaibigan ko'y ro'n daw sila mag-aaral," wika ng bata na may bahid na lungkot sa tinig nito. Yumuko ang ina ng bata, at pinantayan ito. "Naiiba ka sa kanila, anak. Mas bukod kang pinagpala kung kaya'y 'di ka nababagay ro'n, at dito sa akademyang ito nababagay ang isang tulad mo," anito sa batang nakakunot ang mga noo. "'Wag kang malungkot, anak. Sapagkat makakasam mo rin naman dito si Harry, at Jarred, ang mga pinsan mo." Ngumiti ng pilit ang ina ito, and she patted the head of her child. Nagtatakang napakamot ang bata sa kanyang ulo. "Naiiba ka kasi sakanila. Iba kayo ni Infinity." wika pa nito dahilan upang manlumo ang bata. Naaalala na naman kasi niya ang kanyang kakambal na 'di niya alam kung buhay pa ba ito, o hindi. Walang makapagsasabi. "Ano po ba kami ni Infinity, ma?" the child asked in confusion. "Kakaiba kayo. Kayong dalawa ang batang no'n pa man ay nakita na ni Eyelet sa kanyang mga mata. Kayo'y nagtataglay ng kakaibang lakas, at kapangyarihang walang katulad. Lalong-lalo na si Infinity." malungkot na wika ng ina. "Kinuha nila si Infinity sa'tin dahil sa kapangyarihang taglay niya't walang makakapagsabi kung patay na ba siya o buhay pa." tuloy pa nito. "Ina ba..." hindi na naituloy ng bata ang sasabihin dahil biglang may malakas na pagsabog silang narinig. Ilang sandali lang din ay biglang yumanig, at ang mga chandiliers ay isa-isang nahulog. "Narito ka lang pala," bigla akong natauhan nang narinig akong tinig mula sa'king likuran, at may biglang humawak sa'king kanang braso. Gulat akong nagpumiglas, at lumayo ng k'unti sa kung sinuman ang humawak sakin. Nang makalayo naman ako'y agad kong tiningnan kung sino ito. "Claire?" irita kong wika. "Gulat na gulat ka, huh?" tanong ni Claire. "Akala ko kung saan ka na pumunta. Nag-alala ako sayo." tuloy pa nito. I gave her a sigh. "Kahit kailan talaga Claire! Pati ba naman dito?" I exclaimed. Tumawa ng malakas si Claire. "Alam mo wala ka sa bahay niyo kaya 'wag ka muna pumunta sa kung saan-saan. 'Di ka pa familiar dito. Something popped out in my mind. Si Claire. "Claire, I need an honest, and true answers to my questions. Sino ka ba talaga? O ano ka ba talaga? Are you an Alien?" I asked hysterically. Tumikhim siya't lumapit sa'kin, ngunit lumayo ako sa kanya. "Sagutin mo muna ang mga katanungan ko." She sighed. "Okay! I'm not a Mortal na inaakala mo." "Not that! I know that you're different. Pero bakit kailangan pati ako'y isama mo rito?" I asked in confusion. "Dahil dito ka talaga nababagay. And yeah. You're a Goddess also, and not a Mortal." seryosong wika niya na ikinataas ng mga kilay ko. A Goddess? Ako? "Ako?" she nodded. Lumakad siya papalapit sa'kin, ngunit hindi na pa ako umatras palayo sa kanya. "Yes, malalaman mo rin ang lahat ng 'yan. Ang lahat ng pagkatao mo, pero hindi muna ngayon dahil may gustong makilala ka," nakangiting wika nito. "But wait, bakit ka nga ba nakatulala riyan kanina? Is there something wrong? Hindi mo ba nagustuhan 'tong lugar na 'to. Look! 'Di ba gusto mo ng mga lugar na gan'to?" I shook my head. "Nagustuhan naman, pero may naaalala lang ako na lugar na 'to. Napanaginipan ko na kasi 'to rati pa!" "It's all about the baby again?" she asked seriously. "No! 'Yong kambal ni Infinity yata kasama ang ina nito. 'Yong sinabi ko sayo no'n. Naaalala mo pa ba?" She shook her head. Ano ba naman! Walang k'wentang pinagsasabihan 'to! Ulyanin! "A-ah! Naaalala ko na. About sa kaguluhang nangyari rito na nangyari talaga no'ng bata pa 'ko." aniya na ikinalaki ng mga mata ko. So totoong nangyari ang mga 'yon? "Is that real?" she nodded. "Bata pa lang ako no'ng nangyari 'yon. Tsaka matagal na panahon na 'yon. 'Yon din ang kauna-unahang pagkakataon na may nanggulo rito sa Royal Academy. Kasi akalain mo, sa Dimension pa ng mga Bathala't Bathaluman naghasik ng lagim ang mga 'di pa nakikilalang mga nilalang." nakangisi niyang k'wento. "Actually," she paused. Parang may kung ano siyang naalala. "Narito ako, kami ni ina no'ng mangyari 'yon. At dito pa mismo sa kinatatayuan ko ngayon ang eksaktong lugar na kinatatayuan ko rin no'ng bumagsak ang isa sa mga chandelier." Pansin ko ang pagbabago ng kanyang mga tinig. And suddenly, her tears pours down. Nangunot ang noo ko't 'di rin naiwasang maluha rin. She smiled while wiping her tears. "Sorry, naaalala ko lang kasi si ina. Dito rin kasi binawian ng hininga no'n si ina. Ako dapat ang mababagsakan no'n, pero itinulak niya ako, kaya siya 'yong nabagsakan." Hindi na niya napigilang humagulgol, kaya agad ko siyang nilapitan, at niyakap ng mahigpit. "Sorry, hindi ko alam." I caresses her back. "It's okay." "Narito rin no'n si Queen Gail, at Leaves, ang tinutukoy mo, your true family." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya nang may marinig na hindi ko inaasahan. "Ano'ng sabi mo?" "Huh? May sinabi ba 'ko?" "Hindi ko alam." I uttered. Baka nga wala talaga siyang sinabi. Baka kung anu-ano lang ang pumapasok sa utak ko. "Napakaseryoso mo kasi, kaya ayan... Kung anu-ano na lang ang naririnig mo." she said sarcastically. "Anyways, hinihintay ka nila Celeste sa silid natin." tuloy pa nito. "Celeste?" I asked. Saan ko na nga ba 'to narinig? "Hali kana?" Hinila niya ako kaya wala na akong nagawa pa kun'di ang sumunod sa kanya. Hindi ko na alam kung saang silid ako nanggaling kanina. Marahil sa lawak nitong parang dormitory na 'to'y naliligaw na nga talaga ako. Mabuti na lang din at narito na si Claire. Nang makarating kami sa harap ng isang pinto'y agad niya itong binuksan, at tumambad sa'min ang tatlong babae na gulat na gulat nang makita kami. "Magandang umaga," nag-aalangan na ani ng dalawang babae na magkamukha. Marahil ay kambal sila dahil magkaparehas na magkaparehas talaga ng mukha. "Good morning," sagot ko na naman, at pilit ngumiti sa kanilang dalawa. Napatingin ako kay Claire na biglang kumamot sa kanyang ulo. "Magandang umaga rin sayo," bati pa ng isa't tumayo ito, and she bowed her head. Agad din namang ginaya ng dalawang babae ang ginawa nito. Napayuko naman ako sa kanilang ginawa't nakaramdam ng k'unting kahihiyan. Gan'to ba sila rito? Gan'to ba ang paraan nila ng pagkilala? "Ako si Celeste," she smiled, and I gave her a smile too. "Ako naman si Scarlet," ani naman ng isang babae, ang may maikling buhok na kulay itim. "Ako naman si Starlet," pagpapakilala pa ng isa, ang may mahabang buhok na nangingintab sa kulay nitong ginto. Napangiti ako sa kanilang dalawa. "Twins?" manghang tanong ko. "You know what Green, hindi sila nagsasalita ng wikang Ingles. Hindi rin sila nakakaindi," ani Claire na ikinanguso ko. Ba't 'di mo sinabing babae ka! Nagmukha tuloy akong katawa-tawa rito. Nagsasalita ako ng Ingles tapos 'di pala nila alam kung ano'ng sinasabi ko! Hell! Claire! I want to slap your face. Tumango-tango ako sa kanya ng sarkastiko't pangiti-ngiting tumingin sa tatlong babae na tulala't naguguluhan pa rin ngayon. "Sorry, my name si Green." masayang pagpapakilala ko naman. "Ano ba?" Pinandilatan ko ng tingin si Claire dahil sa paghampas niya sa braso ko. "'Di ba kasasabi ko lang? They do---" Napatampal na lang ako sa mukha. Hindi pala sila nakaka-intindi ng Ingles! "Pasensya na," I bowed my head. "Ako si Green, masaya akong makilala kayo." ~ginisamyxx
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD