Chapter 3: Leaves White Rays✔️

1664 Words
Chapter 3: Leaves White Rays GREEN Dahil sa pagku-k'wentuhan namin ni Claire, at sa tatlong babaeng mabilis kong nakagaanan ng loob ay 'di na namin namalayan ang oras. Natanong ko kasi ang pangyayaring naganap na no'n dito sa Royal Academy na palagi ko ring napapapanaginipan no'n. At ni-k'wento nilang lahat ang kanilang nalalaman. Pero ang bumabagabag pa rin sa'king isip ay kung ba't ko 'yon napapanaginipan, gayong ngayon lang naman ako napunta rito. Tsaka wala naman akong kinalaman do'n. Damn it! Natapos lang ang pagkuk'wentuhan namin when Claire said na maraming nagbago sa lugar na'to after that tragic circumstances. At ngayon lang daw sila muling nakabalik dito sa Royal Academy matapos no'n, kaya napag-desisyunan naming lima na mamasyal muna bago ang pagpapatawag sa'min para sa tanghalian. Gaya ko'y excited din sila sa pamamasyal dahil marami raw kaming makakakilalang iba pang estudyante na galing sa iba't ibang Dimension ng Unibersa. Marami rin daw kaming makakaharap na malalakas, at makakapangyarihang gaya namin ni Celeste. Kaya habang maaga pa'y kailangan na naming alamin kung sinu-sino sila upang sa gano'n ay makapaghanda kami ng maayos. Pero wala talaga akong naiintindihan. Bakit kailangang maghanda kami? Ano bang mayro'n? Oo, nak'wento na rin kasi sa'kin ng lima na hindi ako isang pangkaraniwang nilalang lamang. Isa raw ako sa mga pinakamalalakas, at pinakamakakapangyarihang nilalang sa buong kalawakan. Na hindi ko naman alam kung bakit. Kasi wala sa itsura ko ang pagiging malakas. I was just a simple girl with a simple dreams in life--- to have a happy, and complete family. Pero sino ba talaga ako? Ba't gano'n? Paanong nangyari na isa ako sa malakas, at makapangyarihan? Hindi rin naman kasi nila na-k'wento sa'kin no'ng tinanong ko kung bakit kabilang ako ro'n. Parang may kung tinatago sila sa'kin, at malakas ang pakiramdam ko. Dahil sa pag-iisip ng malalim ay hindi ko na namalayang nasa labas na pala kami ng dormitoryo. Marami kasing bagay ang bumabagabag sa'kin. Maraming katanungan na dumadaloy sa'king isip na kailangang masagot. Argh! But I don't where to start. Kung tatanungin ko kasi kay Claire o kung sinuman sa kanila'y 'di rin naman nila ito sasagutin. Kaya kailangang ako ang maghanap ng sagot para rito. "Ba't ka naman nakatulala riyan?" Tinapik ako ni Claire. "A-ah! K-kabayo!" gulat kong wika. "Kabayo ka riyan!" Hinampas niya ako sa braso. Umirap ako. "P'wede ba? 'Wag ka kasing nangtatapik, at nanghahampas!" Pinandilatan mo siya ng mata. "Ba't ka ba kasi nakatulala riyan? Ano bang iniisip natin, huh?" she asked. "Nothing," I lied. She laughed sarcastically. "You're lying, okay? I'm the Goddess of Truth, and I can sense that you aren't saying the truth. So what is it?" Woah! I almost forgot it. Hindi pala ako makakapagsinungaling sa kanya. Na-k'wento na rin kasi niya ang mga kaya niyang gawin. But she can't read mind huh. But argh! Si Celeste! May abilidad siyang bumasa ng isip. f**k! Bumaling ang tingin ko kay Celeste't nakita kong nakatitig rin siya sa'kin. Mukhang nahuli na'ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya't napayuko. "Okay. Iniisip ko lang kung sino ba talaga ako. Yeah, I know that I was just an adopted child. And all I thought ay isa lang akong pangkaraniwang tao. Wala rin kasing nakuk'wento sila mom, and dad tungkol sa kung saan nila ako nakuha't saan ako nanggaling." "Masasagot din lahat ng mga katanungang 'yan, Green. 'Wag mo munang isipan ang mga 'yan. Just let yourself enjoy. Ang ganda kaya sa lugar na 'to. Isn't it fascinating?" Claire caresses my back. Ngumiti ako't iginala ang paningin. Sobrang ganda nga. Mas maganda 'pag nalapitan mo na ang mga ito. "Minsan lang ito mangyari sa loob ng mahabang-mahabang panahon Green. Isang beses lang 'tong mangyari. Bukas wala na ang mga 'yan. Maliban na lang kung papahintulutan ulit sila ng nakakataas. So let's just enjoy this day." Hinawakan niya ang kanan kong kamay, at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang naglalakad kami'y nakapukol lamang ang aking mga mata sa iba't ibang uri ng nga hayop na nasa himpapawid, at kalupaan. Hinding-hindi rin pala mawawala sa lugar na 'to ang mga butterflies, but these butterflies are more different to the butterflies I saw it already. These butterflies reminds me that never be afraid of spreading my wings, and fly as high as I can. May mga ibon din na nakikipagsabayan sa mga paru-paro't sumasabay sa ihip ng hangin. A birds that reminds me to believe in myself rather than the others. May mga kabayo rin na hindi ko mawari kung kabayo ba talaga because of its colourful fur. But theses horse reminds me to hold onto what makes me happy. And if it tries me to buck you off then, just hold in even tighter. Hanggang sa agawin ng aking pansin ang napakatayog na establishimento. Para itong palasyo na nangingintab sa mga diyamanteng kulay berde. "f**k!" ang tanging salita na lumabas sa'king bunganga. Walang salita ang maaaring makalarawan sa'king nakikita. Even the perfect word can't describe how perfect this establishment is. "That's the Royal Academy. Ang pinakamaganda, pinaka-eksklusibo, pinakamarangya, the most elegant, the mysterious, and the highest Academy in all over the Unibersa, and outside. Ang nag-iisang Akademya para sa mga pinakamataas na uri ng nilalang, the School of Gods and Goddesses. Umawang ang bunganga ko dahil sa kanyang mga sinabi. Para akong tinanggalan ng tinig na hindi agad nakapagsalita. Seryoso ba talaga sa mga sinabi niya? Argh! How lucky I am? "Ngunit ang Akademyang ito'y hindi lang sa katalinuhan umiikot ang lahat. Hindi ito gaya sa mga eskuwelahang 'yong napasukan na. Dahil ito'y mas nangingibabaw ang lakas ng 'yong kapangyarihan. Ngunit ang isinisigaw pa rin ng mabuting puso ang mas mangingibabaw. Dahil ang tungkulin ng Akademyang ito'y pumili ng susunod na manunungkulan sa buong Unibersa. Kaya puso, talino, at kapangyarihan ang kailangan mo rito upang umabante sa laban!" Claire said while blinking her eyes. "Huh?" I said in confusion. Wala talaga akong naintindiha, promise! "Yes. Tama ang 'yong narinig. Alam mo naman kung gaano kabagsik, at kalakas ang mga Gods, and Goddesses, right?" I nodded to what she said. Alam kong lubhang makapangyarihan ang mga Gods, and Goddesses just like Jesus, and the Almighty God na sinasamba namin sa mundo ng mga Mortal. Pero paano ako? Wala akong kapangyarihan. Paano ako makaka-survive rito? Nag-ikot pa kami sa ibang parte ng Royal Academy na mas lalo pang ikinalaglag ng aking panga. Wala akong masabi rito. Hanggang sa napagdesisyonan na naming bumalik na sa aming dormitory dahil ilang minuto na lang din daw ay ipapatawag na kaming lahat para sa pananghalihan. At habang naglalakad kami pabalik ay biglang may isang babae ang bumangga sa'kin dahilan upang madapa ako. Hindi naman sa pagiging lampa, pero may kung malakas na p'wersa kasing tumulak sa'kin. Napadaing ako sakit na idinulot ng pagbagsak ko. Hindi ko rin namamalayang may tumutulo na palang dugo sa mga braso ko. Pero ang ipinagtataka ko'y paanong nagkaroon ako ng mga sugat? Mabilis akong sinakluluhan ni Claire, at Celeste. Habang ang kambal naman ay natuod sa kinatatayuan sa 'di ko malamang dahilan. "Hey!" mariin kong wika na ikinatigil ng babaeng bumangga sa'kin. "Hayaan na natin siya," takot na ani Claire. "Alis na tayo," ani Starlet naman. Fuck! What's wrong with this girls? Ba't sila natatakot? "Alis na tayo!" Hinawakan ni Claire, at Celeste ang magkabila kong mga kamay. At nang akma na sana kaming maglalakad nang biglang naglaho ang babaeng bumangga sa'kin. She teleported! Natulala ako dahil sa nasaksihan. Napakuskos din ako sa'king mga mata kung namamalikmata lang ba ako o talagang nangyari 'yon. "Wait for me Celeste! Aatras ka na lang ba palagi sa'kin? mataray na tinig ng babae na nasa harapan na namin. But wait, totoo ba 'yong narinig ko? Nagsalita siya ng english. Ngunit paaano? Kasi sinabi sa'kin ni Claire na hindi uso ang English language rito. Pero nagsalita siya, at hindi ako maaaring magkamali sa narinig. "Ayaw ko kasi ng g**o, Leaves," walang ganang wika ni Celeste. So Leaves ang pangalan niya? Siya na ba ang batang napapanaginipan ko no'n? "Pero teka nga! Inaano ka ba kasi namin, huh?" I arched my brows. Wala akong pakialam kung sinuman 'tong babaeng 'to. "Green shut up!" awat ni Claire sa 'kin. "Hindi mo siya kilala." tuloy pa niya. "I don't care. Siya ang mali rito kaya nararapat lamang na lumaban din tayo, mariin kong wika. Naglakad ako patungo sa babaeng nangngangalang Leaves, ngunit hinawakan ng mahigpit ni Scarlet ang kaliwa kong kamay, at pinigilan akoz "Hayaan na natin siya," ani Scarlet na ikinataas ng kilay ko. Hayaan! f**k! Binangga niya ako't nagkasugat-sugat pa tapos hahayaan? Sorry, hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na basta hayaan na lang tapak-tapakan ako ng iba. "Hayaan niyo siya weaklings!" nakangising wika ni Leaves na ikina-init pa ng dugo ko. Ang kapal ng mukha! "But I guess, galing ka sa mundo ng mga nilalang na walang alam, right?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang sa'king mga paa. Fuck! Siya pa talaga 'tong may ganang mang-insulto? Really? "Oo. Tsaka maganda na rin na wala kaming alam tungkol sa lugar na 'to. At least hindi kami tanga na basta-basta na lang bumabangga ng kung sinu-sino. Wala ka bang magawa sa buhay mo't nagpapansin ka?" I exclaimed. I saw how she gritted her teeth. Mukhang umepekto ang mga salitang binato ko sa kanya! Sensitive! "Sino ka ba sa inaakala mo, huh?" nagsimulang maglakad ang babae patungo sa'kin, ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay. Sa akala mo ba'y natatakot ako sayo, huh? Nang tulayan siyang makakapit sa'kin ay agad ko siyang sinampal ng malutong, ngunit hindi ko man lang nakitang nasaktan siya. Seryoso? Why so manhid naman. Ngumisi siya, at sa isang iglap lang ay napaluhod na lamang ako sa kanyang harapan sa 'di ko malaman na dahilan. "A-ah!" sumigaw ako dahil sa sakit na naramdaman. "Green!" my peripheral vision saw how Celeste, and Claire runs towards me. But in just a snap a strong force blows them away. Hanggang sa nagsiliparan na rin ang kambal sa 'di ko alam na dahilan. Sino ka ba kasi? Pinilit kong tumayo, at nang makatayo ako'y agad naman akong tumilapon dahilan upang makaramdam ako ng pwersang gustong kumawala sa'king katawan. Napasigaw na lang ako ng malakas nang bigla na lang umilaw ang buo kong katawan. Hanggang sa hindi ko na ito ma-kontrol, at sa isang iglap ay nasa harap na 'ko ni Leaves na hindi rin makapaniwala sa nangyayari. ~ginisamyxx
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD