Chapter 4: The Exodus
GREEN
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa 'king isip ang nangyari tatlong araw na ang nakalilipas. Muntik na kaming mamatay sa 'di ko malamang dahilan. Ang malakas na liwanag na nanggagaling sa'king katawan. Ang p'wersang napakalakas na 'di ko alam kung paano ko 'yon nagawa. Sino ang kumuntrol sa'king katawan?
Isa pa sa nakapagtataka'y si Leaves. I don't even know her. In fact, ngayon lang kami nagkaharap in person. Kasi sa panaginip lang kami nagkikita no'n, at hindi ko akalain na gano'n pala ang ugali niya. All I thought ay may maganda siyang kalooban gaya ng napapanaginipan ko. But all of those are wrong! Binangga niya ako with no reasons. But I guess... Maybe, envious. Yeah. That's right! May something na nangyayari na 'di ko alam. Pero kung sila ni Celeste ang magkagalit, bakit sa'kin niya ibinuntong ang kanyang galit? Argh! What a pathetic girl!
Ilang minuto akong nakatitig sa kawalan, hanggang sa biglang pumasok sina Claire, at Celeste, kasama ang dalawang kambal na makulit dito sa silid na aking kinaroroonan. Ngunit ang buong akala ko'y silang apat lang ang pumasok, pero hindi pala. May kasama sila, si Hearlet.
"Hearlet?" Bumaba ako ng kama't mabilis siyang binigyan ng mahigpit na yakap.
Napalapit na rin kasi siya sa'kin kaya gano'n na lamang ang nagawa ko sa kanya. Though hindi pa kami gano'n magkakilala ng lubusan.
Ilang minuto lang din ay kumalas ako ng yakap sa kanya dahil sa katanungang pumasok sa'kin isip.
Tiningnan ko siya ng nakapagtataka. "Bakit ngayon ka lang?" I asked in confusion.
Ngayon ko lang kasi siya nakita ulit matapos ang g**o sa aming bahay na ako mismo ang dahilan. Ilang araw na rin ang nakalilipas no'n huh. Kamusta na kaya ang bahay namin? Nalaman na ba ng kamag-anak nila mom, and dad nawawala ako? 'Yong mga dati kong mga kaibigan, alam na ba nila? May naghahanap ba sa'kin? May nasasaktan ba sa biglaan kong pagkawala?
Ang buong akala ko kasi'y patay na si Hearlet dahil hindi niya nagawang magparamdam sa 'kin dito. Wala rin namang nak'wento si Claire sa'kin, tsaka 'di ko na tinanong pa dahil 'di pa ako gano'n kahanda na malaman ang lahat ng katotohanan.
Natahimik siya sandali, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap na naman sa kanya.
"Thank you for saving me, and taking care of me since when I was just still a baby." I said emotionally.
My tears started to flows down. Yeah. Claire told me also that, like Infinity, the twin sister of Leaves. Someone took me also when I was still a baby, and tried to accused me, but they failed because Hearlet helped me. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Siya rin kasi ang nagdala sa'kin sa mundo ng mga Mortal, at ipina-ubaya sa mag-asawa, si mom, and dad. Tinuring nila akong parang tunay anak. Minahal, pinaliguan, dinamitan, inalagaan, at lahat... Ginawa nila ang lahat para sa'kin.
Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal dahil sa ginawa niyang pagliligtas sa'kin. Ang patulong sa'kin. Kung hindi dahil sa kanya'y hindi ko makikilala sila mom, and dad. Hindi ko mararanasang mahalin ng katulad nilang mga tao. Hindi ko rin makikilala ang totoong ako. Kaya I'm super thankful to her because of what she've done to me, though hindi gano'n gaganda ang naging pagtatapos ng aking buhay sa mundo ng mga mortal.
Pero naniniwala naman akong hindi sa lahat ng panahon ay ganito kapait ang matatamasa ko. Sabi nga ni mom, and dad sa 'akin no'n... "Gawin mong matamis na tagumpay ang mga mapait na pagsubok sa 'yong buhay. You must never forget that something good may come out of the trials you're facing right now."
Gayunpama'y masaya pa rin ako na nangyari 'yon sa'kin. Na naging parte ng aking buhay sila mom, and dad. Nakakalungkot lang kanilang sinapit. Nadamay pa sila ng dahil sa'kin. At kung may paraan o pagkakataon man na makabalik ako sa nakaraan ay wala akong babaguhin. Siguro'y babalik-balikan ko lang ang masayang alaala ko with them.
Also, this ain't yet the end of everything. Alam kong umpisa pa lang 'to. Kaya dapat ay maging matatag lang ako. Maging handa sa kahit anumang mangyari.
"Tahan na," she caresses my hairs. "Wala 'yon sa 'kin. Kahit sino naman ay gagawin ko 'yon. Tsaka isa pa'y mahalaga kang nilalang. Marami ka pang mga tungkulin na gagampanan 'pag dumating na ang takdang panahon."
Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Kaya ipangako mo sa'kin na pro-protektahan mo ang sarili mo. Na 'pag dumating na ang takdang panahon para sayo'y tangapin mo ito ng buong puso. Kasi balang araw ay mawawala rin ako, kaya ipangako mo sa'kin, sa'ming lahat."
I nodded. "Hindi ko lang ito ipinapangako, isinusumpa ko pa ito.
Mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit na ginantihan naman niya ito't nabalot ang silid ng malalakas na tawanan.
"Anyways, narito ako dahil sa isang impormasyong aking nakalap kani-kanina lamang." Hearlet said in fear.
Seryoso ko siyang tiningnan. "Ano 'yon?" I asked in confusion.
Hindi ko alam pero bigla na lamang bumilis ang pagkabog ng aking dibdib. I felt like--- there's something wrong.
Bumaling ang tingin ni Hearlet kay Celeste. "Celeste, ang ibang bahagi ng Mantua ay kasalukuyang sinasakop ng mga Exodus. Hindi pa alam ng mga nakakataas do'n kung paano muling nagbalik ang mga ito," aniya.
Shocked registered on our faces. Hindi ko man lubos maintindihan, ngunit nakaramdam din ako ng takot nang banggitin niya ang Exodus. Kilala ko sila, they're part of my nightmares. Kung 'di rin ako maaaring magkamali'y sila ang pumatay kay mom, and dad. Ang siyang mga nagtangka rin sa'king buhay, at kay Infinity. Sila ang mga ni-k'wento ni Claire sa'kin kamakailan lamang.
"May nasaktan ba?" balisang tanong ni Claire.
Hearlet shook her head. "Wala naman. Bago pa man kasi makapaminsala ang mga Exodus ay nakita na ito ni Deity Eyelet, ang aking ina, at napaslang niya ang mga ito."
I frowned of what I heard. "I can't relate, but I'm thankful na walang nasaktan. Pero si Deity Eyelet, sino siya? Ina mo?" I asked.
Hearlet nodded. "Yes, the most powerful Sorcerer, and the Ancestor of Sorcerers. She's also a Deity now, mas mababa sa mga gaya nating mga Gods, and Goddesses."
"How 'bout your dad? Sino siya?" tanong ko pa.
Nagkatinginan si Hearlet, at Claire bago niya sagutin ang aking katanungan.
"God Lii, the God if Time, he's my father." Tumango-tango ako kahit 'di ko kilala kung sino ang tinutukoy niya. But I was so amazed to the position of his father. A Time God huh, really?
"Nevermind, tsaka na lang siguro natin 'yan pag-usapan." I said sarcastically, and smiled to them.
"Sa ngayon ay hindi mo pa lubos naiintindihan ang lahat Green." An old book popped out in her hands, and offered it to me. "Ngayon ito muna ang sasagot sa 'yong mga katanungan."
Tiningnan ko ang librong nasa palad niya, at nagdalawang isip kung kukunin ko ba ito o hindi, pero kalauna'y kinuha ko rin ito.
"This one?" I chuckled. So f*****g old. Ano'ng laman nito?
Ipinatong ko ang libro sa lamesa't sinimulan itong buklatin. Napa-ubo na lang ako ng bumungad sa'kin ang mga alikabok.
"Okay, nagmukha na itong basurahan huh." I uttered while covering my nose.
"The Alpha God of Underworld." Binasa ko ang nakasulat sa unang pahina nito.
Bumaling ako kay Hearlet gamit ang mga kasama ng naguguluhan kong mata. "I doubt. Paanong nakasulat ito sa wikang ingles kung 'di kayo o sila'y..." Bumaling ang tingin ko kay Celeste, at sa dalawang kambal. "hindi nakakaintindi ng wikang gan't?" I asked in confusion.
Natawa ng bahagya si Hearlet. "Is that even possible?" she gulped as she remember something.
Hearlet mumble while walking away.
"What?" I arched my brows.
Hearlet just suddenly disappeared without any goodbyes to us. f**k! Hearlet!
I gritted my teeth! Attitude si Hearlet!
Humiga ako sa kama't kisame agad ang bumungad sa'kin.
"What's going on?" I mentally said.
Kumamot lang ako ng ulo habang nag-iisip pa rin kung ano ba talaga ang nangyayari. I want to know the truth. The truth about me, and about this world.
Umupo ako, at tiningnan si Claire, kasama na ang tatlo pa na nakatunganga lang sa 'kin.
"What?" I frowned.
"You're so beautiful Green." Claire said.
I laughed. "Is that a compliment?" I arched my brows.
An amused sound escape to Claire's mouth. "Seriou-"
"Okay. Enough. It's not the right time for that." I closed my eyes. "I want to know everything. Pero kailangan ko munang alamin kung sino si Leaves, at kung sino lalaking 'yon." Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi.
"My Prince in a shining armor." I mentally said.
"Nababasa ko ang 'yong dumadaloy sa 'yong isip. Isa itong paalala sayo, ngunit hindi ko maunawan sapagkat ibang lengguwahe ang 'yong ginagamit." Celeste said dahilan humagalpak ako sa tawa.
"That's your biggest problem to your powers, Celeste. You can read my mind, but you can't understand my thoughts." I yelled.
Claire grinned. "Enough. He's Harry White."
Natigil ako sa pagtawa. "Don't you tell na mahal mo na siya, huh?"
"Agad-agad?" I pouted. "I just want to know him. Grabe ka sa'kin, Claire."
"Ewan ko sa'yo!" Umirap siya na ikinatawa ko.
"Pero seryoso talaga ako," bumalot ang nakakabinging katahimikan. "Ano'ng totoong nangyari sa 'kin no'ng nakasagupaan natin si Leaves?" I asked in confusion.
Gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyari sa 'kin that time. Bigla akong lumipad habang may pumapalibot sa 'kin na isang hindi ko maipaliwanag na bagay. Ano 'yon?
"Sabi ko nga hindi ka normal na Goddess lang. You possesses a powers. A not just a literal powers, but a very powerful powers that no one can beat," she said seriously.
"How about Leaves? Bakit gano'n siya kagalit sa akin?" I asked in confusion. "Bakit kailangan niya akong banggahin? Ano'ng mayro'n sa inyo, Celeste?" patuloy ko pa.
Gusto kong malaman ang lahat. Kung bakit gano'n siya sa'min o kay Celeste.
"Ang katotohanan niyan," si Celeste ang nagsalita. "May bagay kaming pinagaawayan hanggang ngayon. Pero maliit na bagay lamang 'yon."
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Dahil sa isang nakaraan. Isang pagmamahalan, at isang kasakiman." Yumuko si Celeste.
"Sorry, mukhang may malalim nga na dahilan." sabi ko sa malungkot na tinig.
Hindi na pa 'ko nagtanong muli patungkol kay Leaves kung bakit niya ginagawa kay Celeste ang lahat ng 'yon. Kahit naman kasi papa'no ay may common sense ako, at may respeto. I don't mean to hurt or offend her kaya better to shut up na lang ako. Malalaman ko rin naman 'yan when the perfect times will come.
"How about Ha-harry? Anong mayroon sila ni Leaves?" pag-iiba ko sa topiko.
Hindi naman ako gano'n katanga para hindi ma-sense ang lahat. Alam kong may namamagitan sa kanilang dalawa. I'm just curious about it.
"Magpinsan sila," ani ni Celeste na ikinawindang ko.
"More than that!" Nagkatinginan sina Celeste, at Claire nang sabihin niya ito. "Hindi lang sila magpinsan," tuloy pa nito.
I chuckled. "Do you mean is---"
"Wala tayo sa mundong kinalakihan mo--- natin. Lahat ng bawal do'n ay maaaring gawin dito with or without limitations." Claire said.
"Bakit Green? Mahal mo ba siya?" pag-iiba naman ng usapan ni Scarlet.
Hindi kaagad ako nakapagsalita at napatingin lamang ako sa kanya.
"'Di ko alam," mahina kong wika.
~ginisamyxx