- 1 -

1439 Words
  NAKAHINGA ng maluwag si Myla nang sa wakas ay matapos ang meeting niya kasama ang isang kliyente ng kanilang kompanya. May kahirapang kausap ang kliyenteng iyon ngunit bilang Operations Director ng kompanya ng pamilya nila ay hindi niya hinayaang hindi ma-close ang deal sa pagitan nila ng kliyente kaya naman ginawa niya ang buong makakaya niya para makumbinsi ito. Ayun nga lamang ay hindi na niya nagawang makakain ng matino kahit pa sabihing luncheon meeting naman ang ginawa nila ng kliyente. Ganoon kasi siya. She cannot eat unless she had finished the task at hand. Kaya naman ngayong nakawala na siya sa paningin ng kliyente niya ay naramdaman na niya ang gutom. Bumalik siya sa lamesang inokupa nila ng kliyente kanina at saka umorder ng pagkain para sa sarili. Sa araw na iyon ay magpapakabusog siya. She had just sealed a deal for the company. Her Kuya Lenard would be proud of her. Masaya pa siyang hinihintay ang pagkain nang mamataan niya ang kakapasok pa lamang sa lugar na iyon. Malayo pa man ay kilala na niya ang pigura ng lalaking iyon. At awtomatikong sumama ang timpla niya. Bakit ba sa dinami-dami ng lugar ay doon pa napadpad ang bakulaw na iyon? Nakasimangot niyang sinundan ng tingin si Darwin at ang kasama nitong babaeng hindi yata alam ang pagkakaiba ng damit sa tapis lang. Iyon na yata ang dress na pinakakinapos sa tela na nakita niya sa tanang buhay niya. At mukhang hindi man lang nag-aalala ang lalaking kasama nito sa itsura ng babae. Eh paanong maba-bother? Mukhang nag-eenjoy pa nga! Napaismid siya. Oo nga pala. Numero unong babaero nga pala ang Darwin Lawrence Buenavista na iyon. Nagtataka nga siya kung bakit hanggang ngayon ay wala pang nag-eeskandalong babaeng nabuntis nito samantalang mukha namang nagpapakalat na ito ng lahi sa buong mundo? “Okay, Myla. Ignore him.” Bulong niya sa sarili saka huminga ng malalim at iniiwas na lamang ang tingin rito. Ang dapat niyang asikasuhin ay ang kalam ng tiyan. Nasaan na ba ang waitress na iyon? Magrereklamo na ba siya sa manager dahil ang kupad dumating ng order niya? “Alone?” “Ay palaka!” gulat na naibulalas niya saka tinignan ng masama ang lalaking ni hindi niya napansing nasa tabi na pala niya. Ngali-ngaling kalmutin niya ang gwapong mukha nito nang bumungad sa kanya ang nakakalokong ngiti nito. “Ang guwapo ko naman yatang palaka.” Balik pa nito sa kanya. “Walang gwapong palaka.” Nakaismid na pambabara niya rito. “Meron, ako.” Confident pang sagot nito.                 Binigyan niya ito ng ngiting halata namang peke.                 “Sa pananaw mo lang ‘yon.” Sarcastic na sabi niya at iwinasiwas ang kamay rito. “Shoo! Panira ka sa araw ko. Hindi pa ko nakakakain kaya ayokong mawalan ng gana.”                 Sa inis niya ay tumawa lang ito. Bakit ba hindi ito kailanman napipikon sa pambabara niya rito?                 “You want to join us?” sabi nito nang tumigil sa pagtawa. “Malungkot ang nag-iisa.”                 “Mas malungkot ang makasabay ka, salamat na lang. Baka hindi ako matunawan.” Inis na balik niya rito. Bakit ba parang ipinapamukha pa nitong may kasama itong babae samantalang siya ay mag-isa lamang sa lamesa niya. “And please do me a favor and throw some clothes on your date. Ang yaman-yaman mong nilalang, hindi mo mabilhan ng sapat na tela ‘yang girlfriend mo.”                 Ang intensiyon niya ay inisin ito ngunit lalo lamang siyang napasimangot nang tumawa ito nang malakas. Sinong matinong lalaki ang nakakatawa pa nang ganoon kapag nilait-lait na ang girlfriend nito? Kung hindi ba naman talaga baliw…                 “What? She looks cute.” Sabi nito nang mahimasmasan sa pagtawa.                 “Cute sa paningin ng mga may sa manyak na gaya mo.”                 “Paninirang puri na iyan ah.” Akusa nito bagaman nagsasayaw pa rin ang mga mata nito.                 “Wala nang sisirain dahil matagal nang sira.”                 “You never fail to make me laugh.” Natatawang napailing-iling na lamang ito. “I’ll just see you around, again.” Sabi nito saka naglakad nang paalis. Nakasimangot pa niyang sinundan ito ng tingin. Hindi ito bumalik sa ka-date nito sa halip ay dumiretso sa direksiyon ng mga washrooms.  At muli ay sira na naman ang araw niya. Palagi na lang ganoon. Sa tuwing makikipagpalitan siya ng salita rito ay siya ang nauuwing pikon. Bumaling ang tingin niya sa babaeng iniwan nito sa lamesa sa di kalayuan. Isa pa ang babaeng ito. Tube dress na nga ang suot nito ay parang hindi pa umabot ang laylayan niyon sa kalahati ng hita nito. Kulang na lamang ay lumuwa ang dibdib nito at kung bahagyang yuyuko ay malamang na babati na rin ang kuyukot nito. Lalong nag-init ang ulo niya sa isiping iyon. Handa na sana siyang umalis sa lugar na iyon dahil hindi niya sigurado kung makakakain pa siya nang biglang may pumasok na ideya sa isip niya. Bakit nga ba hinahayaan niyang siya lamang ang mainis kung pwede naman niyang idamay ang mga taong napapainit ng ulo niya? Dinampot niya ang basong nasa harapan at kahit alam na malamig ang tubig ay nagbuhos ng kaunti sa kamay saka ipinatak sa mga mata. Hinayaan niyang dumaloy iyon sa pisngi niya. Voila! Instant tears. Dinagdagan pa niya iyon para magmukhang kanina pa siya umiiyak. At nang sa pakiramdam niya ay sapat na iyon ay naglakad siyang palapit sa lamesang kinauupuan ng babae. Sukat ay bigla na lamang siyang umarteng umiiyak nang makalapit sa lamesa nito. Gulat namang napatingin sa kanya ang babae. “A-are you okay?” waring natataranta pang sabi nito ngunit hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang pagngiwi nito. Plastik na babae! “M-maupo ka muna.” Sabi nito at pinaupo siya sa upuang nasa tapat nito. “S-si Darwin Buenavista iyon kasama mo hindi ba?” tanong niya habang pinagbubuti ang pag-arte sa harap ng babae. “O-Oo. May kailangan ka ba sa kanya?” hindi nakaligtas sa matalas na mata niya ang pagkunot ng noo nito at bahagyang paniningkit ng mga mata. Possessive eh? “K-kasi” she faked a sniff. “K-kasi isa ako sa mga ex niya.” At binuntutan niya iyon nang paghagulgol. Hindi lang pala siya efficient na director. Mukhang pwede na rin siyang mag-artista. Ngunit imbis na maawa ang babae ay nakita niya ang pagsimangot nito. Lihim na napaismid din tuloy siya. “So what do you need from us?” ang mataray nang sabi nito. “D-don’t get me wrong. Hindi ko gustong agawin pa siya sa’yo. Gusto ko lang makatulong sa’yo.” She sniffed again. “Ayoko kasing matulad ka sa akin.” “What?” “That guy. He got me pregnant! Hindi lang ako! Nalaman kong marami pa kami. And I don’t want you to be one of us. I want him to stop hurting women.” Pagdadrama pa niya. Mukhang experienced ang babae ngunit umaasa siyang madadala niya ito sa drama niya. She was a woman afterall. Siguro naman ay may pagpapahalaga ito sa sarili kahit papaano. “D-didn’t he use protection?” Tila nadala namang tanong nito. “At first he did. Pero kalaunan ay ayaw na niya. He will even offer you marriage just so you would agree. Tapos iiwan ka niya. Gaya namin.” Isinubsob niya ang mukha sa mga kamay at humagulgol pang muli. Palihim niyang sinilip ito sa pagitan ng mga daliri at lihim na napangiti nang mapansin niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Got ya!“Don’t get fooled by that brute, please?” “Myla?” narinig niyang tawag sa kanya ni Darwin mula sa likuran. Parang gusto niyang matawa. He had just gave the situation a nice touch. At nakumpirma niya iyon nang hindi na maipinta ang mukha ng babaeng kaharap. Mukha lubos na itong naniwala sa lahat ng sinabi niya dahil nakumpirma nitong kilala siya ng boyfriend nito. “You irresponsible pig!” sabi ng babaeng kaharap bago tumayo at nilapitan si Darwin. Isang malutong na sampal ang pinadapo nito sa pisngi ng lalaki. “Don’t you dare call me again.” Dugtong pa ng babae saka nagmartsa nang paalis. “What the hell---?!” ang bulalas ni Darwin nang sa wakas ay mahimasmasan sa pagkagulat. Siya naman ay natatawang pinunasan ang tubig sa kanyang mukha. She won! She actually got even with him! Ha! Ngunit nagulat siya nang bigla na lamang ibagsak ni Darwin ang palad sa lamesa. Hindi pa ito nakuntento at inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Agad na naiurong niya ang ulo niya. “W-what?” nagawa niyang itanong. “What did you do?” wala siyang mabasa sa ekspresyon nito. Hindi naman ito mukhang galit ngunit bakit mas nakakatakot ito nang ganoon? “N-nothing.” Tumikhim siya upang ibalik ang lakas ng loob. Hindi dapat siya nagpapasindak dito. Ito ang unang nambwisit sa kanya, aba! “P-in-ractice ko lang ang acting skills ko. Malay ko bang papatulan niya.”  “You’re really something.” Pumapalatak na sabi nito. “Don’t tell me galit ka na? ‘Di ba hindi ka naman marunong mapikon?” taas ang kilay na balik niya rito. “Remember this sweetheart. I don’t get angry.” Sabi nito at nagulat pa siya nang ngumisi pa ito na parang hindi ito nasampal at iniwan ng girlfriend nito ilang saglit pa lamang ang nakakalipas. Weird! “I just get even.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD