BAHAGYANG hinilot ni Myla ang sentido nang maramdaman niya ang pagkirot niyon ngunit hindi pa rin niya tinigilan ang pagbabasa ng mga reports na kaharap. Kailangan na kasi niya iyong matapos nang araw ring iyon.
Kahit pa mataas ang posisyon niya sa kompanya ay hindi pa rin biro ang trabahong hawak niya. Alam niyang hindi naman siya mapapasipa sa kompanya kahit magpa-easy easy lamang siya. But she was not the type to neglect her job. Kaya naman kahit masakit na talaga ang ulo niya ay hindi niya basta matalikuran ang trabaho niya.
Nag-angat siya ng tingin nang makarinig ng pagkatok mula sa labas ng opisina niya.
“Come in.”
Agad namang pumasok ang sekretarya niya.
“Ma’am, kailangan daw po kayo ni Sir Lenard sa conference room.” Ang agad na sabi ng sekretarya bago pa man siya makapagtanong rito.
“Bakit daw?” tanong niya.
“Hindi po nasabi eh.” Magalang na sagot ng secretary niya.
“Okay, I’ll be going, then. Thank you.” Sabi niya na naging hudyat naman para lumabas na ang sekretarya.
Naiiling na ibinaba niya ang papeles na kanina pang pinagkakaabalahan at tumayo ngunit sa ginawa ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkahilo. Nasapo niya ang noo at saglit na tumayo lamang roon. Nang pakiramdam niya ay kaya na niyang maglakad ng matino ay lumabas na siya ng opisina at dumiretso sa elevator. Ngunit lalong sumama ang timpla niya nang makita ang nag-iisang makakasabay niya sa elevator.
“Uy, Bansot!” ang nakangising bati ni Darwin mula sa loob ng elevator at nakuha pa nitong kumaway.
Literal na sinimangutan niya ito.
“What are you doing here?” taas ang kilay na tanong niya sa lalaki.
“Work.” Simpleng sagot nito. “Hindi ka ba papasok?” tanong nito at kasunod niyon ay ang dahan-dahang pagsara ng pinto ng elevator.
“No thanks. I would just---“ Nagulat siya nang pigilan nito gamit ng sariling mga kamay ang papasarang pinto at walang sabi-sabing hilahin siya papasok ng elevator. At dahil hindi niya inaasahan iyon at walang lakas dahil kanina pa masama ang pakiramdam niya ay tagumpay na nahila siya nitong papasok bago pa tuluyang sumara ang mga pinto ng elevator. “What are you doing?” she snapped at him.
“I helped you get in the elevator.” Kibit-balikat na sabi nito.
“I could have taken the next elevator!”
“And that would be childish.” Simpleng balik nito sa kanya.
“Whatever.” Sabi na lamang niya at sumandal sa dingding ng elevator pagkatapos siguraduhing nakapagbigay siya ng sapat na distansya sa pagitan nila ng lalaki.
Ipinagpasalamat niyang hindi na ito nagsalita pa dahil wala siyang balak na makipagsagutan pa rito. Sadyang masakit ang ulo niya bukod pa sa parang umiikot ang paligid kahit pa bahagya lamang naman ang galaw ng sinasakyang elevator.
Nang sa wakas ay tumigil ang elevator sa floor na bababaan niya ay umayos na siya ng tayo ngunit agad ding napakapit nang makaramdam na naman ng pagkahilo.
“Hey, are you alright?” ang tanong mula sa tabi niya.
Hindi niya ito pinansin sa halip ay pinilit na tumayo nang maayos at maglakad palabas. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay muli niyang naramdaman ang pagkahilo. Nanlabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyang magdilim ang paligid. Naramdaman niya ang unti-unting pagbagsak ng katawan. She was sure she would soon hit the floor when she suddenly felt warm arms around her. And that warm familiar arms were the last she remembered before she went completely unconscious.
“SERIOUSLY, Myla Camille Tuazon, how old are you to be fainting because of stress?!” ang galit na sabi ng kuya niya sa kanya nang sa wakas ay makapasok sila sa bahay ng mga magulang. Habang ito ay may sarili nang bahay, siya naman ay nananatiling nakapisan pa rin sa mga magulang.
Ito ang sumundo sa kanya mula sa ospital at siyang naghatid sa kanya sa bahay nila pagkatapos niyang himatayin sa mismong elevator ng opisina nila. At halata ang galit sa kapatid dahil sa nangyari na na para bang kasalanan pa niyang nahimatay siya.
“And don’t you dare tell me na hindi mo kasalanan ang nangyari sa’yo. You pushed yourself too hard!” nanlalaki ang mga mata ng kuya niya.
Manghuhula na nga yata ang Kuya niya. Akalain ba niyang sasagutin na nito ang katwiran niyang nasa isip pa lang naman niya.
“Sorry na nga. Napakarami ko kasing tinapos nitong nakaraang linggo kaya---“
“At huhulaan kong nagdadala ka ng trabaho pati rito sa bahay?”
“I did a couple of times only---“
“Sasakalin talaga kitang babae ka eh!” nanggigigil na sabi ng Kuya niya. “Anong sasabihin sa akin ni Mommy kapag nalaman niyang napapabayaan kita!”
“Kuya, I’m 25 already! You don’t have to baby sit me because I can take care of myself!” mataas din ang boses na sabi niya rito.
“Ah kaya ba nawawalan ka na lang ng malay kung saan saan?” kastigo nito sa kanya.
“That was another story. Pagod lang ako tapos nakita ko pa si Darwin. Nakadagdag pa siya sa stress ko.”
“At isinisi mo pa talaga kay Darwin? The guy saved you when you were about to ruin that face of yours the moment you hit the floor! The least thing you could have done is to say thank you!” nanlilisik ang mga matang sabi ng kapatid.
“Eh kasi naman---“
“You’re grounded…” ang sabi ng kapatid niya.
“Okay lang. I’m not even a person who likes the night life.” Kibit-balikat na sabi niya.
“From the office.” Dugtong nito na nakapagpalaki sa mga mata niya.
“What?!”
“You heard me. You won’t be going at the office for a while.” Ang malamig na sabi ng kapatid.
“But Kuya, I’m an Operations Director! You can’t just kick me out whenever you want to” protesta niya.
“I can because I’m the CEO.” Giit ng kapatid niya. “I’ll be the one filing your leave.”
“Pero Kuya tambak pa ang trabaho ko!”
“I’ll be taking care of that as well” ang simpleng sagot ng kapatid niya.
“And what should I do while on leave? Tumunganga rito sa bahay?” nanlalaki ang mga matang sabi ng kapatid niya. “Alam mong hindi ako napipirmi nang walang ginagawa!”
“Get a vacation somewhere.”
“I don’t need a vacation. I need work!” pilit pa rin niya.
Saglit na nag-isip ito pagkatapos ay bumuntong-hininga.
“Fine!” tila sumusukong sabi nito. “You go to our hacienda at Bataan. Pamahalaan mo ang hacienda habang nasa bakasyon ka.”
“What?” gulat na sabi niya. “Is that even work?”
“Trabaho iyon dahil kasama iyon sa mga negosyo natin. Isa pa may bago tayong magiging kasosyo. You help him with the work there while you’re on vacation. Nandoon din si Lola para paluin ka kapag nagpakalunod ka na naman sa trabaho."
"But---"
"No buts! You go there or I'll just kick you out from the company, for real?" putol nito sa tangkang pagrereklamo pa niya.
"That's even more unfair!" protesta niya.
"I am the company's CEO, if I may remind you."sabi nito
Bumuga siya ng hangin dahil sa frustration gayun pa man ay alam niyang wala na siyang magagawa pa.
“Fine!” sabi na lamang niya. One week would not hurt, right? “When will I be going there?”
NAGISING si Myla sa magandang musikang ni hindi niya sigurado kung saan nagmumula. It was an organ being played beautifully. Hindi niya tuloy masigurado kung nananaginip lamang siya dahil maganda sa pandinig niya ang malamyos na tunog.
Dahan dahan siyang bumangon sa kama kasabay ng pag-alingawngaw naman ng isang malamyos ngunit gwapong tinig. Yup, she was probably dreaming. Kung hindi ay bakit nakakarinig siya ng anghel na umaawit?
Spend all your time waiting
for that second chance
for a break that would make it okay
there's always one reason
to feel not good enough
and it's hard at the end of the day
At dahil pakiramdam niya ay nananaginip lamang siya, dire-diretso siyang lumabas ng kuwarto niya. She followed the sound of the angelic voice and ended up in front of one of the guest rooms.
in the arms of an angel
fly away from here
from this dark cold hotel room
and the endlessness that you fear
you are pulled from the wreckage
of your silent reverie
you're in the arms of the angel
may you find some comfort here
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang pinakamaganda na yatang likod na nakita niya. The guy was still singing while delicately playing the organ in front of him. Ni hindi niya nakikita ang mukha nito ngunit bakit pakiramdam niya ay kilala niya ito?
Wari namang naramdaman nitong may ibang tao na sa kuwarto kaya naman tumigil na ito sa pagtugtog bago dahan dahan ding lumingon. At habang nakikilala niya ang lalaki ay lalo namang lumalalim ang kunot ng noo niya.
I am dreaming. Oh Lord, please make it a dream! Tili ng isip niya.
“Good Morning, Bansot.” Nakangising sabi ng lalaking kaharap. No it was not a dream. It was probably a nightmare. “Nice hair.”
And then she was screaming. This better be a nightmare! Just a nightmare!