ARIANA Malalaki ang hakbang niya patungo sa kwarto namin sa hotel. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulso ko. Ramdam ko sa kilos niya na galit talaga siya. "Bitawan mo ko Dylan, nasasaktan ako." ang reklamo ko sa kanya. Pinipilit kung hilahin ang kamay ko ngunit mas mahigpit ang hawak niya kaya lalo lamang akong nasasaktan dahil walang panama ang lakas ko sa kanya. Hindi niya pinansin ang hinaing ko't patuloy pa din siya sa paglakad hanggang sa marating na namin ang kwarto nila. Wala doon si Theo at Drake. Kumabog bigla ang puso ko ngunit sa pagkakataong ito ay dahil sa takot. Pinihit niya ang doorknob at pumasok kami sa loob. Malakas niyang sinara ang pinto. Napapikit nalang ako't nanginginig na din ang tuhod ko. Ito ang unang beses na naging ganito si Dylan sa harap ko. Mariin n

