ARIANA NIYAYA na ako ni Valerie na maligo sa dagat dahil di na masyadong masakit sa balat ang init niyon. Andito kami sa terrace ng hotel at kita niyon ang kabuuan ng dalampasigan. Ngunit tumanggi lamang ako dahil nagpupuyos ang damdamin ko ng makitang masayang nagtatampisaw sa dagat si Michelle habang si Dylan ay nakaupo sa umbrella beach chair, binabantayan ang babae. "Oh mukha ka ng toro diyan kulang nalang sunggabin mo si Michelle ah! Tara na kasi!" ang pangungulit niya pa sa akin. "Di ko mapigilan Val, sumosobra na kasi yang Michelle na yan e, kung nabubuhay lang si Amber baka sinampal na yang babae na yan." ang di ko mapigilang himutok dito. "Aysus! Wag kang magselos diyan. Mas maganda ka diyan. Kaya tara na ipakita mo yang alindog mo." inismiran niya ko ng di ako gumagalaw

