ARIANA'S POV Mabilis na lumipas ang mga araw and finally ay natapos ko na ang kolehiyo. Haharapin ko na ang panibagong yugto ng aking buhay. This is life. Kailangan ko makahanap agad ng trabaho para makatulong sa pamilya ko. Kanina pa ako palakad lakad sa buong siyudad at pag may nakita akong nakapaskil na hiring ay agad akong nagpapasa ng resume. Di pala biro ang maghanap ng trabaho. Init, gutom at matinding pagod ang kailangan mong tiisin. May nakita akong karenderya at bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Di pala ako nakakain ng agahan sa sobrang pagmamadali na baka maabutan ng traffic sa daan. Magtatanghalian na din kaya naisipan kung dito nalang kumain. Umorder ako ng pork steak at dalawang kanin. "Lakas mo naman kumain iha, pero ba't ang sexy mo pa din?" tanong ng tinder

