ARIANA "Maghubad ka!" sigaw nito sa akin. Nasa harap nila ako , umiiyak at nagmamakaawa na pakawalan na ako pero binabalewala lang nila ang pakiusap ko. Biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa gilid kung nasan ang bag ko. Kukunin ko na sana ito pero kinuha ito ni Kiko at pinatay ang tawag. Nag ring ito ulit pero ibinagsak niya ang phone ko sa sahig at inapak apakan. "Wala ka nang kawala pa Ariana! Sundin mo nalang ang pinapagawa ko sayo!" singhal nito ng boss ni Kiko. "Parang awa niyo na po, di ko po kayo isusumbong sa pulis promise po!" Napahalakhak naman ito sa sinabi ko. Kinuha nito ang baril at itunutok sa akin. Napaatras naman ako sa ginawa niya at itinaas ko ang dalawang palad ko. "Anong akala mo sakin tanga? Di ako bobo Ariana. Di mo ko mauuto" galit na asik

