ARIANA "Hello" bungad ng baritonong boses ng lalaki. Di ko mapigilan na kabahan, boses niya palang ay nakakapanginig na ng laman. "Hi Dylan, it's me Ariana. I accept your proposal for a fake marriage." deretso kung sabi sa kanya. Mabuti na lamang ay itinago ko ang binigay nito na calling card. Nakitawag lang ako sa isang telephone station dito malapit sa hospital dahil nasira ang cellphone ko dahil inapak apakan ni Kiko. "Okay meet me at the bar later, dun tayo mag co-contract signing." sagot nito. I hanged up the call. Andito ako sa labas ng hospital, papasok na sana ako ng biglang sumulpot si Jerome na may hawak pa ng isang bouquet of flowers at may dala pang mga prutas. Agad naman itong lumapit sa akin at iniabot ang bulaklak. "For you babe!" nakangiting saad nito at iniabot

