ARIANA NAISIPAN naming huminto muna sa isang fast food chain na nadaanan namin. Mag aalas nuebe na din kasi ng gabi at kanina pa nangungulit ang pamangkin ko na nagugutom na daw siya. Masaya kaming pinagbuksan ng pinto ng ladyguard sa establishmentong iyon. "Good evening po Ma'am" ang bati pa nito sa amin. Gumanti ako ng ngiti dito at ganun din si Dylan. Nag order lamang kami ng chicken, spaghetti, fries at di mawawala ang kanin. Ganadong kumakain si Macey habang si Dylan naman ay todo kuha ng litrato dito. "Dy ang dami mo ng picture sa kanya. How about me?" ngumuso pa ako na parang nagtatampong bata. "May nangungulit kasi sakin Mine na damihan ko daw ang pagkuha. Nagrereklamo pa nga e kung isa lang ipapadala ko sa kanya" aniya. Nagtaka ako sa sinabi niyang iyon. Sino naman

