ARIANA Nagising nalang ako na wala na ang dalawa sa tabi ko. Mag aalas otso na ng umaga kaya bumangon nako't naligo na muna. Narinig ko na ang masayang kwentuhan ng dalawa sa baba. Sumilip na muna ako sa nakaharang na dingding. Abala si Dylan sa pagluluto ng agahan, nag p-prito ito ng itlog at bacon. Naka apron pa ito na pang babae ang disenyo. Lihim akong napangiti sa kanya. Samantalang si Macey ay naghahalo ng harina para sa paggawa ng pancake. Nakaalalay lamang sa kanya ang lalaki. "Kuya Dylan do we have a cat here?" ang tanong pa nito. Nagtaka naman ako sa tanong nito't pati si Dylan ay ganun din ang reaksiyon. "No baby why?" aniya. "Kasi po sabi niyo kagabi ay papaluin niyo po ang kitten. Wag po kuya Dylan kawawa naman po ang pusa. I'm gonna talk to mom if pwede ampunin nalan

