Chapter 01: WHEN HER WORLDS STOP

1318 Words
LUMALALIM NA ANG GABI nang dumating ang isang black McLaren 720s sa malawak na front yard nang isang property, kung saan may malaking mansion ang naroon. Sa pagdating nang sakay nito ay dali-daling lumabas ang mga tauhan ng mansion upang salubungin ang bagong dating. Bumukas ang pintuan ng driver seat nang lumabas doon ang isang guwapong lalaki, may magandang tindig na lihim na pinagpapantasyahan ng bawat babaeng katulong sa mansion. "Yow! Hawkins, did you enjoy catching a mou--" "--follow me on my office, Lionheart, lend me your f*****g artistic f*****g hand." putol na ani nito kung saan tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng mansion. "Should I say that my coming here to your boss's boring mansion is perfect timing?"tanong ni Dett Lionheart bago sinundan ang Head founder ng Narcotraficante o Narco. Isang grupo ng isang drug syndicate or trafficker. Ito ay pinamumunuan ni Segreid Hawkins, isang billionaire businessman at nagpalaki ng Hawkins Corporations sa buong Asia. Despites of being a succesful businessman, sa likod ng guwapo nitong mukha ay isang tao na namumuno sa isang illegal na organisasyon para sa mga illegal na droga. " May ipapaguh--" "--here's the paper and pen, iguhit mo ang mukha ng taong ide-describe ko sayo." putol ni Segreid na buntong hiningang ikinalapit ni Dett sa mesa nito. "Kakauwi mo lang galing sa paghahabol sa prinsesa ng mga Lerwick, kararating ko lang din sa mansion mo. Can we talk for a whil--" hindi natuloy ni Dett ang sasabihin niya ng magsimula ng magsalita si Segreid at idescribe ang taong ipapaguhit nito. Napapailing na dinampot ni Dett ang pen at mula sa mesa ni Segreid ay nagsimula na siyag iguhit ang dine-describe ni Segreid sa kaniya. Kalahating oras ang tumagal ng pag guhit ni Dett, kung saan nakakunot na ang noo niya dahil sa mukha ng isang babae na kaniyang naiguhit base sa paglalarawan ni Segreid sa kaniya. "Did you get it?" plain na tanong ni Segreid kung saan ipinakita ni Dett ang naiguhit niya, na agad tumuon ang mga mata ni Segreid doon. "Who is this woman, Hawkins?"Nagtatakang tanong ni Dett. "Find out who she is, and give me any information you learn about her right away."utos ni Segreid na mas lalong ikinakunot ng noo ni Dett. "Sino ba ang babaeng 'to, Hawkins? Don't tell me--" "--she's a witnessed. Nakita niya ang pagpatay ko sa kapatid ni Lerwick, so i need information about her." putol ni Segreid. "Bakit kailangan mo pang malaman ang information sa babaeng ito kung nakita niya ang ginawa mo? I can kill her right away to keep her mouth shut." "What did I order you to do, Lionheart?" ngiting putol na tanong ni Segreid na bahagyang nakaramdam ng kalamigan si Dett sa ngiti ni Segreid sa kaniya. "Find information about this woman on my sketch, loud and clear, Mr. Hawkins."sagot ni Dett na ikinasandal ni Segreid sa kinauupuan nito. "Good. Now go." Buntong hiningang naglakad na palabas si Dett sa opisina ni Segreid. Nang maiwan nang mag-isa si Segreid ay tumayo ito sa kinauupuan nito at humarap sa bintana niya. Kung tutuusin ay tama si Dett, hindi na kailangan ni Segreid alamin kung sino ang babaeng nakakita ng ginawa niya. Hindi hinahayaan ni Segreid na sikatan pa ng araw ang sinumang banta sa illegal niyang negosyo, yet dahil there's a part in Segreid's head na gusto niyang makilala ang babaeng nakakita sa kaniya sa may eskinita. "This was the first i didn't kill a person after what she saw. Ineteresting." pahayag ni Segreid na bahagyang ikinangisi nito. KINAUMAGAHAN, sa simpleng apartment ni Annie ay nakatulala siyang nakaupo sa may mesa niya habang nagsasalin siya ng kape sa tasa niya. Ready na siyang pumasok sa kaniyang flowershop, yet may eyebags na naipon si Annie dahil hindi ito nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nasaksihan niya. Pakiramdam niya ay makakapasok sa apartment niya ang guwapong killer at patahimikin siya. Nakauwi siyang natataranta kagabi, na pagkapasok niya ay nagsara at naglock na agad siyang bintana at pintuan niya. Hindi na siya nakakain ng hapunan sa takot, nang kumabog ang dibdib niya ng may kumatok sa pintuan niya. Gustong maiyak kagabi ni Annie sa isiping nasundan siya ng guwapong killer sa kaniyang apartment, pero nang marinig niyang si Samuel ang kumakatok ay agad niya itong pinagbuksan kung saan agad siyang nakatanggap ng sermon dito. Ang problema ni Annie, marami siyang time kagabi upang sabihin kay Samuel ang nakita niya pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. Umalis si Samuel na wala siyang nasabi, kaya hindi na rin siya tuluyang nakatulog ng maayos. "Paano kung paglabas ko sa apartment ko ay naghihintay nalang ang killer na 'yun para patahimikin ako." sambit ni Annie sa sarili nang lingunin biya ang photo frame ng kaniyang ina na nakasabit sa dingding niya. "Ma, mukhang maaga kitang masusundan diyan sa langit." ani ni Annie na ikinatayo nito sa pagkakaupo at tinungo ang litrato ng kaniyang ina. "Ma, dapat bang magpunta ako sa presinto para isumbong ko ang nakita ko? Pero pag ginawa ko 'yun talagang magkakasama na tayo ng maaga diyan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi mama!" paglabas ng hinaing ni Annie sa kaniyang ina na ikinabuga niya ng hangin. "Abangan mo nalang ang pagdating ko diyan sa langit ma, wish me luck." ani ni Annie na buntong hiningang hindi na nakapagkape, at kinuha na ang sling bag niya bago lumabas ng kaniyang apartment. Wala siya sa mood maglakad, kaya sumakay nalang siya ng tricycle papunta sa flowershop. Nagscroll si Annie ng news feed sa kaniyang f*******: account, na baka nababalita na ang pagpatay sa isang babae sa isang eskinita. Yet kahit anong scroll niya ay wala siyang makitang balita mula roon. "Bakit walang news about dun? Baka wala pang nakakadiskubre sa katawan nung babae? Or baka nilinis na nang killer ang katawan para walang ebidensya? Pero guwapo na ba ang mga killer sa panahon ngayon?" mga tanong ni Annie sa kaniyang sarili. "Grabe naman kung away magkarelasyon lang 'yun pero napatay nung guwapong lalaki 'yung nobya niya. Tama si Samuel, delikado ang panahon sa ngayon." ani pa ni Annie kung saan pilit niyang inaalis sa isipan niya ang nasaksihan niya kagabi, kahit pakiramdam niya ay may guilt sa dibdib niya dahil pinili niyang itikom ang bibig niya kaysa magsumbong sa pulis. Nang makarating na si Annie sa kaniyang flowershop ay inayos niya muna ang loob at ang mga bulaklak. May mga bago siyang bulaklak na iniligay na niya sa mga lagayan ng mga ito. Nang okay na ang lahat ay lumapit na siya sa pintuan at ipinakita na ang open sign ng shop. Fifteen minutes palang siyang nagbukas ng shop nang may dumating na siyang mga client. Solo lang siya sa flowershop niya pero nakakaya niyang mag-isa ang trabaho niya. Masaya si Annie na mag arrange ng mga bulaklak sa mga client niya. "Good start ang morning ko, sana tuloy-tuloy 'to." ngiting ani ni Annie kung saan sinimulan niyang mag-arrange ng ilang boquet ng mga bulaklak pang display nang marinig niya ang bell ng pintuan niya, hudyat na may client siyang pumasok. "Thank you for coming to Garden of Eden, pili lang po kayo ng bulaklak na gusto niyo. Tatapusin ko lang po---" natigil si Annie sa pagsasalita niya ng maramdaman niyang nasa harapan na niya ang pumasok sa shop niya. Dahan-dahang nilingon ni Annie ang bago niyang client, nang bahagya siyang gulat na napaatras at bahagyang namutla dahil hindi nawawala sa isipan niya ang mukha ng killer na nakita niya kagabi. "Yoho! Puwede bang bigyan mo ko ng Black rose? Kung hindi available ang black rose ay Chrysanthemum ang kailangan ko. Do you have those flowers?" ngiting tanong nito na ramdam ni Annie ang panunuyo ng kaniyang lalamunan, lalo pa at ang mga bulaklak na gusto nito ay may kinalaman sa kamatayan. Mama...pakiabangan po ako sa afterlife...iyak ni Annie sa kaniyang isipan sa isiping iyon na ang huling araw ng kaniyang paghinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD