Prologue: WITNESS A CRIME SCENE
"Here's the arranged White rose with lilies of the valley as you instructed me. Sigurado ako na magugustuhan iyan ng nobya mo, sir." confident na saad ni Annie pagkalapag niya ng boquet ng bulaklak na pinili ng kaniyang kliyente.
"Nililigawan ko palang siya."
"Mapapasagot mo na siya with that flowers, trust me!" ngiting ani ni Annie na ikinatapik pa niya sa balikat nito.
"T-Thank you." pagka-abot ng bayad nito kay Annie ay masayang napasuntok si Annie sa hangin dahil marami siyang naging kliyente ngayong araw.
Last client na niya ang nagpunta sa flowershop siya, at makakauwi na siya para maaga-aga upang makapagpahinga.
"Oras na para mag-ayos at magsara."ngiting saad ni Annie kung saan nagsimula na siyang mag-ayos sa loob ng flowershop niya.
Si Annie Salazar ay naulila ng lubos nang mamatay ang kaniyang ina sa sakit sa puso. Tanging ang Garden of Eden ang naiwan sa kaniya ng kaniyang ina, kaya pinangangalagaan niya ito kahit ilang business man ang gustong bumili ng puwesto niya dahil maganda ang spot na 'yun for their business.
Ilang beses na siyang nakatanggap ng pananakot sa mga gustong kumuha ng puwesto niya, pero hindi siya bumibigay dahil ang Garden of Eden nalang ang naiwang alaala ng kaniyang ina sa kaniya.
Nang maiayos na lahat ni Annie ang loob ng shop ay kinuha na niya ang sling bag niya at isinara na ang flowershop niya. Magdidilim na kaya pinili ni Annie na dumaan sa isang short cut para makauwi agad sa kaniyang apartment. Naglalakad lang siya pauwi since walking distance lang ang flowershop sa apartment niya.
Naglalakad na si Annie ng maramdaman niya ang pag vibrate ng phone niya. Nang kunin niya ito sa bulsa ng pants niya ay nakita niyang si Samuel na kaniyang kaibigan since college ang tumatawag.
"Hello Sammy?"pagsagot ni Annie sa tawag ng kaibigan.
"Pauwi ka na?"
"Yup, naglalakad na nga ako pauwi eh." ngiting sagot ni Annie kung saan lumiko na siya sa short cut na dadaanan niya pauwi.
"Hindi ka naman siguro dumaan sa short cut na dinadaanan mo, since dumidilim na, right?" tanong nito na bahagyang ikinangiwi ni Annie.
Si Samuel Alarcon ay matalik niyang kaibigan at isang pulis na oa ang pagka overprotective sa kaniya. Dahil doon napagkakamalan siyang nobya ng mga kabaro nito.
"Actually dinadaan ko siya ngayon since convenient, malapit sa apartment ko at walking dis--"
"---are you stupid, Annie?!" putol na singhal ni Samuel na expected na ni Annie na hindi magugustuhan ng kaibigan niya ang pagdaan niya sa short cut.
"Kalma lang Sammy, okay? Maybe medyo isolated itong short cut na dinadaanan ko pero hindi siya ganun kadelikado. Though wala nga lang streetlight dito pero i guaranteed to you that this is a safe way to my home."
"Sa panahon ngayon Annie, wala ng ligtas na lugar. What if may mga nakatambay na adik sa eskinita na 'yan ha? What if--f**k! Go back to where you came from, Annie – I'll come pick you up. Now." seryosong saad ni Samuel bago ito nawala sa kabilang linya, dahilan upang matigilan si Annie sa kaniyang paglalakad.
"Masyado namang judgemental sa lugar na 'to si Sammy, madilim lang naman siya pero mukha namang safe ang daan na 'to---" bahagyang napatalon sa gulat si Annie nang makarinig siya ng malakas na lagabog.
Biglang tinubuan ng kaba si Annie after niyang marinig ang malakas na lagabog di kalayuan sa kinatatayuan niya. Napalunok si Annie sa isipin na baka tama si Samuel at may mga adik sa lugar na 'yun, hindi niya lang natitiyempuhan pag dumadaan siya.
"Balik na tayo sa pinanggalingan natin Annie." mahinang sambit ni Annie sa sarili kung saan nagsimula na siyang maglakad palabas ng pinasukan niyang eskinita.
"Damn you, Hawkins!"
Muling gulat na natigilan si Annie sa boses ng isang babae na umalingawngaw sa eskinita. Alam ni Annie na may hindi magandang nangyayari sa eskinita, pero kusang kumilos ang kaniyang mga paa at tinungo ang isang parte ng eskinita kung saan nanggaling ang boses na kaniyang narinig.
Nang makarating roon si Annie ay sumandal siya sa may pader, at dahan-dahang sumilip kung saan nakita niya ang isang babae na duguan na bahagyang nakalutong sa ere dahil sa sakal-sakal ito ng isang lalaki, kung saan sa dahil sa liwanag ng buwan ay nakita ni Annie ang guwapong mukha nito.
"You can cursed me all you want baby, but that will be your last curse." rinig ni Annie na malamig na ani ng guwapong lalaki sa babae.
"Yo-you think palalagpasin ito ng kuya ko? H-He will hunt you down, Hawkins, and he will bury you alive!" sigaw ng babae kahit nahihirapan ito sa mga sinasabi nito, kung saan bahagyang napatawa lang ang guwapong lalaki kung saan ramdam ni Annie na ang tawa nito ay malamig at walang buhay.
"You're scaring me baby, shall I plead for my life?" malamig na saad ng guwapong lalaki, kung saan binalibag nito ang babae sa lupa at tinapakan ang tiyan nito upang hindi makatakas.
Waaahh Magkarelasyon kaya sila na nag-aaway?! Dapat ba akong mangielam kasi kawawa naman 'yung babae, pero may nagsasabi sa akin na huwag kong subukan. ani ni Annie sa kaniyang isipan kung saan hindi magawang ikilos ni Annie ang kaniyang mga paa at tumakbo paalis.
Nanlaki nalang ang mga mata ni Annie nang makita niyang naglabas ng isang baril ang guwapong lalaki at may inilagay pa sa bibig ng baril na hindi niya malaman kung ano.
"Sa tingin mo ba ay may magagawa si Lerwick akin? Your older brother is like a brave dog with other people, but he tucks his tail between his legs when he comes face to face with me. Do you know that he'd rather live than seek revenge because I killed his w***e of a sister?" pahayag ng guwapong lalaki.
"No! He will avenge my deat--"
Napatakip si Annie sa kaniyang bibig ng marinig niya ang faint na tunog sa baril na hawak ng guwapong lalaki. Bahagyang nanginig sa gulat si Annie, lalo pa at pansin niyang hindi na gumagalaw o nagsasalita ang babae.
"D-Did h-he ki-killed that wo-woman... "nauutal na mahinang ani ni Annie nang matuod siya sa kinatatayuan niya ng sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkatagpo ang kanilang mga mata ng guwapong lalaki.
Bumilis ang kabog ng puso ni Annie kung saan pinilit niyang umalis at tumakbo palayo sa lugar na 'yun.
He saw me?! He freaking saw me?! sigaw ni Annie sa kaniyang isipan habang nare-realize niya habang tumatakbo siya na isang krimen ang kaniyang nasaksihan.
Nabalot ng takot si Annie dahil nakakasigurado siya na nakita ng killer ang mukha niya, lalo pa at nagtagpo ang kanilang mga mata. Pagkalabas ni Annie sa eskinita ay agad siyang sumakay sa tricycle at nagpahatid sa apartment niya. Nawala na sa isipan niya si Samuel na pupuntahan siya dahil sa halong kaba at takot.
Abo't-abo't ang kaba sa dibdib ni Annie at hindi niya mapigilang mag-isip sa mga oras na 'yun na baka hanapin siya ng guwapong kriminal, at patahimikin dahil witness siya sa ginawa nitong pagpatay sa isang babae.