bc

LIGHT BEYOND SHAME "Mayor Mavee Saldivar"

book_age18+
1.5K
FOLLOW
27.1K
READ
HE
second chance
goodgirl
heir/heiress
drama
bxg
bxb
mystery
brilliant
loser
campus
small town
office lady
assistant
civilian
like
intro-logo
Blurb

"Gwapo, Matalino, May Puso at Malasakit. Ganyan ang pagkakakilala ng tao sa Binatang si Maverick o mas Kilala bilang Mayor Mavee Saldivar. Sa Edad na 30 sya ang hinirang na pinakabatang Mayor sa kanilang Lugar. Minahal sya ng tao dahil sa 2 Taon nya na pag upo ay marami narin ang nabago sa kanilang lugar. Politiko rin ang iba nyang mga tiyuhin, kaya sya naman ang pinalaban ng mga sumunod na taon kaya ngayon ay nakaluklok sya sa pwesto dahil sya ang iniluklok ng tao dahil sa kabutihang loobAt maayos na pamamalakad nito. Ngunit sa likod ng masayahing Mayor ay meron palang lungkot na nababalot, ang sugat sa puso na naiwan ng babaeng kanyang minahal ng lumipas na taon. Akala nya ay ito na ang babaeng bubuo sa buhay nya ngunit hindi pala dahil Pamilyado na ito. Masakit man ngunit kailangan nyang tangapin na hindi ito ang babaeng nakalaan para sa kanya. Masaya na rin sya para dito dahil nabuo muli ang Pamilya ng babaeng kanyang minamahal.Ngunit paano sya? Hangang kelan sya maiiwan sa kalungkutan? Hangang kelan sya mag iisa? Kailan darating ang babaeng magpalabago at Bubuo at mag bibigay ng kulay ng kanyang Mundo?At si Xelca Lynzie 19 anyos isang Dalagang nag bakasa sakali lamang na makahanap ng trabaho sa Bayan kung saan nasasakupan ni Mayor Mavee. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang landas nila dahil sa Maling bintang.Ito na kaya ang simula para magkalapit sila?Makuha kaya ni Xelyn ang Loob ng Mayor na Malambing sa Iba ngunit palaging Mainit ang Ulo sa kanya?O Saka lang mapag tatanto ni Mayor ang Halaga ng dalaga kapag nawala na ito sa Buhay nya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 "BINTANG"
XELYN Maaga akong bumangon mula sa pagkakahiga. Balak ko kasing maghanap ng trabaho ngayon. Kung ang mga ka klase ko ay busy para sa pagpili ng Eskwelahan na kanilang papasukan ako naman ay busy sa paghahanap ng papasukan na pwede kong applyan. Hindi na kasi ako makapag papatuloy sa kolehiyo dahil wala naman na kaming pang aral. Ako nga pala si Xelca Lynzie Davis. 19 years old, Wala na ang mama ko at ang tita ko na lamang ang nagpalaki sa akin. Sundalong Americano raw ang aking ama sabi ni Tita, nagtrabaho daw kasi si Mama nung dalaga pa ito sa Gapo at doon daw nito nakilala ang aking ama na Si Earl Davis, hindi ko alam kung yan talaga ang totoong pangalan, basta yan daw ang sinabi ni Mama. 2 taon lamang ako ng mamatay si Mama may Cancer kasi ito. Kaya ang Tita Rosalia ko na ang nag alaga sa akin. Mabait ang tita ko, sya ang nagpaaral sa akin. Ngunit ngayong kolehiyo ay hindi na kaya dahil malaki at marami na ang gastos. Gusto ni Tita Rosalia na ipagpatuloy ko pero ako ang nagsabi na sa susunod na taon na lamang, Mag iipon na muna ako, di rin kasi biro ang gagastusin kung ipipilit ko, at isa pa may karamdamang iniinda si Tita tanging pinagkakakitaan nya lang din ay ang pagtitinda ng home made Embutido na minsan ay inilalako ko. Kaya mas mainam na ibili nya nalang ng pang maintenance na gamot nya at ako na lamang ang mag iipon para sa pag aaral ko. Balak kong pumunta sa Sta.Veronica, Doon kasi Kahit papano ay kabayanan.Mas maraming oportunidad doon na pwede kong pasukan kumpara rito sa amin. Sakto lamang ang dala kong pera para sa paghahanap ko ng trabahong mapapasukan. Pag minamalas ka nga naman, nasira pa ang suot kong sandals. Kaya no Choice kundi bumili ng Pandikit na di naman kasama sa budget ko. Tanghali na ngunit wala parin akong mapasukan. Ilang Mga posibleng trabaho na ang pinasahan ko ngunit lahat ay walang bakante. Gutom na gutom na ako, Alas dos na ngunit wala pa kong kinakain dahil sakto lamang nga ang dala ko. Isang skyflakes at tubig lamang ang aking nabili. Pakiramdam koy Di ko na talaga kakayanin kaya minabuti kong pumasok sa isang convenient Store saka bumili ng Cup noodles pantawid gutom. Namalayan kong pumasok ang isang grupo ng kababaihang mga Estudyante. Sa mukha ng mga ito ay tila may mga kaya sa buhay. Apat na babae sila. Nag hahagikhikan pa sila ng pumasok. Nakita kong tumingin pa sa akin ang isa na tila nang uuyam saka bumulong sa kasama saka nagtawanan. Hindi ko naman na pinansin iyon. Pansin kong Sa may table sa likod ko sila umupo. Wala naman akong naririnig kundi ang kwentuhan nila kung san sila mag babakasyon at anong mga balak nilang bilhin at pagkagastusa. Ako naman ay pinakikingan lamang iyon. Mabuti pa sila, Pabaka bakasyon na lang. Maganda ang buhay, di na nila kailangan mag part time katulad ko. Busy ako sa pagkain ng bigla silang Magtilian. "Hala..Si Mayor Mavee Ayiee.. ang pogi nya talaga, knikilig yung Tingg!l ko" saad ng isa, muntik pa akong mabilaukan sa narinig ko. "Haha..Watch me..Papansinin ako nyan hehe." "Weh? Eh lahat naman talaga pinapansin nya binabati nya." Saad naman ng isa. "Hindi basta, Watch and learn." Saad pa ng babae na parang pinaka leader sa kanilang apat. Doon ko lamang napansin ang pagpasok ng isang lalaki na nakasuot ng kulay puting polo sleeve na tinupi sa Siko. Tama nga sila, Gwapo ang nasabing Mayor, Tinatanguan nya ang mga bumabati sa kanya sa nasabing store. Saglit ulit akong tumingin sa kanya. Sakto naman na napatingin din sya kaya nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung anong meron sa pares ng matang iyon ngunit tila may lungkot ako na naramdaman. Nagbaba naman ako ng tingin saka itinuloy ang pagkain. Nagulat na lamang ako ng biglang magsisigaw ang isa sa babae na nasa may likod ko. "Omg..yung phone ko nawawala! Nawawala yung phone ko, May nagnakaw, Pagagalitan ako ng mommy at Daddy ko neto." Saad ng babae. Dahil sa sigaw nito ay nagkaron ng Komusyon sa loob, dahilan kung bakit pati ang gwapong alkalde ay lumapit at magtanong. "Hmm..Excuse me Mga mag aaral anong nangyari? "Mayor yung phone ko po nawawala, gift po yon ng parents ko sakin, hawak ko pa po kanina, pinatong ko lang po sa table." Wika ng babae sabay turo sa table na malapit sa akin. Nagbukas ng bag ang mga kaibigan nya at sinasabing wala sa kanila. Hangang sa sabay sabay silang tumingin sa akin. "Hindi kaya ikaw Miss? Ikaw lang ang katabi namin rito!" Saad ng babae "Huh? Bakit? E nasa likod ko kayo?" "Kahit pa, buksan mo nalang din ang bag mo kung wala kang tinatago." hamon pa ng isa. "Ganon ba? Okay para sa ikatatahimik mo!" Saad ko saka binuksan ang aking bag. Laking gulat ko ng makakita roon ng Chocolate mula sa store pati ang mamahaling cellphone ng babae. "Oh, kita mo na nasayo pala! Mag nanakaw! "Teka, paanong napunta sa akin ang mga yan wala aking ninanakaw na kahit ano!" "Sinungaling! Ganyan naman kayong mga Pobre! Porke wala kayong pambili!" Saad pa ng babae. "STOP!" sigaw ng Mayor na naroon pa pala. Halos maluha ako dahil sa hiya, nakatingin sa akin ang lahat ng naroroon, kulang na lang yata ay lulunin ako ng lupa dahil sa hiya." "Wala akong ninakaw! Oo mahirap lang kami pero di kami tinuruan magnakaw at kumuha ng di sa amin, marunong kaming pumarehas." "Tatanggi ka pa eh huli ka na," "Tama na yan." Miss since nasayo na ang cellphone mo ano bang gusto mo mangyari? "Gusto ko po mabaranggay ang babae na yan, Ahmm..salamat din po Mayor ha at nariyan kayo, mauuna na po kami ah, Kayo na po ang bahala dyan sa Magna na yan." Saad nito saka ako inirapan. Halos maluha ako sa inis, samantala.. "Miss, sumama ka sa amin, magsalaysay ka sa barangay!" Saad ng alkalde. Napatingin na lamang ako. Sinabay nila ako patungo sa barangay na sakop nila at pagdating doon ay kinuhanan din ako ng salaysay. Ang mayor naman ay busy sa pinapanood sa Cellphone. Maya maya lamang ay lumapit ito. "Mga kabataan talaga, di mo alam kung anong mga tinatakbo ng isip! Saad nito saka inagaw sa akin ang papel. "Bakit po?" "Gumawa ka ng panibago, yung ikaw naman ang nag rereklmo, sinet up ka nila." Saad ng mayor saka pinakita sa akin ang larawan at video na pasimpleng nilagay ng babae ang cp nito sa bag ko, pati ang mga chocolate. Habang nag gagawa ako ay nakatingin ang Mayor. Dahil sa gutom at dahil din sa tensyon kanina ay Di ko na rin naubos ang kinakain ko na naiwan ko na rin sa store, walang kaabog abog ay biglang kumulo ang tyan ko, napatingin pa sa akin si Mayor ng marinig ito. "Sorry po Mayor" "Hindi ka pa ba kumakain?" Imbes na sumagot ay tango lamang ang tinugon ko. "Bakit hindi pa? Sobrang tanghali na." Sabi pa nito "Kaya nga po nasa store ako para kumain ng cup noodles kaya lang ganon po ang nangyari." Saad ko naman. "Bago ka ba dito sa lugar namin? Para ngayon lamang kita nakita rito." Tanong ng pogi ngunit masungit na Mayor "Ahhmm..taga kabilang bayan po ako, Sumubok lamang po ako na humanap po ng trabaho dito sa lugar nyo Mayor. Dahil mas may Opportunity po dito kesa sa kabilang bayan." Saad ko pa "Hindi ka na ba nag aaral? Ilang taon ka naba? "Disinuebe anyos na po bale tapos na po ako ng senior high, Naghahanap po ako ng trabaho para po makaipon, para makapag aral din po ako ng College balang araw." Saad ko sa Mayor. "At anong trabaho naman ang gusto mo? "Kahit ano po, Basta po marangal Mayor." Nakangiting wika ko rito ngunit ang mayor ay nananatiling seryoso parin ang mukha. "Umuwi ka na! Iwan mo ang resume mo at hintayin ang tawag ng sekretarya ko!" Saad pa nito saka Umalis sa harap ko. "Nga pala oh, Kumain ka ng maayos na pagkain bago ka umuwi, ayoko na may nagugutom sa nasasakupan ko.!" Dagdag pa nito saka inilagay sa palad ko ang isang libong Piso. "Mayor... Sobra sobra na po it....." Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis ang mga hakbang nito palabas. Ngumiti naman sa akin ang Driver nya na si Mang Marsing na sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na. "Sige na Hija, Kumain ka na umuwi at ng makapag pahinga, Hindi halatang pagod na pagod ka sa paghahanap ng trabaho hehe, ingat ka." Saad pa ng driver ni Mayor. Tumango na lamang ako at Bahagya ngumiti rito. Dali dali akong humanap ng karinderya at doon ay kumain ako ng matiwasay. Sa wakas makakakain din ng maayos. Umorder ako ng Sinigang na baboy at ng Kanin. Bago ako umuwi ay bumili pa ako ng tatlong pirasong mansanas at saging pasalubong kay Tita. Ayos, Ang bait ni Mayor, naabutan pa ako ng 1k, may 800 pa na natira sa akin. Bubudgetin ko na lamang ito sa mga susunod na araw kapag nag apply ako, para di narin ako hihingi ng pamasahe kay tita. Pagdating sa bahay ay agad akong pumasok. Nakita ko si Tita na nag aayos na ng paninda na gagawin nya para bukas. "Oh hija, kaawaan ka ng dyos, kumusta ang apply mo?" "Hmm.. nagpasa lang po ako tita, kailangan ko pa maghintay ng tawag, Ahm..baka may tumawag po sa inyo tita ah, ibinigay ko po kasi ang number nyo as reference. "Sige hija, sasabihin ko sayo kapag may tumawag. Sabi ko naman kasi sayo na ibili na natin ng cellphone yung Dalawang libo kong pera noong nakaraan para kahit papano may magamit ka. "Tita, mas importante po nag gamot nyo pang maintenance, ang mahalaga po eh kayo, Saka makikitext lang nmaan ako sa kakilala ko kapag mag uupdate sa inyo. Hayaan nyo pag nagka trabaho ako bibili ako ng di Keypad hehe." "Hahaha..loko ka talagang bata ka, Sana nga ay magka work kana, para makapag aral ka ulit. Ayaw mo naman kasi, pipilitin naman kitang igapang sa pag aaral." "Tita, Sapat ng pinag aral nyo ako hangang SH, napakalaki na ng sinakrispisyo nyo sa akin. Di na nga kayo nag asawa dahil sa obligasyon nyo sa akin." "Xelca Lynzie, Wala kang kinalaman sa hindi ko pag aasawa... Choice ko iyon. Masaya na ako na nariyan ka." "Pero Tita, paano ang sarili mong buhay? Hindi po ba kayo nangangarap na magkaroon ng sariling Pamilya? Tanong ko rito saka tumingin sa kanya. "Xelyn, Alam mo, maliit kapa noon, Nang Binuksan kong muli ang puso ko. Nagkaroon ako ng Nobyo. Okay naman sana kaso gusto nya ako isama sa ibang bansa, kaso gusto nya..Iwan kita, at hindi ka kasama, Ang sabi ko, Sasama lamang ako sa ibang bansa kung kasama kita, Ngunit di sya pumayag, kaya raw kami pupunta roon para bumuo ng sarili naming pamilya. Dahil doon nagtalo kami, Nangako ako kay Ate na mamahalin at aalagaan kita na parang akin. Kaya yung gusto mangyari ng Dati kong Nobyo ay hindi nangyari, Nakipag kalas ako sa kanya. Dahil di kita pwedeng iwanan. "Hmm...at Sa ikalawang pagkakataon tita, nasugatan muli ang puso mo dahil naman sa akin. Kung sumama ka siguro sa kanya tita, Baka maganda na ang buhay mo, hindi mo na kinakailangan na dumoble kayod para sa pangastos natin at sa pang gamot mo, Hayaan mo Tita, kapag nagkaron na ako ng maayos na trabaho, gusto ko di kana maglalako, dito ka na lamang sa bahay para mag gawa dahil may rider kana na mag dedeliver." Nakangiting wika ko kay Tita. "Hmm..hehe ikaw talagang bata ka..tama na nga, naiiyak lang ako, basta hija, gusto ko makatapos ka rin ng pag aaral mo. Matupad ang pangarap mo sa buhay at magkaron ng masayang Pamilya balang araw, Alam ko naman na hindi sapat ang pag mamahal na naibibigay ko sayo. Meron paring puzzle sa pagkato mo na kulang at di pa kompleto. Basta ang payo ko lang sayo hija, hwag na hwag oang magtatanim ng sama ng loob. Para magaan parin. "Opo Tita, pangako..Ahm..Tita, pwede po magtanong? Diba sabi mo sa ikalawang pagkakataon Sumubok kang mahg mahal? Sino po pala yung Una? Curious kong tanong kay Tita. Napatahimik sya saka napatingin sa malayo. "Hmm..Si Miguel, sya ang una kong Nobyo, Nagmahalan kaming Dalawa, Akala ko noon ay sya na, ngunit hindi pala, Gusto nyang magsama na kami noon, ngunit hindi pa naman ako handa, at bata parin ako noon kaka bente anyos ko pa lamang. Gusto nyang magpakasal kami Dahil nakatakda syang ipakasal sa iba, Hindi rin ako tangap ng mga magulang nya at isa pa kilala ang pamilya nila. Dahil kilala ang pamilya nila binantaan ako ng ibang kamag anak nya na wag mag dadala ng kahihiyan kaya nakipaghiwalay ako kay Miguel. Tinapos ko ang aming relasyon. Nabalitaan ko rin na ikinasal sila ng kanyang naging asawa, Noong ikasal sila saglit akong sumilip sa simbahan noon, Mukang mabait naman ang asawa nya at may pinag aralan tulad nya, hindi kagaya ng tulad ko na wala namang narating." Saad ni Tita. "Nasaan na po sya ngayon Tita? "Ang alam ko ay nasa Ibang bansa sya dahil doon sila nanirahan ng kanyang asawa, Ang ibang bagay ay hindi ko na alam dahil, Pagkatapos noon ay isinarado ko na ang Libro at Pahina naming dalawa, wala na akong balita at Ayoko naring makibalita, Masaya na akong nalaman ko na maayos na sya at ang gusot ng pamilya nila. basta ang alam ko Kilala ang pamilya nila sa Sta.Veronica. at ayoko na rin malaman pa kung ano ang latest dahil matagal na panahon narin ang nakaraan." Saad ni Tita. "Sige po Tita, pasensya na po kung mausisa ako." "Wala iyon, Sige na magbihis kana at magpahinga dahil maghapon ka sa kalsada kakahanap ng trabaho." Saad pa ni tita. Tinugon ko naman ito saka ako pumasok sa kwarto at nagpalit na nga ng damit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook