3RD PERSON
Kinabukasan ay sakto lamang ang gising ng dalaga. Naligo na sya sa CR na nasa loob ng guest room. Nag ayos na sya bago lumabas at bumaba sa dining. Nang matiyak na okay na ang itsura nya ay bumaba na sya. Pagbaba nya ay nakita nya ang alkalde na nasa dining, at hinihintay sya na mag almusal nagbabasa ito ng news paper, nakasuot ito ng reading glass.
"Ang hot parin ni mAyor kahit na nakasalamin, kahit na mukha syang masungit at irritable, kahit na ang hirap nyang spellingin sa mga bagay bagay na gusto nya " Saad ng dalaga sa isip.
Naramdaman naman ng alkalde ang kanyang pagbaba kaya napatingin ito sa dalaga. Tinawag nya ito at inatig na mag almusal.
"Xelyn, Halika na rito ng makapag almusal ka na." Anyaya ng binata na nakatitig sa dalaga.
Sinadya kasi ni Xelyn na Mag ayos ng husto ngayon dahil gusto nyang inisin ang Binatang Alkalde. Kaya Napakaganda nyang lalo sa suot na uniforme na skirt na naka tuck in, ang blouse nya naman ay binuksan nya ang ilang botones. Nag ayos din sya ng mukha, Nag apply sya ng Make up at lipstick kaya naman ibang awrahan ang Xelyn na bumaba.
"Good morning Mayor," nakangiting wika ng dalaga na sadya talagang batiin nag mayor sa napaka gandang ngiti.
"Go..Good morning Xelyn" Tugon ng alkalde.
Kumuha ng dalwang Hotdog at nilagang itlog ang dalaga saka nya inilagay sa kanyang pinggan. Kumuha din sya ng kape.
Habang kumakain ay nakaisip ng kalokohan ang dalaga.
Kumuha sya ng Hotdog at dahan dahan iting sinubo, kunwari pa ay may binabasa sya sa Cellphone kaya Nanatiling nakapasok ang hotdog sa kanyang bibig. Ang isa namang hotdog ay nilagay nya sa gitna sa pagitang ng dalwang itlog. Hindi pa ito napapansin ng Alkalde, mas napansin ng alkalde ang ganong itsura nya na nakasubo sa hotdog, ramdam naman ng dalaga na nakatingin ito sa kanya. Kaya nilaro laro nya pa iyon.
"Hmm..sarap naman nito, Kakatakam tuloy" saad ng dalaga habang nilalaro pa ang hotdog sa kanyang bibig.
"Xelyn!, pwede bang unahin mo ang pagkain, kung ano ano ang inuuna mo!" Saway sa kanya ng binata.
Napaawang naman ang bibig ng dalaga ng makita ang alkalde na pulang pula at pawisan habang salubong ang mga kilay.
"Ahmm..Sorry Mayor, nag send kasi yung classmate ko ng almusal nya, parang natakam ako,."
"Bakit? Ayaw mo ba ng almusal?"
"Hindi naman po Mayor, Masarap naman po itong Hotdog at HARD BOILED EGG Mo na, hinain., Kaya kakainin ko po ito." Wika naman ng dalaga, napatingin naman ang binata sa pinggan at halos masamid sya ng makita ang hugis nito sa pingan ni Xelyn ang isang Hotdog sa pagitan ng dalwang itlog.
Bahagyang napamura ang alkalde at napahawak sa noo.
"Alam mo Xelyn, kumain ka na, Ito ang soup mag soup ka para mainitan ang sikmura mo."
"Salamat Mayor, pero nakakatakam parin yung sinend ng ka klase ko,"
"A ..ano ba yung sinend ng classmate mo?"
"Malapot at puting puting TA....."
Hindi pa naitutuloy ng dalaga ang sasabihin dahil mas lalong namula ang alkalde tila butil butil ang pawis nito.
"Ano Xelyn...Ano yung gusto mo matikman, PuTing puting Ano?
"Ahm..puting puting...Ta ." Ang dalaga naman ang biglang nautal ng ilapit ng binata ang kanyang Mukha.
"Puting Puting ano?...Say it My Dear!" Saad ng Alkalde sa pinalanding boses.
"Puting Puting TA...TAHO mayor." Saad ng dalaga sabay kagat Sa Hotdog na tangan nya.
Napaupo naman pabalik ang alkalde saka napa buntong hininga.
"Taho lang pala, Hayaan mot ibibili kita Mamaya pag hatid ko sayo sa school." Saad ng Alkalde sabay higop ng kape.
Mabilis naman tinapos ng dalaga ang pagkain. Okay naman sa kanya nag mag commute ngunit gusto ng alkalde na ihatid sya. Kaya hinatid muna sya nito. Paghatid naman sa kanya ay nasaktuhan naman nya na naroon ang ka eskwelang Si Gemary.
Ipinagbukas na sya ng alkalde ng Pintuan kaya nahihiya sya sa mga nakakakita.
"Wala ka na bang Nakalimutan?"
"Wala na po Mayor," saad ng Dalaga."
"Hi Mayor, Good morning po." Bati ni Gemary sa alkalde.
"Good Morning Din, Classmate kayo?"
"Opo Mayor, Classmate kami ni Xelyn, Hoy Bakla ang haba ng Hair mo, hinatid kana ni Yorme pinagbukas kapa ng pintuan."
"Shhh..tumigil ka nga dyan"
"Oo nga pala Xelyn heto pala yung TAHO na pinabili mo." Saad ng kaeskwelang si Gemary.
"Hmm..Salamat Gem."
"Kayo po Mayor? Gusto nyo rin po ba ng Malapot na Puting Taho?
"Huh? Hindi na, salamat na lang, si Xelyn kasi ang may gusto nyan kanina pa."
"Sige Mayor, Opo nga eh parang naglilihi sa Taho kung makapag pabili.
"Ahm..Sige mauuna na ako sa inyo, Mag aral kayong mabuti ah.,Xelyn.. bye..see you later."
"Copy Mayor, See you later po." Saad ni Xelyn sa binata.
Nang makaalis ito ay kantyaw ang inabot nito kay Gemary.
"Wow..iba ka talaga Friend, may pa See you later pa ang Mayor mo, ikaw nmaan haba ng hair gupitan ko yan eh."
"Gem, ano ka ba..wala lang yon no, diba sa munisipyo ako nag wowork , tapos asawa pa ni Tita ang Daddy nya, kaya ayin medyo malapit lang kami.
"Hmm..talaga ba.. yon lang ba? Wala bang something kemerot sa inyo?"
"Wala no, halika na nga dami mo ng tinatanong!"
"Sauce, umiiwas ang lola mo, haha diba dun ka kina mayor nakatira, kumusta naman doon?
"Ayos lang..sa guest room ako natutulog syempre, Ano okay na?"
"Hmm..halika na nga, sungit mo naman nagtatanong lang naman ako eh baka kasi mamaya makakakuha ako ng info na nagkaka mabutihan na pala kayo ni Mayor, e kung ganon ang swerte ko naman dahil may friend akong Jowa ng Mayor hahaha."
"Tse, hindi no..tumigil ka nga, Saka mataas ang standard nyang si Mayor, baka Hindi tulad ko ang babaeng pinapangarap nya hehe.," saad ng dalaga na tila may panghihinayang.
"Ayy, bat parang nanghihinayang hehe Olat yan?"
"Tse..Alam mo tara na at baka ma late na tayo kaka chismisan dito sa labas." Anyaya naman ng Dalaga sa kaibigan.
Samantala...
MAVEE
Matapos kong ihatid si Xelyn ay dumiretso na rin ako sa opisina. Medyo inaantok ako dahil di ako nakatulog ng maayos kagabe, dahil di mawaglit si Xelyn sa isip ko na nasa kabilang kwarto lamang.Napatingin ako table nya. Nakakamis tuloy sya every morning dahil nasisipat ko sa pwesto ko ang kanyang ganda. Ginugol ko na lamang sa trabaho ang oras ko. Sa bagay mamayang 2:30 ay naririto na naman sta ulit, Hihintayin ko na lamang sya. Habang busy ako sa aking ginagawa ay nakatangap ako ng isang email mula sa inutusan ko upang hanapin ang Ama ni Xelyn, Kung buhay pa ito. 2 Earl Davis ang nahanap ng aking informant.
Kapwa pamilyado na ang mga ito. Ni hindi man lang ba nila inisip o inakalang may anak sila? Sa bagay baka di rin nila alam. Hindi nabanggit ni Xelyn kung ipinaalam ba ng namayapa nyang ina sa kanyang ama na ipinagdadalang tao sya nito.
Mabilis na lumipas ang oras at biglang bumukas ang pinto, iniluwa noon si Xelyn.
Lumapit sya sa akin saka inabot ang tangan nya sa kamay."
"Baka lang po gusto nyo Mayor?" Wika nya saka inilapag sa aking mesa. Meron doong 3 Hot Cake na sa tingin ko ay binili nya sa labas ng Eskwelahan.
"Masarap yan Mayor, Sa labas ko lang yan binili, pero sigurado akong malinis yan dahil malinis mag tinda si Mang Andoy at aling Patring."
"Ok, Salamat dito," saad ko saka tinanguan sya. Bumalik naman sya sa pwesto at kita kong sinimulan nya na mag trabaho. Ilang oras lang sya mag wowork pero kita ko ang kasipagan nya.
Bandang 5:30 ay pansin kong nag ayos na sya ng mga gamit, Kanina pang 5pm nag out ang mga kasama namin.
Quarter to 6 ay nag out na rin kami. Hindi naman ganong kalayuan ang bahay namin sa Munisipyo kaya almost 10 mins ay nakarating din agad kami.
Magluluto sana ako ngunit pag dating ko sa kitchen ay naroon na si Xelyn. Ang sabi nya ay sya na raw ang magluluto kaya hinayaan ko na lamang. Pinanood ko na lamang sya. Chicken afritada ang niluluto nya.
"Mayor...Ahhh..., pa check ako kung Ok po ang lasa" saad nya sa akin habang dala ang sandok, agad ko naman itong Tinikman at di maipagkakailang masarap ito
"Hmm..masarap Xelyn, Ang sarap ng luto mo." Saad ko sa kanya.
"Sana all Masarap at Sana All Tinitikman hindi binibitin." Anya ngunit di ko masyado dinig dahil mahina lamang iyon.
"Xl may sinasabi ka?"
"Ahm..Wala po Mayor GUNI GUNI nyo lang po yon." Sagot nya naman sa akin. Matapos magluto ay kumain na rin naman kami agad.
Napaka maasikaso ni Xelyn, alam nya na rin agad ang mga gamit sa bahay at napakasinop rin nyang babae.Nang makakain na kami ay ako na ang nag presinta na magligpit, hindi na rin naman sya tumutol.
Matapos ko maghugas ng mga pinggan ay nagawi ako sa sala bukas ang TV at tila nanonood sya ng TV habang nag aaral. May pagkakataong tinitigil nya ang ginagawa saka nanonood ng balita.
Kinuha ko Naman ang laptop ko at sa sala din nag tungi upang doon mag trabaho at samahan sya.
Pansin ko ang pagbuntong hininga nya pati na rin ang pag pag tuktok nya sa ballpen na sa wari ko bay may hindi sya makuha kuha sa inaaral nya.
"What's the problem? tanong ko rito saka ko sya nilapitan.
"Ahm..hindi po kasi ako mag tally, mali parin." Saad nya, Inabot ko naman ang notes nya at tiningnan sa laptop na nasa harap nya, Madali lang naman ito, siguro ay nalito lamang sya kaya ipinaliwanag ko sa kanya Hangang sa makuha nya ang tamang sagot.
Bandang alas dyis ay nag desisyon na akong umakyat sa kwarto, inaya ko na sya pataas ngunit may tatapusin lang daw sya. Kaya sinabi ko na mauuna na muna ako.
Naalimpungatan ako bandang alas dose kaya bumaba ako para uminom ng tubig. Laking gulat ko ng makita si Xelyn na nakayupyop sa mesa. Patay na nag ilaw sa sala tanging ilaw lang sa lampshade at ilaw sa monitor ng laptop ang nagbibigay liwanag. Ginigising ko sya ngunit Himbing na himbing sya. Pinasan ko sya at dinala sa kanyang kwarto.
Sinave ko na lamang ang kanyang ginawa saka ko inakyat sa kwarto nya ang mga gamit nya. Matapos kong gawin iyon ay di na ako makatulog. May bagong update kasi sakin na email ngayong gabi lang na willing makipagkita ang isang Earl Davis na Nakita ng informant ko, Nasa Pinas ito ngunit may asawa at pamilya na rin.
Gusto kong isangguni muna kay Xelyn, kung handa ba syang makaharap ang isa sa Earl Davis na posibleng Tatay nya. Saka ako mag coconfirm kung kailan.
Ang sabi ng kausap ko ay Pamilyado na ito, May asawang pinay, May tatlong anak. Base sa larawan na pinakita sa akin ay masaya at May kaya nag mga ito, Nakakapag travel abroad at maganda ang pamumuhay. Pero si Xelyn nabuhay mag isa sa pangangalaga ni Tita Alia, Nagtrabaho ng maaga para makapag aral. Napatingin akong muli sa maamo nyang mukha. Wala pang kasiguraduhan kung tunay ba talaga itong ama ni Xelyn, at kung totoo man wala ring kasiguraduhan kung tatangapin nila si Xelyn.
Kung sakali man na di nila tangapin si Xelyn ay labis itong masaskatan, at hangat maari ayoko na mangyari yon.
Muli ko syang tinitigan saka ko isinara ang kanyang pinto.
XELYN
Pag gising ko ay nagulat ako ng makita kong nasa sarili na akong kama. Nasa may table narin ang laptop na gamit ko kagabi. Chineck ko iyon..akala ko ay hindi ko na saved ang files kaya kabado ako. Ngunit nakita ko ang oras ng i saved ito, marahil si Mayor na ang nag saved ng ginawa ko. Bumangon ako at nagsimula ng maligo.
Ikalawang araw ko dito sa bahay kasama si Mayor. Nakita ko naman na may nag notif sa phone ko at nakita ko na nag chat si Tita at nag send ito ng larawan nila. Masaya ako dahil kita sa mukha nya ang saya kasama si Tito Miguel, at ang sabi nila ay baka ma extend ang travel nila dahil inaya pa sya ni Tito Miguel na mag travel Sa California.
Tinatanong nya sa akin kung Ok lang ba ako kung mag extend sila dahil matatagalan pa sila makauwi. Iniisip nya kasi na di sila aabot sa Kaarawan ko. Dun ko lang naalala na kaarawan ko na pala next week. Nireplyan ko naman sya na ok lamang. Kahit pag bumalik na lamang sila i celebrate ang birthday ko, Mas mahalaga ang bonding nila ni Tito Miguel, kaya inassure ko sa kanya na ok lang ako at hwag ako masyadong alalahanin.
Nang matiyak nya na ayos lamang ako ay natapos na rin ang aming usapan sa chat.
Nang makabihis na ako ay agad narin akong bumaba, as usual nakahanda na ang mesa at naroon si Mayor at naghihintay.
Tulad ng nakagawian ay inabot nya sa akin ang isang basong gatas.
May fried rice, Bacon, sunny side up egg at syempre ang Jumbo cheese dog.
Kumuha ako ulit ng hotdog at sunny side up egg.
"Kumain ka ng marami Xelyn, para di ka nagugutom sa kung ano ano."
"Kumakain naman ako ng ayos mayor."
"Alam ko pero damihan mo ang kain, para di ka pumayat." Dagdag pa nito.
Napaisip tuloy ako parang di naman ako payat ah..sakto lang naman ang katawan ko ah. Para wala na lang masabi si Mayor Ay sinunod ko na lamang ang sinabi nya.
Hinatid nya ulit ako sa school tulad kahapon. Medyo kakaiba pa ang pakiramdam ko para bang nanglalata ako. Pero ayoko namang dumaing kay Mayor kaya hinayaan ko nalang rin.
Nang maihatid nya ako ay nagpasalamt naman ako. Saka nagtungo sa aming room.
Akala ko ay magiging ok ako ngunit tila biglang naginit na ang aking pakiramdam.
Kaya naka yupyop lang ako sa may upuan. Agad namang napansin iyon ni Gemary, ang aking kaibigan at ka klase.
"Hoy Bakla ano na? Keri pa? Pwede ka namang umexit sa next subject natin dahil masama ang pakiramdam mo." Saad ni Gem sa akin.
"Huh? Kaya ko pa naman siguro Gem."
"Sure ka kaya? Tingnan mo nga yan putla kana Bakla, saka teka ang init init mo na, tawagan mo na kaya si Mayor para mapasundo ka."
"Wag na, nakakahiya naman, busy rin yon "
"Sus, E ok lang yon, Di naman sya ang susundo eh, para lang masundo yan, my gosh, baka dito kapa mawalan ng malay bakla di kita kayang pasanin papuntang clinic, Akin na yang phone mo, I dial mo number ni Mayor Dali!."
"Ayaw, nahihiya ako.."
"Tse...Akin na dali ako ang kakausap." Walang tigil pa na saad ni Gem kaya wala narin akong nagawa kundi sumunod dito. Matapos kong i dial ang numero ay si Gem na ang hinayaan kong kumausap rito.
"Hello XL!"
"Ay Sorry mayor, hindi po ako XL, Double XL po ako, Charaught.hehe.. ahm Mayor si Gem po ito yung kaibigan at ka klase po ni Xelyn,"
"Yes bakit napatawag ka?"
"Ahm..May sakit po si Xelyn Mayor, Sabi ko po eh umuwi na sya, pero matigas po ang ulo ayaw pa po umuwi. Pakisundo nyo na nga po ito sa mga driver nyo.,"
"Ganon ba? Sige Sige, pakisabi kay Xelyn na susunduin sya okay? Rinig kong wika ni Mayor sa kabilang linya.
Matapos ang usapan nila ay lumabas na ako ng campus upang hintayin na lamang ang sundo ko sa labas.
Iniisip ko ay si Mang Cardo ang susundo sa akin, isa sa mga driver ni Mayor,ngunit nagulat ako ng mismong Si Mayor ang bumaba ng Sasakyan.
"Ayy..Ang Taray .akala ko ba busy ang Mayor mo, pero Ayan at sya pa ang sumundo sayo.. Ayieee...feeling ko talaga may someting dyan sa Mayor mo at Sayo..Eyyyy."
"Shhh...Gem tumigil ka na, marinig nya pa."
"Ay sauce, pero kinikilig yarn."
Panay na tukso parin sa akin ni Gem.
Inaabot sakin ni Gem ang mga gamit ko ngunit nagulat ako mg Si Mayor ang kumuha noon, Isinakbit nya sa kanyang balikat ang bag ko, At kinuha nya rin ang Laptop na bitbit ko, Nagpsalamat sya kay Gem saka nta ako inalalayan patungong sasakyan.
Medyo naiilang ako dahil pinag titinginan kami ng ibang nakakakita, Imagine Si Mayor, May bitbit na bag pambabae kasama ako?
Kaya ng makasakay na ako ay pinas8bad nya na in ang sasakyan.