CHAPTER 3 "INGAT SA PAG PUNAS, IBA ANG NAHIMAS"

2286 Words
XELYN Kinabukasan ay maaga akong Gumising, tulad kahapon alas kwatro ay kailangan ng bumangon dahil ala-singko kailangan ay makaalis na ang jeep na sasakyan ko, di bale nang ako ang maghintay. Mabuti na lamang at mabilis napuno ang jeep, medyo trapik kaya 6:30 na ako nakarating. Dumaan lamang ako sa 7-11 malapit sa munisipyo saka bumili ng kape. Kalmado pa akong pumasok dahil sa isip ko ay maaga pa ako, laking gulat ko ng pag bukas ko ng pinto ay Naroroon na si Mayor at kasalukuyang inaayos ang Coat. "Good morning po mayor." Wika ko sabay tingin sa orasan. Tama naman ang dating ko, maaga pa wala pang alas syete, pero bakit narito agad sya. Saad ko sa isip lamang. "Wag kang Magtaka, Hindi ka naman late, sadyang mas maaga lamang ako pumasok." Saad ni mayor sa malamig na tono. Bigla tuloy ako nahiya, ganyan ba talaga sya kaaga? Bigla ko naalala na kailangan ko pa pala ipagtimpla ng Kape si Mayor sabi ni Mam Leah. Kaya agad ako pumunta sa pantry upang ipagtimpla sya ng Kape. Habang gumagawa ng kape ay medyo kinakabahan ako. Paano kung di nya magustuhan? Paano pag di sya nasarapan." Tanong ko sa aking isip. Bahala na si Batman, sana magustuhan nya. Dahan dahan akong lumapit sa Mesa nya Dala ang Kape sakto wala sya, ibababa ko lamang iyon sa kanyang lamesa. "Thank You!" Biglang saad nya sa may likod ko. Sa Gulat ko ay napaharap ako at nasabuyan ang kanyang Suot ng mainit na kape. "Ayyy..Palakang Kokak." Saad ko sabay tilapon ng kape sa tapat ng Kanyang puson umagos tuloy iyon sa kanyang pantalon. Sa sobrang taranta ko ay binaba ko ang Kape sa table saka ko Dali daling Pinunasan ang harap ng kanyang pantalon gamit ang aking Kamay sa pag aakalang matutuyo iyon. "Naku Pasensya na po Mayor, di ko po sinasadya,..sorry po..sorry po" saad ko ngunit isang malamig at tila ma otoridad na tinig ang lumabas sa kanyang bibig. "What are you Doing!, Get out of my Sight, Baka ano pa ang magawa ko sayo Xelca Lynzie!" Saad nito Tumingin ako sa kanyang mukha, Pakiramdam ko ay kakainin nya ako ng buo, pero pagharap ko ay nakita ko syang nakapikit at namumula ang mukha. Agad ko na lamang syang sinunod dahil nga baka matanggal nya pa ako sa trabaho. Lumabas ako at pumunta sa table ni Mam Leah. "Mam, baka last day ko na po ito." Saad ko saka yumuko. "Huh? Bakit? Ano nangyari? "Aksidente ko pong nabuhusan ng kape si Mayor, sorry Mam Lea." Saad ko saka ako pumasok sa CR at doon umiyak. Akala ko pa naman magtatagal ako rito, pero mukang last day ko na. Baka tangalin na ako ngayong araw. Matapos kong umiyak ay naghilamos ako at Bumalik sa aking pwesto. Nahihiya pa ako ngunit sinenyasan ni mam lea na pumasok ako kaya bumalik ako sa pwesto ko. Lumapit ako sa mesa nya para punasan ang natapon at Kunin ang kape ngunit pagdating ko roon ay wala ng laman ang tasa. "Mayor, kukunin ko na p....." "Give me another Cup of Coffee please!, Nabitin ako." Matigas na tinig ni Mayor. "O..Ok po Mayor," mabilis naman akong sumunod at pinagtimpla syang muli. Marahan ko na iyong binaba sa kanyamg mesa. "Salamat" saad nya habang tuloy ang pag tingin sa laptop nya. "Ahm..Mayor..gusto ko lang po ulit humingi ng tawad." "Okay na! Go back to your work! Wala namang mangyayari kung mag sisisihan tayo, so Go back to your Table and Open your Drawer!" Matigas na saad nito. Agad akong Pumunta sa table ko at binuksan ang aking Drawer. Halos manlaki ang aking mata ng Makita ang paper bag na may laman na Bagong Cellphone na Vivo V29. "Ahm..Mayor? Bakit po meron nito?" Tanong ko rito saka tiningnan ang cellphone. "Hindi pwedeng wala ka sa GC kaya binilhan kita ng Phone." "Ganon po ba? Salamat po Mayor, pero mahal na model po ito ah, Ahm..pwede po ba ikaltas nyo nalang po ng paunti unti sa sahod ko? Di ko po kasi ito kayang biglain." "Sino ba naman kasing May Sabi na pinababayaran ko yan? Basta gawin mo ang trabaho mo ng maayos." "Po? Talaga po? Di ba kayo nag Jo Joke Yorme? "Hehe..Muka ba akong JOKER? Ngiting asong Saad ni Mayor saka sumungit ulit ng anyo." "Ok po, Anyway salamat po ulit dito, pangako po na gagawin ko po ang trabaho ko ng Maayos." Nakangiting wika ko rito saka bumalik sa aking pwesto. Nagsimula na akong mag Encode ng mga pinagagawa ni Mam Leah sa akin. Hangang sa bandang tanghali ay Inaya ako ni Mayor dahil may meeting sya Kasama ang ibang mga Mga Mayor Mamaya, bukod doon ay may Site pa kaming dadaanan. "Ate Leah, pupunta lang kami sa Site ng BB MART gusto ko rin ma check yung ginagawa roon, diretso na rin sa meeting kasama ang ibang mayor sa San Bartolome." Saad ni Mayor Kay Ate Leah. "Sige po Mayor, Ingat kayo." Saad ni Mam Leah saka rin tumango sa akin." Sumakay ang 2 lalaking Body Guard nya sa isang Sasakyan ako naman ay nakatayo at naghihintay sa Hudyat nya. "Go Inside!" Saad nya, agad naman akong sumakay sa Back Seat, ngunit nakita ko ang mata nya at noong naka kunot sa salamin. "Dito ka Sa Unahan, I'm not your Driver Xelyn." saad ni Mayor Agad naman akong lumipat sa Passenger Seat sa tabi nya. First time kong Sumakay ng Kotse sa unahan kaya di ako magka mayaw sa paglalagay ng Seatbelt. Nagulat ako ng Abutin nya iyon at sya ang mismong naglagay sa akin. Halos di ako makahinga dahil napaka lapit ng aming mga mukha. "Hindi ko alam ngunit pag tunghay nya ay nagkatitigan ang aming mga mata. Nag iwas na lamang ako ng tingin dahil nahihiya ako. Tahimik lamang ako habang nakasakay sa kanyang sasakyan doon ay napansin ko ulit ang larawan na tulad sa kanyang table. Larawan nya kasama ang Magandnag babae at isang bata. Medyo Awkward pero nahuli nya ako na nakatitig sa frame na naroon. Ano kaya ito ni Mayor? Asawa? Pero bakit wala naman ang mga ito, baka naman nasa ibang bansa." Tanong ko sa aking isip "Kanina mo pa tinititigan yang Frame" saad ni Mayor ngunit sa mahinahon na way. Wow kaya nya pala magsalita ng mahinahon sa akin. "Ahm..Opo napansin ko po na same po ng nasa opisina nyo, Kasama yung magandang babae at yung bata po." saad ko saka binaling ang tingin sa labas. "Yeah, Si Evren at Yohanna" saad nya saka bahangayang ngumiti habang nakatuon sa pag dra drive. Hangang doon lamang ang sinabi nya, Wala ng kasunod. Walang malinaw kung asawa nya ba ito o ano pero tulad ng sinabi ko sa tingin ko ay mahalaga ito sa kanya. Madali kaming nakarating sa BB Mart dahil hindi naman ito kalayuan sa munisipyo sinalubong sya ng mga tao roon na manggagawa, medyo nahihiya ako dahil nakatingin din sila sa akin kapag baba ko. "Magandang umaga po Mayor Mavee, Gusto nyo ho ba i check ang loob?" "Oho sana mang Erning, Maganda po ah, halos patapos na" "Opo Mayor, Malaking tulong itong BB mart dito sa atin at karatig bayan, atleast po di na kailangang lumayo ng kababayan natin, di na nila kailangan gumastos ng pamasahe na malaki." Saad ni Mang Erning Saka inabot ang Hard Hat kay Mayor dahil papasok ito sa loob. "Dito ka muna Xelyn, maalikabok sa loob ako na lamang ang papasok." Anya ni mayor at sumunod na ito kay mang Erning. Di naman din ang mga ito nagtagal sa loob mag usap lang din sila saglit saka kamo sumakay muli sa sasakyan dahil alas 3 ay may meeting pa sya sa San Bartolome. Tinatahak namin ang daan pa San Bartolome ng makaramdam ako ng antok. Inilabas ko na lamang ang phone at ginamay ko kung paano ito gamitin. "Ok na ba ang phone mo?" "Opo Mayor, Thank you po ulit, bali ininstallan na po ni Mam lea kaninang breaktime, ginawan nya na rin po ako ng account. "Good nasa GC ka na rin ba, para pag may mga important matters doon nalang para aware ang lahat." "Yes po, naisali na rin po ako ni Mam Lea. Pagdating namin sa San Bartolome ay inabot ko sa kanya ang Tatalakayin sa meeting para ma heads up sya. Pumasok na kami may ilang Mayor na naroroon na, Sakto naman ang dating namin. Naupo sya sa upuan nakalaan sa kanya, ako naman at ang ibang kasama ng mga taga ibang mayor ay may upuan din sa gilid. Naglabas din ako ng notes para in case ay may makaligtaan sya ay meron akong Back Up. Pansin kong ako lang ata ang pinakabata sa naroroonedyo naiilang tuloy ako. Nang malaman na P.A ako ni Mayor ay Umi ismid sa akin ang iba. Ang iba naman ay mga approachable. Alas kwatro Y media natapos amg meeting. Ngunit may Dinner din pala na hinanda kaya kumain muna kami. Katabi ko si Mayor Sa Upuan, Kasama namin sa Table ay si Mayor Gervantes na Mayor ng San Bartolome at ang asawa nito. "Medyo naiilang pa ako, first time ko Kumain na mga kilalang tao ang kasabay. Nag uusap din sila pero wala naman ako alam sa pinag uusapan nila. Tahimik lamang ako habang kumakain. Napatingin sa akin ang asawa niayor Gervantes, Sa tingin koy nasa 30's na ito. Mukang mabait rin ito. "Kaganda naman ng Girlfriend mo Mayor Mavee, bat ngayon mo lang ata sya sinama sa mga meetings." Saad ni Ms.Mara. Bahagya akong nasamid kaya inabutan ako ni Mayor ng Panyo nya, Walang atubiling kinuha ko iyon saka ipinunas sa aking bibig. "Ok ka lang Beh?" Tanong pa ni Ms.Mara. Mangiti ngiti lamang si Mayor Saka sila nagtinginan ni Mayor Gervantes. Ako na lamang din ang nagsalita. "Ahm..Sorry Ms.Mara, P.A po ako ni Mayor Mavee." Nakangiting wika ko. "Ah ganon ba? Pasensya na, akala ko ikaw ang kanyang nobya. "Kaka Hired lang namin sa kanya Mrs.Gervantes, she's Xelca Lynzie and you can call her Xelyn." Pagpapakilala naman sa akin ni Mayor. Habang nag kwe kwentuhan ang dalwang Mayor, Ako at ang asawa ni Mayor Gervantes na si Mam Mara ay nag kwe kwentuhan rin. 10 taon na pala silang kasal at meron na silang Anak na nasa 8 taon. Mabait din ang asawang ito ni Mayor Gervantes. Medyo maloko nga lang dahil panay kantyaw kay Mayor Mavee. "Hay naku Mayor Mavee, Mag asawa ka na, Sayang naman ang lahi." "Hehe .wala pang magkamali Mrs.Gervantes" "Sauce..pihikan ka ata eh, Baka naman meron, nandyan lang sa paligid ayaw mo lang bigyan ng pansin." Dagdag pa nito. "Oo nga Naman Mayor Mavee, Galaw Galaw hehe, Next time naman dalawin mo ako sa Bahay namin sa Farm mag bondinh naman tayo." Saad pa ni Mayor Gervantes dito. "Copy Mayor Jorge, Dalaw ako sa susunod" saad naman nito kay Mayor Gervantes. Ilang minuto pa kami nagtagal ngunit bandang 6:00 ay umuwi na rin kami. Pagpasok namin ng San Bartolome ay Sumilip ako sa Paradahan ngunit wala ng Jeep na byahe sa amin. Nagulat ako ng lampasan iyon ni Mayor. Tumingin ako sa kanya at akmang magsasalita ng Pangunahan nya ako. "Ihahatid na kita Sa inyo, Ituro mo lang sa akin ang daan." Saad ni Mayor. "Po? Nakakahiya naman Mayor, medyo malayo po ang sa amin. Saka po may parting rough road po. "I know, ilang beses na naman akong nakapunta rito." Dagdag pa nito. Tumango na lamang ako at tumahimik ng ituro ko ang takmang daan ay tinahak nya iyon hangang sa makarating sa aming bahay. Sakto namang nailawan si Tita ng Sasakyan na tila galing sa tindahan kaya tumingin ito sa sasakyan. "Mayor, Salamat po sa paghatid nyo., Mag iingat po kayo." Wika ko ngunit nakita na pala kami ni Tita kaya lumapit ito. "Xelyn, Hija .nariyan ka na pala." Saad ni Tita saka napatingin kay Mayor. "Magandang gabi po" Magalang na bati ni Mayor. "Magandang gabi din naman po."wika naman ni Tita. "Ahm..hinatid ko lang po si Xelyn, Ginabi na po kasi kami sa meeting." "Ah..Ganon po ba..Naku salamat po sa paghatid sa pamangkin ko." "Wala pong Ano man." "Ahm .Mag ingat po kayo Mayor, Salamat po." "Ahm..Mayor, baka po gusto nyo munang bumaba at makapag kape, tamang tama at may bagong kapeng barako kami. "Ahm..Tita..Baka po may ibang lakad pa po si Mayor, nakakahiya naman po." Sabat ko dahil naiisip ko na baka maabala na ito mg husto. "Ganon po ba? Salamat po, kung hindi po nakakahiya sa inyo sige po, makiki kape ako." Saad ni Mayor na matamis ang ngit kay Tita. Na ol nginingitian ng matamis. Iginiya ito ni Tita Alia sa loob namin. Medyo nahihiya ako kasi Yayamanin tong si Mayor, pero simple lamang ang bahay namin pero malinis naman dahil ayaw ni Tita ng makalat. Pinaupo sya ni Tita sa Sofa. Habang ako naman ay kumuha ng kape na maiinom ni Mayor. Magkausap sila ni Tita sa Sala. "Pasensya kana sa bahay namin Mayor," "Ok lamang ho, maayos naman ho ang bahay niyo at presko po." "Ano nga palang buong pangalan mo Mayor?" "Maverick po, Mavee Saldivar" saad ni Mayor kita ko naman na tila nag iba ang reaction ng Mukha ni Tita. "Saldivar?" "Opo Mam, May kilala po ba kayong Saldivar? "Ahm..wa..wala Mayor, pamilyar lamang ang iyong apilyido." Dagdag pa ni Tita. Tapos na ang Kape kaya iniabot ko na ito kay Mayor. "Salamat Xelyn, " saad nito saka inabot ang kape. Bahagya naman akong ngumiti saka naupo sa tabi ni Tita. Nag kwentuhan pa sila ng ilang sandali. Doon ko nalaman na Wala pa palang asawa si Mayor, Binata pa ito. Kung binata pa ito, Sino ang Babae at ang bata na kasama nya sa larawan? Nananatiling tanong ko parin sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD