Kabanata 24: Naghalo-halo ang aking emosyon habang nakatingin sa blankong mukha ni Damulag. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa wakas nakita ko na siya o masasaktan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin animong bored na bored siya. Madalas kong iniisip ang tagpo na ito. Na muli kaming magkikita, na tatakbo ako sa kaniya at yayakapin siya nang mahigpit at sasabihin kung gaano ko siya namiss. Pero ngayon ay natulos ako sa aking kinakatayuan habang nakatingin sa akin si Damulag. Ibinaba niya ang kaniyang kape tapos ay sumandal siya sa kaniyang swivel chair at hinawakan niya ang kaniyang baba gamit ang kaliwang kamay habang pinag-aaralan ang buo kong katawan. Mula paa hanggang ulo ay pinasadahan niya ako ng tingin. "Name?" wala akong makita kahit anong emosyon sa kaniyang boses. H

