Kabanata 23: "Are you sure about this?" kunot-noong tanong sa akin ni Kier habang nasa kotse kami. Bumuntonghininga ako dahil hindi ko na alam kung ilang ulit na niya iyang natanong sa akin. "Sigurado na ako Kier. Sayang naman ang oportunidad na ito, alam mong ayokong nawawalan ng trabaho," marahan kong usal habang inaayos ang aking sarili pati na rin ang laman ng aking bag. Ngayon araw ay ang unang pasok ko sa isang kompaniya. Nag-apply ako bilang assistant at sa kabutihang palad ay natanggap naman ako, ilang beses na akong hindi nakukuha sa trabaho, nagka-phobia na ata ako pag-apply pero sabi nga nila, huwag susuko dadating din ang para sa'yo. Hindi ko nga lang alam kung kanino akong assistant, baka sa isang matandang lalaki? Naiisip ko na kaagad ang mamaging boss ko, sana talaga h

