Umuwi na sina mommy at kami na lamang ang natira sa pad ni Tiger.Nakakaloka dahil mas excited pa ang dalawa. Sabay-sabay kaming nagdinner kanina at buambibig na lamang ng dalawa an tungkol sa kasal at mga apo. "Juice..." tumingin ako sa kanyang nakangiting mukha habang iniabot sa akin ang baso ng juice na tinimpla niya. "Mukhang malakas ka na ah?" sabi ko sa kanya sabay abot sa baso ng juice mula sa kanyang kamay. Umupo ito sa aking tabi at inangat pa ang braso at ibakbay ako. "Wow magaling ka na agad-agad?" saad ko sa kanya. Hinayaan ko na lamang muna ang kanyang braso sa aking balikat. "Jelaine... Babe... Wife... Mahal mo pa ba ako?" tanong nito. "Kulit mo... Ang sabi ko galit ako sa'yo!" "Ano pa ba ang ikinagalit mo sa akin Jelaine ha? Narinig mo na nga ang side ko at sinabi

