Maraming niluto sina Trinity at Leon. May soup, pure veggies at iba pa. Umupo ako sa tabi ni Leon at si Tiger naman ay sa tabi ni Trinity na panay ang asikaso rito. "You wanna try my grilled scallops Tie?" dinig kong saad ni Trinity na iniaabot ang isang nakabukas na malaking scallops kay Tiger. Tiningan ko si Tiger na tumango lamang kay Trinity at kinuha ang scallop sa kamay ni Trinity na dahan-dahan munang dinilaan ang laman ng kabibe bago kinain. Tiningnan ko si Trinity na nakatitig kay Tiger kung paano ito kumakain ng kabibe. Mahihimatay pa 'ata ang gaga. Ang tukmol naman ay parang kumakain na ng kepyas sa paraan ng pagkain ng kabibe. "OA naman..." sambit ko habang nakatingin sa grilled scallop at kinamay ko ang laman nito at nilagay sa aking bibig. "Delicious..." bulong ni Tig

