Unti-unting bumalik ang aking ulirat at nang bumalik na ako sa katinuan ay may taong mula sq aking likuran ang tumakip sa aking bibig. "Ssssh Kitty kat huwag kang magsasalita, Just hide here. Maraming kalaban sa labas!" boses ni Tiger ang aking narinig. Sa inis ko ay kinagat ko ang kanyang kamay at alam kong pinipilit niya talagang hindi sumigaw dahil sa sakit. "Ba't nandito ka na kaagad ha?" bulong ko sa kanya. " I'm Black Ghost remember?" bulong din niya sa akin. "Hoy Tiger kung prank ito pwede ba huwag ako!" bulong ko sa kanya. "Listen Jelaine, this is not a prank. Kanina may mga taong sumusunod sa'yo noong lumabas ka sa bar. Remember the one we chased? Ang spy ni Governor Ganancial? Hindi pa siya patay." bulong nito. "Tigilan mo'ko Tiger. Kung palusot ito sa nakita ko kanina eh

