TIGER GELLER "Kitty Kat, may pupuntahan lang ako ah." paalam ko kay Jelaine nang dumating kami sa aking pad. "Complete details please Mr. Geller!" sambit nito sa akin. Napakamot ako ng ulo. Napakasigurista talaga. "Sa Casa bar. Kagabi pa ako tinatawagan ni Tucker eh hindi ako nakasipot kaya ngayon na lang!" sagot ko sa kanya. "Eh sino naman ang herodes na Tucker na 'yan? Baka mamaya babae yan!"nakameywang na saad ni Jelaine. Napakaganda niya kahit sobrang taray niyang kausap. " Its a long story. Hindi matatapos ang gabi kapag ikukwento ko sa' yo ngayon. "saad ko. " Eh sino nga ang Tucker na 'yan? Hindi siya pamilyar sa akin noh! " sambit niya habang tinutuyo ang kanyang buhok, katatapos lamang nitong maligo. " Kapatid namin. Tucker Geller, he is a surgeon doctor. " " Ah edi sasa

