bc

Kapag Lumingon ka, Akin ka

book_age18+
6.1K
FOLLOW
63.7K
READ
possessive
sex
age gap
playboy
dominant
CEO
billionairess
drama
twisted
bxg
like
intro-logo
Blurb

Read at your own risk. Some chapter may not suitable for young readers. (SPG)

Labindalawang taon ang nakalipas. Akala ni Jasmine ay hindi na mag-krus ang landas nila ni Gilbert. Hindi lang mag-krus ang kanilang landas kundi makakasama pa niya si Gilbert manirahan sa mansion ni donya Daniela. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa kapag nagsama? Hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubura sa isip ni Jasmine ang salitang binitawan ni Gilbert Mauritius sa kan'ya na maging akin ka rin sa tamang panahon. Laging pumasok sa kanyang isip ang katagang iyon na mula sa bibig ni Gilbert.

Gilbert Mauritius 32 years old, multi-billionaire. Ang babae mismo ang naghuhubad sa harapan niya para lang matikman nila ang isang Gilbert Mauritius. Pero sa isang babae lang nakalaaan ang puso ng binata.

Isang lihim ang natuklasan ni Jasmine ito kaya ang dahilan para muling bumalik ang dating pagmamahal or tuluyan ng wala ng pag-asa na magkabalikan? Makakaya bang iwan ni Jasmine ang lalaking nagparamdam sa kan'ya ng totoong pagmamahal at ilang beses na niyang hinayaan na angkinin siya?

"May karapatan ako dahil asawa kita honey, buong laman mo ay akin lang iyan. Kahit ipagtabuyan mo pa ako hindi-hinding kitang susukuan dahil ikaw ang buhay ko, Jasmine Sweden Mauritius."

"Asawa? Asawa mo ako sa kasinungalingan, Gilbert."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 JASMINE Nandito ako ngayon sa puntod ng aking matalik na kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na maaga siyang kinuha ni Lord. Ang mga paborito niyang laruan ay dinala ko sa puntod niya. "Mamaya ay pupunta ako sa dalampasigan, hahanap ako ng mga shell para gawin kung bracelet mo, lalo na iyong paborito mo." Sabi ko sa harap ng puntod ng kaibigan ko na si Luis. Almost one hour din akong dito sa puntod ni Luis. Dito rin ako kumain ng tanghalian ko. Pagkatapos kung kumain ay niligpit ko ang mga gamit na dala ko. Ganito ginagawa ko tuwing araw ng Sabado. "Jasmine!" malakas na tawag ni Aling Aurora sa akin. Isa siya sa tagapangasiwa sa mansyon ng pamilyang Mauritius. Nilingon ko siya, dahil sa init ng araw ay madali niya akong pinapasok sa loob ng mansyon. Minsan pinapagalitan niya ako, parang Nanay na ang turing ko sa kan'ya. "Nanay, si donya Daniela po kailan sila pupunta ng America? Totoo bang doon na sila titira? Hindi na ba sila babalik dito sa Camiguin Mauritius Island?" tanong ko kay Aling Aurora habang papasok kami ng mansyon. "Hindi ko rin alam Jasmine, alam mo naman na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni donya Daniela ang pagkawala ni senyorito Luis." Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Balita ko kasi kapag mang-ibang bansa ang mag-asawang Mauritius ay isasarado na nila ang mansyon. Hindi ko na rin madalaw ang puntod ni Luis. Dito rin kasi nila inilibing ang kaibigan ko sa garden ng mansyon na'to. Pumasok ako sa loob ng kusina para uminom ng malamig na tubig. Sinabihan din ako ni Nanay Aurora na nag-bake siya ng paborito kung chocolate cookies. Tinuro din niya sa akin ang isang maliit na box na may lamang chocolate cookies. Dadalhin ko raw para kay Mama pag-uwi. Isang public teacher si Mama sa Mauritius Elementary School siya nagtuturo. Si Papa naman ang kanang kamay ni Don George sa Isla na ito. Ako na lang naiwan sa loob ng kusina. Sarap na sarap ako sa cookies na kinakain ko, dahan-dahan kung kina-kagat ito. Kumuha rin ako ng softdrinks sa loob ng fridge. Pag-inom ko ng softdrinks ay biglang nasagip ng mata ko si Gilbert na nakatayo masama niya akong tinititigan. Ang mga mata niya ay galit na galit ito. Tumayo ako sa takot hindi ko rin tinuloy ang softdrinks na iniinom ko. Yumuko ako, hindi ko kayang titigan ang mukha niya, umigting din ang kanyang panga. Sinadya niyang bitawan ang hawak niyag baso basag na basag ang baso sa sahig. Lumaki ang dalawang mata ko dahil nagkalat ang glass sa sahig. Ang kanyang puting sneakers ay natapunan ng grapes juice na laman ng baso. "Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba a, Jasmine!" galit na sabi niya sa akin. "Kuya Gilbert, kayo po ang nakabasag ng baso na hawak mo. Kitang-kita ko paano n'yo po binitawan." Naiiyak kung sabi sa kan'ya. "Linisin mo ang mga iyan, hindi ako tatablan ng iyakin mo!" Sabay talikod sa akin na nanginginig na ang buong katawan ko sa takot sa kan'ya. Habang nililinis ko ang sahig ay may naririnig akong nagtatawanan sala. Siguro ay nandito naman ang kanyang mga kaibigan. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis kumuha ako ng basahan na nakasampay sa veranda ng kusina. Pagkatapos kung linisin ang sahig ay naghugas ako ng kamay sa lalabo. Nilagay ko rin sa paper bag ang maliit na box na may lamang chocolate cookies. Nakita ko si Nanay Aurora na papasok sa kusina. Napansin niyang namumula na naman ang mga mata ko. "Si Gilbert na naman ba ang nagpaiyak sa'yo anak?" pag-alala na tanong ni Nanay Aurora sa akin. "Opo, Nanay lagi naman po mainit ang dugo sa akin ni Kuya. Para bang araw-araw nireregla siya." Biro ko kay Nanay. "Humanda 'yan sa'yo ang bata na'yan. Siya naman ang iiyak sa'yo pagdating ng panahon sa ganda mong iyan." Nginitian ko lang si Nanay. "Sige na po, 'nay uuwi na po ako baka hinahanap na ako ni Mama." Paalam ko. Nakayuko akong naglalakad patungo sa exit door. Habang naglalakad ako ay naririnig kung masayang nag-uusap sila Gilbert sa sala. Kapag mga kaibigan niya ang kasama at kausap niya ay makikita mo ang ngiti sa kanyang labi. Hindi siya sinusumpong ng hari ng kasungitan. Pagdating sa akin ay halos itakwil at isumpa na ako. "Jasmine, uuwi ka na!" sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Gilbert. Napalunok ako. Hindi ako sumagot, ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Ayokong makita ang mukha ni Kuya Gilbert na hindi maipinta. Ang gwapo pa naman ay ubod ng sungit. Baka sa kasungitan niya ay bigla siyang tubuan ng dalawang sungay. Napailing ako ng maalala ko ang pinapanuod ko na princess Sarah. Para siya si Miss. Minchin. Nakita ko si Papa sa labas nag-uusap sila ng ibang trabahador dito sa mansyon. Masaya akong lumapit sa kan'ya. "Oh, Jasmine nandito ka pala. Pumasok ka na sa loob ng sasakyan para ihatid kita sa bahay," sabi ni Papa agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan. Pagkalipas ng isang linggo ay hindi ako pumunta ng mansyon. Hindi ko rin na bisita ang puntod ng kaibigan ko. Nagpaalam ako kina Papa at Mama na pupunta muna ako sa dalampasigan. Sumang-ayon naman sila sa akin. Pagdating ko ng dalampasigan ay tinanggal ko ang suot ko na sandals. Umupo ako sa buhangin. Hinintay ko kung paano lumubog ang araw. Ganito kasi parati ang ginagawa namin ni Luis. Minsan kinakausap namin ang mga maliliit na alimango. "Miss na miss na kita Luis. Alam mo ba pinaiyak naman ako ni Kuya Gilbert nakaraang linggo. Sorry hindi kita na bisita. Don't worry pagdalawin kita may surprised ako sa'yo," nagsasalita akong mag-isa habang ang mga mata ko ay nakatanaw sa paglubog ng araw. Tumayo ako. Sa gulat ko ay muntik na akong madapa. Akala ko kung sino ang mataas na nilalang sa tabi ko. Sa takot ko sa kan'ya ay umurong ako. Pag-urong ko ay mutik ulit akong madapa. Sa bilis ng kanyang malaking kamay ay nasalo niya ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi kurap ang kanyang mata. Nanatiling nakatingin sa akin. Binitawan niya ako. Mabilis ko siyang tinalikuran. Pero mabilis niyang hinuli ang braso ko. Mahigpit niyang hinawakan. "Nasasaktan ako Kuya." Sabi ko. "Jasmine, stop calling me Kuya. Never mo akong maging Kuya." Gigil niyang sabi sa akin. "Bakit ba lagi na lang mainit ang dugo mo sa akin? Hindi ko naman kasalanan ang pagkawala ni Luis. Kung nandito sana siya ay hindi niya hahayaan na iganito mo ako. Hindi niya ako paiiyakin tulad ng ginagawa mo sa akin." Namula ang kanyang pisngi sa sinabi ko. "Ang drama mo Jasmine. Alam mo ba tuwing nakikita kita kumukulo ang dugo ko sa'yo. Pagbabayaran mo sa akin ang pagkawala ng pinsan ko. Darating din ang panahon na maging akin ka, akin lang Jasmine. Tandaan mo iyan. Ikaw ang dahilan ng lahat. Ikaw Jasmine." Tinalikuran niya ako. Minsan nalilito ako sa kan'ya, mainit nga ang dugo niya sa akin pero iba naman ang lumalabas sa bibig niya. Ngayon sasabihin niya sa akin na para ako sa kan'ya. Paano ako maging sa kan'ya kung lagi nalang niya ako pinapagalitan at sinisisi ako lagi sa pagkawala ni Luis?Nakahinga ako ng malalim ng nakalayo na siya sa akin. Pero walang tigil pa rin ang agos ng aking luha mula sa mga mata ko. Tiningnan ko siyang palayo sa akin. Ang malapad niyang likod ay gusto kung suntukin sa bintang niya sa akin. Dati pa siya ganyan sa akin kung nagtatawanan kami ni Luis ay parang itatapon na niya ako sa bangin. Pakiramdam ko para siyang bata. Tutuusin ay hindi ganyan dapat ang niya. Parang ako pa ang matandang mag-isip sa kan'ya. Nasa tamang gulang na siya pero parang bata siya kung tratuhin niya ako. Samantala ay nasa bente anyos na siya ako ay dose anyos palang. Umiiyak ako habang pinupulot ang mga iba't-ibang uri ng shells.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook