Chapter 23 THIRD PERSON Nang makita ni Gilbert na ang biglang pagsulpot ni Vinnie ay dumilim ang kanyang paningin. Tumayo siya sa kinauupuan niya umigting din ang kanyang panga. "Wow, Mr. Mauritius naligaw ka yata rito. Don't tell me kahit hindi mo teritoryo ang pangingimasukan mo." Kumunot ang noo ni Jasmine sa narinig niya mula kay Vinnie. Hindi sumagot si Gilbert ang mata niya ay nasa ka Jasmine ng makita niya itong nakatingin sa kanila ni Vinnie. Napalingon si Vinnie sa kinatatayuan ni Jasmine. Ang mga mata ni Jasmine ay palipat-lipat sa dalawang lalaki na walang nagpapatalo sa titigan ng bawat isa. "Jasmine," sambit ni Vinnie sa dating kasintahan. Seryosong nakatingin si Vinnie kay Jasmine. Lapitan sana ni Vinnie ang kinaroroonan ni Jasmine at Eula ay hindi namalayan ni Jasmine

