Chapter 41 Gilbert Pagdating ko ng apartment ko ay si Yasmina agad ang hinahanap ko. Nang hindi ko siya nakita sa living room ay dumiretso ako sa kwarto ni Yasmina. "Good afternoon sir, tulog na po si Yasmina kanina po siya umiiyak at hinahanap ka." Sabi sa akin ni Manang "Sorry, manang hindi ko kaagad nasagot ang tawag mo. Nasa meeting ako at nakalimutan ko ang phone ko sa hotel." Paliwanag ko. "Sir, naintindihan ko naman po. Siyangapala may invitation card po kayo sir may naghatid kanina dito." Kumunot ang aking noo ko. Sinabi sa akin ni Manang na nilagay niya sa office room ko ang invitation card. Pumasok muna ako sa kwarto ng anak ko. When I saw her, malambing siyang natutulog ay hindi ako gumawa ng ingay. I kissed her forehead. Next month ay tatlong taon na ang anak ko. Ilang

