EPILOGUE GILBERT Nanginginig ako kung ano ang sasabihin ng doctor sa amin. Kung hindi ako nginitian ng doctor ay hindi makontrol ang sarili ko na masaktan ko ang doctor sa harapan namin dahil ang tagal niyang magsalita. Napahawak ako sa aking sentido ng sabihin sa amin ng doctor na congratulations. Kung pinatagal pa niya sabihin ano nangyari sa asawa ko ay siguro ay makakalimutan ko na isa siyang doctor. Lahat kami ay nakahinga ng maluwag. Niyakap ako ni Mama Amanda dumating din sila Papa at ang kanyang asawa. I know na may konting nararamdaman parin sila ni Mama pero masaya na sila bawat isa may sariling pamilya na rin ang bawat isa sa kanila. "Doc. pwede ko na bang makita ang asawa ko?" punong-puno ng excitement na boses ko na tanong ko sa doktor. "Tulog siya ngayon kailangan niya

