Chapter 65 Jasmine Tatlong araw hindi ako umuwi sa mansion namin sa Maynila after ng bakasyon namin sa Palawan. Dito ako dumiretso sa hide house namin sa Batangas kasama ko ang anak ko at si Papa. Si Stefano, Lolob at Kuya ay bumalik sila ng Maynila. Dahil naguguluhan ako dahil tinawagan ako ng isa sa mga security guard namin na lagi raw pumu-punta si Gilbert sa mansion at hinahanap kami ng anak ko. Nakakasiguro ako na alam na niya na siya ang ama ni Neymar. Tinawagan ko si Stefano tungkol dito akala ko kasi nagawan niya ng paraan na hindi muna malalaman ni Gilbert na siya ang ama dahil may mission pa ako bago ko sasabihin sa kanya ang totoo. Mali man na itago ko kay Gilbert si Neymar sa kanya kailangan kong gawin ito. "Mommy kailan po tayo babalik ng Manila?" tanong sa akin ni Neyma

