Chapter 78 Jasmine Nagwawala si Rica ng ipakita ko sa kanya ang papers ng apartment niya na sa akin na ito nakapangalan. Hindi niya matanggap na binebenta na rin ito ng kanyang ama. Hindi ko maipinta ang itsura ni Rica. "Hindi," pailing-iling niya sabi. "Sa ayaw at sa gusto mo Rica akin na ang apartment na ito. Much better don't waste your time. Umpisahan munang mag-impake." Utos ko sa kanya. "Hayop kang babae ka!" galit niyang sabi sa akin. "Huwag mong gawin ito Jasmine nakikiusap ako." Pakiusap sa akin ni Gina. "Bakit noong tinataboy mo kami ni Mama sariling mansion ni Gilbert na awa ka ba sa amin. Naawa ka ba sa aking ina Gina ha! Alam mo kahit may sakit ang ina kung anong masasakit na salita ang pinagsasabi mo. Ikaw Rica marami ka pang atraso sa akin kayong dalawa hindi pa sapa

