Chapter 20 THIRD PERSON Ilang beses tinatawagan ni Gilbert si Jasmine ay hindi nag-riring ang cellphone ng kanyang asawa. Hindi mapakali si Gilbert sa loob ng kanyang opisina. Kaninang tanghali pa niya sinusubakan ang tawag ang asawa hanggang ngayon ay naka-off pa rin ang phone ni Jasmine. Tinawagan niya si manang ay hindi rin alam ni manang kung saan pumunta si Jasmine. Lumabas si Gilbert sa kanyang opisina at sinabihan niya ang kanyang sekretarya na may importante siyang lakad. Sinabihan din niya na lahat ng appointment niya ay ipa-bukas dahil mas importante sa kanya si Jasmine sa appointment niya. Nang palabas ng building si Gilbert ang dalawang kaibigan niya ang nakasalubong niya. "Levon, Rafael anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa dalawang kaibigan. "We are here to visit yo

