Chapter 46 Jasmine Pagbaba ko sa harap ng Mauritius company ay sinalubong ako ng isang matabang lalaki na nakasuot ito ng blacksuit. Binati niya ako at tinawag niya ang isang babae para ihatid niya ako sa sariling opisina ni Gilbert. Paglabas namin sa elevator ay ang sekretarya agad ni Gilbert ang nakita ko, lumapit ito sa akin. "Salamat sa paghatid," sabi ko sa babae hindi ko na rin tinanong pa ang pangalan. "Ma'am Jasmine nasa meeting po ngayon si Sir. Kung gusto n'yo po ay pumasok muna po kayo sa kanyang opisina." Magalang na sabi sa akin ng sekretarya ni Gilbert. "Ma'am ano po ang gusto nyong inumin, juice or milk?" "Water please, thank you." Ngumiti na lumabas ang sekretarya ni Gilbert. Natataranta ako na hawak-hawak ko ang phone ni Gilbert. Hindi rin ako mapakali na mag-i

