Chapter 52 Jasmine Nakita ko si Lolo na nakaupo mag-isa living room. Tahimik at malayo ang kanyang iniisip nilapitan ko siya ng makita niya ako, he smiled at me. "Hello po Lolo," magalang na bati ko sa aking Lolo. "Hija," tawag niya sa akin. Pinaupo niya ako sa kanyang tabi. Nararamdaman ko ang lungkot at pagsisi hanggang ngayon kahit pinatawad na siya ni Papa. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay nararamdaman ko iyon. "Jasmine apo, ikaw ang nag-iisang babaeng bunsong apo ko. Wala akong ibang hiling kundi maging masaya kayo na mga apo ko. Sigurado ka na ba apo sa desisyon mo ba magpakasal kay Stefano? Mahal muna ba talaga siya?" "Bakit mo naman iyan naitanong lo?" "Wala lang apo, gusto ko lang makasigurado na maging panatag kay Stefano. I like him parang anak ko rin siya. Kung hind

