Chapter 35 JASMINE Walang nagawa si Papa at Kuya kundi dalhin nila ako sa hospital. Walang tigil ang mga mainit na luha ko na pumapatak sa aking pisngi. Halos takbuhin ko na ang loob ng hospital makita ko lang ang asawa ko na nag-aagaw buhay. "Ate dahan-dahan lang po ate, alalahanin mo buntis po kayo," mahinahon na sabi sa akin ni April. Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi sa akin ni April. Narinig ko rin tinatawag ni Kuya ang pangalan ko. I don't want to waste my time. How come na magkakaganito ang ang asawa ko. Until now I can't believe na mangyayari ito sa kanya. "Gilbert, nandito na ako. Walang mangyayari sa'yo. Darating kami ng magiging anak natin," sabi ko sa sarili ko. Nang makita ako ng ina ni Gilbert ay matapang na tumayo sa kinauupuan niya. Parang kakainin at lulunukin ni

