Chapter 26 Jasmine Buong hapon hindi ako lumabas ng bahay sa garden o kwarto lang ako. Hinintay ko kasi si Gilbert dahil hindi kasi komportable sa araw na ito siya lagi ang nasa isip ko. Pinabili ko rin si manang ng dalawang PT gusto kung siguraduhin kung buntis ba ako. Kung buntis ako ay gusto ko sopresahin si Gilbert dahil bukas na ang kanyang kaarawan. Nang mainip ako sa labas ay pumasok ako sa loob ng mansion nakita ko ang dalawang kasambahay sa kusina na nag-uusap na kumakain ng maliliit na mangga na may suka at chilli. Nang makita ko naglalaway ako. "Ma'am Jasmine mangga po," sabi sa akin ng isa kasambahay at mabilis siyang tumayo. Nailabas ko ang dila ko at napalabi ako. I smile at them at umupo walang paalam na kumuha ako ng slice of mango sa plato. Nakita ng dalawa kung paan

