Chapter 16 CLYDE "Clyde... ang Mom mo..." Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ko sa kama ko, at napatingin kay Nathan na kakapasok lang sa karto ko. Mahinahon lang ang kaniyang boses pero nase-sense ko na may problema, kaya nanlalaki ang mata akong nagtanong sa kaniya, "Ano... ano nangyari kay Mom?!" "Sinugod siya sa hospital... tapos.." Kahit na hindi pa nakakapaghilamos at nakakapagtanggal ng mga muta sa mata, agad na akong lumabas at sumakay sa kotse ni Nathan. Magtatanghali na ata, tirik na kasi ang araw. Titignan ko sana kung anong oras na... kaso lang ay hindi ko pala nadala ang cellphone ko dahil sa pagmamadali ko. "Nathan, ano nangyayari kay Mom?" "Heart attack, Clyde..." mahina niyang sagot. Kahit na nagda-drive siya, I can feel him looking at me through his peripheral v

