04: The Ex

2087 Words
Chapter 4 VENUS "Game?" he asked with his voice so silent, katatapos ko lang kasi kabisaduhin yung procedure ng appendectomy. Nasa library kami ngayon. Mga 15 minutes na kaming nandito, at may remaining 10 minutes na lang ako sa lunch break ko at pagkatapos ay afternoon rounds na namin. Medyo maliit lang 'tong library ng Trinitas Hospital, isang floor lang 'to at mayroon sigurong maximum na 10 tables. Madalas kasi na nandito ay mga pharmacists, microbiologists at ibang mga researchers. Madalang magpunta rito ang mga surgical interns at mga doctors, unless they are included sa studies na isinasagawa ng hospital. "Game," I proudly smiled at him. Tinaasan niya ako ng kilay at tumawa, "Confident ka ah, go... recite the procedure." I recited the appendectomy procedures proudly. At nang matapos ko itong i-recite ay ngumiti ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay kagaya ng ginawa niya sa akin kanina. "Mali." Tumawa siya at pinakita kung saang part ako namali. "Tama naman! Naiba lang nang kaunti mga words ko!" Depensa ko sa kaniya sabay palo ng iba kong hand-outs sa kaniya. Tumawa siya, "Joke lang." "Eh dito?" Finlip niya ang book na hawak niya at pagkatapos ay pinakita sa akin ang page na iyon. "Kabisado mo na 'yan?" "Percutaneous nephrolithotomy... the removal of kidney stones procedure? Easy lang din 'yan..." taas-noo ko pang sinabi sa kaniya. "Recite it." Tinanguan pa niya ako na para bang hinahamon pa ako. Confident ko ulit na ni-recite sa kaniya ang procedure, at napapalakpak pa siya matapos ko iyong ma-recite lahat. Napatingin pa tuloy sa amin ang mga nasa loob ng library, at napa-"Shhhhh!" nang malakas ang librarian sa amin. "Ano, bilib ka na ba sa brain ko?" Tinaas-taas ko ang kilay ko sa kaniya. "Opo, doktora ko..." nilandian pa niya ang pagkakasabi, at saka kumindat. Ang tanda ko na talaga para sa kilig-kilig na 'to, pero kahit anong gawin ko... hindi ko talaga ma-contain ang kilig ko sa kaniya! Inirapan ko na lang siya at pagkatapos ng ilang segundo ay tumayo na ako.  "Tara na. Malapit na matapos lunch break ko," pag-aaya ko sa kaniya. Agad naman siyang sumunod sa pagtayo at ngumiti. Naglakad na kami palabas ng hospital library at ibinigay na niya sa akin ang ibang hand-outs ko pagkahatid niya sa akin sa may intern's on-call room. "Thank you," I smiled at him and he smiled back. Ang gwapo-gwapo niya! "Alam mo, loko-loko ka rin pala 'no. Mukha ka lang mahiyain sa una." Sabi ko sa kaniya. Napataas siya ng kilay bago siya sumagot, "Mahiyain pa ba ako, eh unang pagkikita pa lang natin I asked your number?" "Mahiyain ka kaya! Hindi ka masyadong nagsasalita nung una eh," depensa ko. "Tahimik lang..." Tumawa siya, "Hindi ako mahiyain. Walang hiya nga ako eh." Tumawa na lang ako sa sinabi niya. Mabuti na lang talaga at nandito siya, siguro kung wala siya ay hindi mawawala ang pagkainis ko. May nagpaparamdam na naman kasi mula sa nakaraan ko, at kung hindi niya ako sinamahan mag-aral, baka buong araw na akong grumpy. "Una na ako," sabi niya sabay senyas na lalabas na siya ng hospital. "Thank you. Sobra. You made my day extra special." Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko, "You're welcome, doktora ko." Kumindat pa siya. Tangina. Yung puso ko.. eto, nagwawala na naman. "Corny mo!" I responded at agad na akong pumasok sa on-call room para magbihis. Ayaw kong makita pa niya na kinikilig ako. "Mukhang may ka-lunch date ka ha, sana all." kantyaw ni Laurraine sa akin. "Buti na lang talaga at meron, kung wala.. baka may ibang nanggulo." Napairap ako. Naalala ko na naman kasi yung kanina.. I know that that gift was from him. Kung kailan nakausad na ako at nakalimutan ko na siya, saka siya magpaparamdam ulit? Sounds like gago siya. "Ay.. chika mo na 'yan." Tumawa siya habang isinusuot niya ang white shoes niya. Napatalikod ako sa kaniya dahil inilagay ko na yung damit kong medyo basa na ng pawis sa locker ko pero patuloy pa ring nagsalita si Laurraine, "Alam mo.. ikwento mo na sa akin 'yan bago ka sumabog. Alam kong hindi kayo gaanong nagkikita ng bestfriend mo." Humarap ako sa kaniya pagkasara ko ng locker ko, at nakatayo na siya dahil tapos na niyang isuot ang kaniyang white shoes. "Handa akong makinig." Ngumiti siya at tinaas taas niya ang kaniyang kilay. Tumawa ako, "Oo, sige.. kwento ko sa'yo after ng shift natin." "'Yon! I love chikas!" Inilagay niya ang kamay niya sa braso ko at inakay na ako palabas ng on-call room. Lumabas kami ng hospital at sinimulan ko ang pagkukwento ko sa kaniya habang naglalakad palabas. Napagdesisyunan namin na sa isang sari-sari store na lang muna kami tatambay ngayon dahil sawa na kami sa mga fast food. "Bwisit naman 'yung Nico na 'yon." Napairap siya sabay inom ng softdrinks. Napatingin ako sa relo ko at nakita ko na it's already 9PM, sa wakas.. nakaka-20 hours na kami sa shift namin na 'to, at 4 hours na lang ay uwian na. Konti na lang, Friday na.. day off ko na. Hindi ko naman talaga day off ang Friday, kaso nakipagpalit sa akin yung isa kong co-intern dahil may emergency daw siya ng Saturday, which is my actual day off. "Pero sure ka ha, hindi mo na babalikan 'yang bwisit na Nico na 'yan. We should never go back to what broke us..." she glared at me. "Oo, hindi na. I'm finally moving on from him.. may Clyde na ako." Ininom ko ang softdrinks na hawak ko at napatingala sa mga bituin sa langit. "Buti naman," napatayo siya sa inuupuan niyang bench at lumapit sa tindera para bumili ng isa pang biscuit. Habang tahimik ako na tinitignan ang magandang kalangitan, biglang nag-vibrate yung cellphone ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko at tinignan agad ang text.. From: Clyde 'Di pa tapos shift mo? Patulog na ako. Hindi muna ako nag-gig tonight eh. Hahaha, reach for the stars! I knew it. It's from him. Ay. So hindi kami magkikita mamaya. Medyo nalungkot ako konti.. pero okay lang, atleast mas makakapagpahinga ako. To: Clyde Bakit hindi ka mag-gig? Haha "Mukhang nalungkot ka riyan sa katext mo ah," napasilip si Laurraine sa cellphone ko at nakita niyang katext ko si Clyde. "Awww," pang-aasar pa niya habang tumatawa. From: Clyde I'm trying to lie low muna, eh. Baka mahuli ako ng Ate at Mom ko, hahaha I pursed my lips and remembered what he said to me.. Oo nga pala, mahigpit sa kaniya ang Ate at Mom niya. "Alam mo, ang weird nung ate at nanay ng ka-lunch date ko kanina," Bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi ni Laurraine. "Si Clyde? 'Yang katext mo?" Itinuro niya ang cellphone ko at tumuloy lang sa pagkain. "Oo." "Bakit naman?" Curious niyang tanong. Ang hilig talaga mag-taas ng kilay netong si Laurraine. "They are so overprotective over him," diretsa kong sagot. "Grabe naman yung so overprotective.. bakit? Paanong so overprotective ba?" Itinapon niya na ang balat ng biscuit na kinakain niya at bumaling ang atensyon sa akin. "May regular gigs na kasi si Clyde, at dapat mamaya.. may gig siya. Kaso ayon, hindi raw muna siya mag-gig kasi baka raw mahuli siya ng Ate at Mom niya. Sabi lang niya non sa akin mahina raw siya." Pag-eexplain ko. Naubos ko na rin yung kinakain ko at yung softdrinks ko kaya ibinalik ko na yung bote ng softdrinks sa tindahan at sumunod na rin si Laurraine. "Baka may sakit siya." Nagkibit balikat na lang ako. Hindi ko naman kasi sure talaga.. hindi naman niya sinabi sa akin na mayroon. Tyaka mukha naman siyang malakas eh. Hindi naman siya maputla, hindi rin payat. "Kanina naiyak ka dun sa isang patient... nakita ko 'yon!" pag-iiba ko ng topic. Sakto rin kasing naalala ko ang pasyente kanina. May cancer yung babae, tas yung asawa niya pinipilit siyang magpa-chemotherapy. "Grabe nga pagpipigil ko, eh... naalala ko kasi yung movie na A Walk to Remember... eh iniyakan ko 'yon," nakanguso niyang sinabi. "Ikaw... paano mo natitiis na hindi maiyak?" tanong niya pa habang nakakunot ang noo. "Naiiyak din ako... I am just good at sucking it all in. Pero kapag hindi na talaga kaya, sa C.R. ako umiiyak, at hindi sa harap nung patient," I answered, smiling. "Tyaka medyo magandang training ground sa pagpipigil ng iyak ang Grey's Anatomy," natatawa ko pang pahabol. Tumango siya at tumawa, "Magdadala ako ng flash drive bukas... pahingi ako ng copy. Lahatin mo na, from Season 1 up to the latest season." "50 pesos per Season po." I raised my brows and smiled wickedly. Tumawa siya, "Ulul." Matapos ang ilang minuto ng pagtambay ay inaya ko na si Laurraine na bumalik sa loob ng hospital. Gusto ko nang matapos 'tong araw na 'to! Kapagod, but still, worth it. Lagi namang worth it for me lalo na kapag alam kong marami naman akong natutunan at natutulungan na mga pasyente. After four and a half hours, natapos din ang aming shift. Overtime ng 30 minutes, pero hindi naman kami nanghinayang ni Laurraine sa 30 minutes na iyon dahil interesting naman ang case nung patient na inasikaso namin. "AAAAAAAAH!" Napasigaw si Laurraine habang nag-iinat. Sa wakas, makakapagpahinga na rin kami. Ginalaw-galaw ko ang balikat ko at minasahe ang sintido ko bago ako umupo at tanggalin ang sapatos ko. Magtsinelas na lang ako kasi sobrang sakit na rin kasi talaga ng paa ko. "Grabe! This shift is so unforgettable talaga! Sobrang interesting nung sa case nung pregnant woman kanina 'no?" Umupo sa tabi ko si Laurraine para magtanggal na rin ng sapatos. "Totoo," I commented. Hindi na ako masyadong nagsalita kasi ultimo pagsasalita ay tinatamad na rin ako dahil sa kapaguran ko na 'to. "Muntik na naman ako maiyak kanina... pero buti na lang, napigilan ko. Naalala ko kasi ang Mommy ko dun sa patient na 'yon," pagkukwento pa ni Laurraine. "Sobrang tatag ng patient na 'yon..." kumento ko na lang. Matapos kong magbihis ay agad na akong nagpaalam kay Laurraine at lumabas na ng hospital. Wala na gaanong jeep ngayon kaya hindi na ako pumunta sa may waiting shed, naglakad na agad ako papunta sa tricycle terminal. I was close to the tricycle terminal when I heard a familiar voice called me. "Venus!" malakas niyang pagtawag. Hindi ako lumingon. I know it's him. Narinig ko pa lang ang boses niya, alam kong boses na niya agad iyon. Boses manloloko eh. Ayaw kong lumingon. Ayaw ko pa siyang makita. Bakit ba kailangan pa niya 'kong guluhin? Is bothering me making him feel good? Tangina niya talaga. Dumiretso ako sa paglalakad ko at hindi ko siya pinansin. Pero alam ko.. sinusundan pa rin niya ako. I can see his shadow and hear his footsteps. Fvck you, Nico. Fvck you. "Venus," he called me again, but now with his soft tone. I ignored him again. Naglakad pa ulit ako at nang nasa terminal na ako ay agad akong lumapit sa isang tricycle driver, "Kuya, diyan lang sa may apartment sa kanto." Sasakay na sana ako ng tricycle nang biglang kinuha ni Nico ang braso ko, "Kuya, huwag na po. 'Di pa po siya sasakay." Nagpumiglas ako sa paghawak niya sa braso ko at iniripan siya. "Fvck you," I said looking directly in his eyes, and immediately walked away. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta kung saan na lang ako madala ng paa ko. I ran... as fast as I could. Ayaw kong maabutan niya ako. Ayaw ko na kausapin pa niya ako.. ayaw ko na makita ko pa siya. I feel like I'm already healed, like I'm already being my old self again... I already want to love again... I'm already opening my heart to someone... tapos, ganito? Babalik siya? Putangina niya. Just when I thought that I already got away from him, bigla na lang niya ulit akong hinawakan sa braso at pilit na niyakap. "Putangina naman, Nico.." Tinulak ko siya palayo sa akin. "Ano pa bang kailangan mo, ha? Hindi pa ba obvious na ayaw kitang makita at makausap? Tigilan mo na ako, please lang." He was about to talk but I walked away from him again. Wala akong balak pakinggan ang mga salitang lalabas sa bibig ng isang sinungaling... ng isang manloloko. Naglakad na ako pabalik sa tricycle terminal. Habang naglalakad ako ay tumitingin-tingin ako sa likod. Buti na lang at hindi na siya sumunod. Napabuntong hininga ako at napapikit nang makasakay na ako sa tricycle. Fvck you, Nico. You always drain out all the energy and happiness in me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD