Chapter 3
CLYDE
"Anak..."
Hinimas-himas ni Mom ang ulo ko para magising ako sa pagkakatulog ko sa braso niya. Ako kasi ang nagbantay sa kaniya kagabi rito sa hospital. Bukas pa kasi siya idi-discharge, ayon sa doktor niya.
Kinusot ko ang mata ko at tumayo na mula sa monobloc na kinauupuan ko. Pumunta ako malapit sa may C.R. para kumuha ng tubig sa water dispenser at saka umupo sa sofa na nasa may gilid ng hospital bed na hinihigaan ni Mom.
"Bakit hindi ka na lang diyan natulog?” Ngumuso siya sa sofa kung saan ako nakaupo, “Buti hindi ka nangawit dito sa may tabi ko."
"Nakatulog na ako agad habang hinihilot ko yung braso mo eh," sagot ko habang iniinom ang tubig na kinuha ko.
"Nasan ang Ate mo tyaka si Nena?"
Si Ate Nena ay ang private nurse ni Mom. Medyo kasing tanda siya ni Mom kaya I call her Ate Nena. Stay-in siya sa bahay at umuuwi lang siya sa kanila kapag Sunday.
"Papunta na sila, Mom. Katetext lang sa akin.”
"Kumusta ka pala, 'nak? 2 weeks din kitang hindi nakita. Kung hindi pa ako sinugod dito sa hospital eh, hindi ka magpapakita sa akin." Halata sa tono niya na medyo nagtatampo siya. Bakas din iyon sa mukha niya dahil nakanguso pa siya na parang batang inagawan ng candy.
"Mom, sorry na. I have been busy these past days because of..." Medyo napatagal ako sa pag-iisip kung ano ang ipapalusot ko kasi ayaw ko na malaman niyang nag-gigig na naman ako sa mga bars. She thinks lowly of that job, tyaka madalas gabi ginaganap ang mga gigs— eh ayaw niya na napupuyat ako.
Sasabihin ko na sana na may inaasikaso kami nila Jay na isang mapagkakakitaan nang siya na ang magtuloy sa sasabihin ko, "May regular gig ka na?" Tumaas ang kilay niya sa akin at halata ko na sesermonan na naman niya ako.
"'Nak... 'Di ba I told you, it's bad for your health. Lalo na yung sched niyan, for sure 'yang gig mo na'yan ay past 11PM."
Hindi pa siya tapos sa pagsesermon niya nang dumating na si Ate Clar at si Ate Nena.
Kinuha ko agad ang backpack ko sa baba ng sofa, bumeso kay Mom at nagpaalam kay Ate Clar at Ate Nena, "Alis na ako, Ate! Bye!"
"Hay naku, Clyde! Tumakas ka na naman sa pagsesermon ko!" Narinig kong sigaw ni Mom bago ako makalabas ng pinto. Tumigil na ako sa pagtakbo nang malapit na ako sa elevator. Baka mamaya ay hingalin na naman ako, for sure mag-aalala na naman yung mga 'yon.
Nang tumunog ang elevator ay papasok na dapat ako para makababa na kaso biglang may humila sa akin palabas. Si Ate Clar.
"Matatakasan mo si Mom pero ako, hinde, Clyde." Tinaasan niya ako ng kilay at agad niyang piningot ang kaliwang tenga ko.
"Nakita ko 'yung lintek na motor mo sa parking lot. Who told you you can use that? And haven't you told me you already sold it?"
Inalis ko ang kamay niya sa tenga ko at bumuntong hininga.
"Ate naman… matanda na ako. Huwag niyo naman akong baby-hin." Napakamot ako sa ulo ko at napasimangot.
"Gago," inirapan niya ako at binatukan, "Alam mo namang mahina ka 'di ba.. at alam mo rin kung ano nangyari kay Dad 3 years ago nang dahil sa motor na 'yan. Clyde, we are not baby-ing you. We are protecting you… kasi ayaw namin na mawala ka. Tigas ng ulo mo. Matanda ka na nga, pero hindi ko alam bakit hindi mo maintindihan kung bakit kami ganito." Siya naman ang napakamot sa ulo niya ngayon.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mga mata. Konting suyo ko lang dito kay Ate, hindi na 'to galit. She's always like this.
"Ate... Kaya ko na sarili ko, okay? Alam ko ang mga bawal sa akin so don't worry, okay? Hindi ako mamamatay." Ngumiti siya at pinalo ang braso ko, "Hindi ka talaga pwedeng mamatay!"
"Hindi talaga, Ate. Kailangan ko pang makita na magka-asawa at magka-anak ka, 'no." Pinalo niya ang braso ko at natawa.
"I want that motorcycle gone, okay? Hindi mo ko mauuto sa pagiging sweet mo, Clyde." Napabuntong hininga na lang ako. Okay, I lost. Hay. Bahala na. Hindi naman kinuha ni Ate yung susi kaya papatago ko na lang muna sa bahay ni Nathan 'tong motor ko.
"I already called Jay, he'll pick you up. Sige na, babalik na ako kay Mom. Ingat kayo."
Buti hindi pa alam ni Ate yung about sa regular gig ko sa Loe's. I'm sure kung alam niya 'yon, hindi na niya ako paaalisin ngayon.
Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang ground floor button. Pagkalabas ko ay na-receive ko ang text mula kay Jay na nasa may McDo siya malapit sa hospital kung saan naka-confine si Mom.
To: Jay
Papunta na ako.
Naglakad ako ng ilang minuto papunta sa may McDo at nakita ko na katatapos lang ni Jay na umorder ng coffee float. "Wala kang trabaho ngayon?" bungad ko sa kaniya.
"Meron. Ihahatid lang kita sa condo mo tas papasok na ako. Kilala mo naman si Ate Clar, hindi namin pwede hindian 'yon," natatawa niyang paliwanag. Naglakad kami papunta sa kotse niya at sumakay na ako sa shotgun seat.
"Kumusta pala date niyo nung Venus nung Friday? Did it go well?" Pangangamusta niya sa akin habang sumisipsip sa kaniyang coffee float habang nagdadrive.
"Oo. Okay naman. I'm planning on bringing her lunch today," sabi ko. Hassle din pala mamaya, wala akong motor… wala akong choice na mag-jeep na lang papunta sa Trinitas Hospital. Isang jeep lang naman kailangan sakyan mula sa condo ko hanggang sa Trinitas.
"Hindi ko tinatanong kung ano gagawin mo ngayon. Tinatanong ko kung ano nangyari nung Friday." Natatawang paglilinaw ni Jay.
"I brought her to Rooftop Garden and we talked."
"Nagkiss na kayo? s*x?"
Pinalo ko siya ng brochure na nakuha ko mula sa gilid ko, "Ulul. Hindi pa. Manyak ka talaga, gago,” natatawang saad ko.
"Eh ano nga nangyari?" muli niyang itinanong.
"We just talked. Personal stuff."
"Wow. Getting to know stage. Sinabi mo nang gusto mo siya?"
"Oo."
"'Yon naman. I'm proud, pare." Tinapik niya ang braso ko.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin kami sa condo ko. Bumaba na ako at nagpaalam sa kaniya, may trabaho pa nga kasi siyang pupuntahan kaya medyo nagmamadali na siya. Mukhang malelate na eh.
***
"Natapos din!" napasigaw ako nang matapos ko ang niluluto ko. I cooked her fried tapa, dalawang sunny side up na egg tyaka fried rice. My own tapsilog.
"Sana magustuhan niya 'to," sabi ko sa sarili ko habang inilalagay sa tupperware 'yung pagkain. Pagkatapos kong ilagay sa tupperware ay dumiretso na ako sa banyo para maligo.
Mag-11:30 na nang matapos akong maligo at magbihis. I wore a plain black t-shirt tas maong pants. Simplehan lang tayo… para hindi halata na masyado akong nagpeprepare para sa kaniya. Napatawa at agad akong napailing sa mga naiisip ko. I’m going crazy.
Nilagay ko sa paper bag ang tupperware na may laman na tapsilog. Medyo mainit-init pa rin yung tupperware kaya, sure ako, magugustuhan niya talaga 'to.
Mabilis lang ang byahe papuntang Trinitas Hospital. Pagkarating ko ay mag-12PM na kaya pumasok ako sa may lobby. I was about to ask one nurse kung saan ang headquarters ng mga surgical interns pa lang, but someone asked the nurse first. At hinahanap din niya si Venus.
The guy's wearing a blue polo, mukhang kagagaling pa lang sa meeting o sa event na pormal. May hawak siyang isang box na naka-gift wrap pa. "Can you tell me where's the headquarters ng mga interns? Or can you just tell me kung nasaan si Venus Ashton? May ibibigay lang akong importante sa kaniya."
"For sure po nagrarounds po 'yon hanggang ngayon. 12:15 pa po kasi ang lunch break nila,” sagot ng nurse dun sa lalaki.
"Oh. Sige. Iiwan ko na lang 'to dito, can you please give it to her?" Iniabot niya ang box dun sa nurse at nag-thank you na siya at saka umalis. Sino kaya siya?
Lumabas na lang din ako ng hospital at naghintay sa may swing. 10 minutes na lang naman, lunch na nila. I-tetext ko na lang siya at sasabihin ko na nasa labas ako.
To: Venus
Hey. I'm outside the hospital. I brought you lunch.
To: Venus
Lunch break mo na 'di ba? Nandito lang ako sa labas, hahaha. Sorry medyo nahihiya ako pumasok.
To: Venus
Nandito lang ako. I'm waiting.
It's already 12:20PM. Medyo mainit dito kaya napagdesisyunan ko na lang muna na bumili ng tubig.
I texted her again.
To: Venus
Bumili lang ako ng tubig saglit, okay? Pero nandito pa rin ako. Intayin kita.
Matapos kong makabili ng tubig sa karinderya malapit sa hospital ay bumalik na kaagad ako sa may swing. Pagkaupo ko roon ay sakto, nag-reply na si Venus sa mga texts ko.
From: Venus
Pababa na ako. I'm sorry, ngayon ko lang nakita texts mo. Nasa locker kasi 'to kanina tyaka halos katatapos lang ng rounds namin.
Napangiti ako at agad na nagreply.
To: Venus
Okay lang. :)
Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko na siya na palabas ng hospital. I waved at her and she immediately saw me. Naka-all white siya, and she really looks like an angel.
"Bakit may pagdala ng lunch?" Ngumiti siya sa akin nang malaki tapos inakay na ako para makatayo, "Dun tayo sa table na 'yon.. medyo malilim doon eh."
Nang makaupo kami ay agad ulit niyang itinanong yung tanong niya na hindi ko nasagot kanina. "So, bakit nga may pagdala ka ng lunch? Ano meron?" Hindi na siya tumatawa ngayon.
"I already told you I like you nung Friday, 'di ba? That's the answer." Inilabas ko ang inihanda kong tapsilog sa kaniya.
"Uy, wow!" reaksyon niya nang buksan niya ang tupperware. "Mukhang masarap ah," dagdag pa niya.
"Masarap talaga 'yan,” taas-noo kong sinabi.
Agad niyang kinuha ang kutsara at tinidor, at tinanggal ang tissue na nakabalot doon. Nakatingin lang ako sa kaniya nang tikman niya ang luto ko.
"Share tayo." Inialok niya sa akin ang isang kutsara at hindi na ako tumanggi.
"Ang sarap mo magluto!" Nagpatuloy siya sa pagkain. Halatang gutom na siya eh. She looks really cute. Napapapikit pa siya habang inaamoy ang niluto ko para sa kaniya.
"Hindi ka nagbreakfast 'no?"
Tumingin lang siya sa akin, ngumiti at saka tumango.
Hindi ko muna siya dinaldal at hinayaan muna siyang kumain. While she was eating, I looked around the environment. Ang ganda sa hospital na 'to talaga, halatang pang-mayayaman lang. Sobrang linis ng parking lot, tapos halatang bagong pintura lang din yung labas ng building.
I was just busy looking around nang bigla kong mapansin na nakatingin sa amin yung lalaking may ipinabigay na regalo sa nurse para kay Venus kanina. And he looked hurt seeing Venus with me. Sino ba siya?
Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay umiwas na ako ng tingin. Tapos na palang kumain si Venus.
"Huy, I'm sorry hindi na kita natirhan," natatawa niyang sinabi habang nakasimangot. May kanin pang naiwan sa may pisngi niya.
"Okay lang. Kumain na ako bago umalis ng condo ko," sagot ko habang tinatanggal ang kanin sa may kanang pisngi niya.
"Shet. Ang kalat ko pa lang kumain." Kinuha niya ang panyo niya at agad na pinunasan ang labi niya at ang pisngi niya.
"So... what's this?" She looked in my eyes.
Napakunot ang noo ko, "Anong what's this?"
"Para saan yung lunch mo. Binigyan mo ako ng lunch kasi gusto mo ako?" Tinaas niya kilay niya.
"Yes… because I'm courting you," diretsahan kong sinabi.
"Ay, so nanliligaw ka na agad kahit 'di ka pa nagpapaalam?" Ngumiwi siya sa akin, "Porke sinabi ko na gusto kita, papayag agad ako na magpaligaw nang hindi man lang tinatanong?" Tinaas na naman niya kilay niya.
Is she mad?
"Okay..." I smiled awkwardly. "Pwede manligaw?" I nervously asked.
She laughed, "Oo. Sige na. Nanliligaw ka na."
Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mga mata niya, "I will do everything to make you say yes."
Tumawa siya at tinignan din ako sa mga mata ko, "Okay."
Ilang segundo rin kaming nagtitigan at natigil lang 'yon nang lumapit sa amin ang nurse na nakausap kanina nung lalaki, dala-dala niya ang box na ipinapasuyo nung lalaki kanina.
"Ay, Doc Venus, may nagpapabigay pala sa'yo." The nurse handed the box to Venus.
"Kanino raw galing?" seryosong tanong ni Venus. Napansin ko na medyo nagbago ang expression niya. Para bang alam niya kung kanino ito nanggaling.
"Hindi niya sinabi pangalan niya eh."
Hindi kinuha ni Venus ang box, "I don't accept gifts from strangers. Balik mo na lang 'yan sa kaniya kapag bumalik siya.. or kung gusto mo, sa'yo na lang."
Tumayo na si Venus sa pagkakaupo niya at tumingin sa akin. Pinilit niyang ngumiti sa akin, "Thank you for the lunch, Clyde. Sarap mo magluto."
"Babalik ka na?" I asked.
"Oo. Magbabasa-basa rin kasi ako."
"I can help you study," I offered.
Ngumiti siya, "Osige."
Tumango siya sa akin na parang inaaya ako na tumayo na mula sa kinauupuan ko at sumama sa kaniya. Agad naman akong tumayo at sinabayan siyang maglakad papasok sa hospital. "May library kami rito... doon mo ko tutulungang mag-aral."
Napansin ko na medyo bumalik na sa normal ang expression ng mukha niya. Buti naman. Mukha kasing malalim hugot niya dun sa lalaking nagpabigay ng regalo sa kaniya kanina.