Chapter 2
VENUS
"Mukhang excited kang umuwi ngayon, Venus, ah? Uuwi nga ba or may midnight date?" kantyaw ni Laurraine, isa sa mga ka-intern ko na medyo nakaka-close ko na dahil siya ang madalas kong kasama sa rounds.
Tumawa lang ako as a response, medyo nahihiya pa kasi ako mag-open up sa kaniya. Ayaw ko namang maweirdohan siya sa akin, baka sabihin eh nago-overshare ako.
"Uy, mukhang may date nga. Gusto ko sanang sumama kaso ang dami ko pang hindi naaaral." Napasimangot siya.
"Ako rin naman... minsan kasi, you need a break talaga," sabi ko habang inaayos na ang mga gamit ko sa bag.
"If I take a break, sobra na akong tatamarin... so I don't take a break," sagot niya. "Osiya, una na ako sa'yo ha. Enjoy your date." Ngumiti siya at pagkatapos ay bumeso sa akin sabay labas na ng on-call room.
Bago ko isukbit ang bag ko sa balikat ko ay nagpabango muna ako, siyempre, kailangan mabango ako. Kahapon pa ng umaga ang huling ligo ko… at nakakahiya naman kung may ibang maamoy sa akin si Clyde.
Nang makalabas ako ng hospital ay agad na akong dumiretso sa Loe's, feel ko kasi nandon na si Clyde. It's past 1 AM na kasi, siguro ay kumakanta na 'yon.
Matapos ang ilang minuto ng paglalakad ay nakarating din ako sa Loe's. Tama nga ang hinala ko, nagpeperform na si Clyde nang makapasok ako. Nasa second verse na siya ng kanta ng One Direction ng Little Things.
"Welcome to Loe's, Ma'am." bati sa akin ng guard. Nginitian ko siya at dumiretso na ako agad sa bakanteng table na medyo malapit sa mini stage.
Medyo nagwawala na naman ang puso ko ngayon kasi alam ko na naman yung kantang kinakanta niya, and his voice is really magnificent. Plus, it's a One Direction song! I was once a Directioner back in my College days kasi.
Nang mapansin niya ako ay hindi na siya tumingin pa sa ibang tao. Nakangiti siya habang kumakanta nang nakatitig sa akin. Kung pwede lang talaga mag-hire ng taong pwedeng hampasin kapag kinikilig ka, nagawa ko na! Ugh, Veronica! I need you here.
Sobrang gwapo na naman niya... as usual. He's wearing a white button-downed polo, at ang tatlong butones nito ay nakabukas, medyo kita ang kaniyang dibdib, at nakabaston na naman siyang pants at naka-Vans. His outfit is so simple, pero sobrang lakas ng dating niya, kaya mukha talaga siyang artista.
Bago niya kantahin ang bridge part ng kanta ay nagsalita muna siya, "Nandito na nga po pala yung sinabi ko sa inyong pinag-aalayan ko ng kanta ngayon..." Tinuro niya ako at napatingin naman ang mga manonood niya. Oh my god?! I smiled and kinda bowed down my head, feeling shy— tumingin kasi halos lahat ng tao sa akin. Feel ko rin sobra na akong nag-bblush, ang init na ng mukha ko eh.
He stopped singing for a second to wink and smile at me, and my heart immediately went crazy.
Dahil hindi ko na talaga mapigilan ang kilig, nilabas ko na ang cellphone ko at tinadtad na naman ng messages si Veronica. Feel ko ay sasabog na ako sa sobrang init ng mukha ko... at feeling ko ay mukha na akong kamatis dahil sa pag-bblush ko.
To hide my blushing and kilig, umalis muna ako sa kinauupuan ko para umorder ng maiinom at makakain.
"Spaghetti with iced tea," sambit ko agad pagkalapit sa akin ng waiter. Hindi ako nakatingin ngayon kay Clyde, pero focus na focus ang tenga ko sa pakikinig sa maganda niyang boses.
Habang nag-iintay sa inorder ko ay binalik ko sa kaniya ang tingin ko. He's really passionate when he's singing... sobrang damang-dama ko bawat salitang binabanggit niya. At habang nakatitig ako, parang bumabagal lahat ng galaw niya- ‘tila nabibilang ko pa nga kung ilang beses na siyang pumipikit habang kumakanta.
Matapos niyang kumanta ay nilagay muna niya sa gilid ang kaniyang gitara, ang mic sa mic stand at saka ito lumapit sa akin.
Compose yourself, Venus. Compose yourself!
"You came. Akala ko nga hindi ka na pupunta." He smiled.
Umupo siya sa tabi ko at ako naman ang nagsalita, "Lahat ng mga sinasabi ko, pinapanindigan ko." Nginitian ko siya.
"Here's your order, Ma'am." Iniabot ng waiter sa akin ang order ko at agad na sumingit si Clyde, "Ako na bahala magbayad diyan, paps. Sakin mo i-bill," sabi niya sa waiter at tinanguan naman siya nito.
"Ha? Why?" tanong ko. Siyempre, kunwari, hindi ko naaalala yung sinabi niya nung isang gabi.
"'Di ba sabi ko non, I'll buy you a drink. Ayan na."
"May spaghetti yung order ko," natatawa kong sinabi.
Tumawa rin siya, "Oo, sagot ko na rin 'yon. Akala ko mag-tetequila ka na naman eh, kukunin ko sana at i-oorder kita ng iced tea na lang, alam kong pagod ka... at kailangan mo mag-aral nang mag-aral so, bawal ang may hang over sa'yo."
"Paano mo naman nasabing bawal?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nakangiti.
"'Di ba doktor ka?" Napataas ang kaniyang kilay, parang naninigurado.
"Paano mo nalaman? Stalker ka ah," pagbibiro ko.
"Hindi ah. You just look like one. You have the vibe. Tyaka… kita ko sa bag mo yung stethoscope oh." Tinuro niya ang stethoscope na nakalawit sa bulsa ng bag ko.
Tumawa na lang ako dahil hindi ko na alam ang isasagot ko. Ilang segundo ang lumipas ay napagdesisyunan ko na kainin na ang spaghetti na nasa harapan ko.
"Pagkatapos mong kumain, labas tayo, ah," sabi niya habang pinapanood akong kumakain.
"Ha? Anong oras na, saan pa tayo pupunta?" Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya. Umayos siya ng upo at nilabanan ang tingin ko sa kaniya, "Basta."
Ilang segundo rin kaming nagtinginan mata sa mata, at syempre, ako ang natalo... umiwas ako agad ng tingin at kinain na ang inorder ko. Habang kumakain ako ay tumayo siya at lumapit sa manager ng restobar, at nakipag-usap dito.
Siguro ay pinaguusapan na nila ang TF niya. Hindi na muna ako tumingin sa kanila at muling pinagpatuloy ang pagkain ko. Grabe na pala ang gutom ko.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na akong kumain, at sakto ay natapos na rin si Clyde na makipag-usap sa manager ng restobar.
"Let's go?" tanong niya.
Sinukbit ko ang bag ko at tumayo na, "Hanggang 3 AM lang ako ah, kailangan na kailangan ko kasi talaga ng tulog."
"Yes, Madam." Sumaludo siya sa akin na parang ako ang commander niya, at kinuha ang bag ko para siya na ang magbitbit.
***
"So, kumusta pagiging intern mo?" tanong niya sa akin while he is fixing his helmet, kakababa lang namin dito sa isang rooftop... at ang ganda-ganda, kita lahat ng mga ilaw sa daan. Rooftop garden ata ang tawag dito.
"Buti naman at natanong mo, grabe, gusting-gusto ko na kasi talagang magkwento sa bestfriend ko, kaso busy siya..." nakanguso kongh sinabi.
Napangiti naman siya, "Go. Kwento ka lang. I'm a great listener."
Nilapag na niya ang helmet niya at umupo sa tabi ko.
"Kanina sobrang intense ng mga ganap!" Medyo napalakas ang boses ko at natawa siya. "Hala, nahiya ako bigla ang ingay ko pala, eh madaling araw na."
"Wala namang tao rito... huwag ka mahiya," medyo natatawa niyang sinabi.
"Kanina, napili ako na sumama sa OR! And it was really really fun... first time ko ever na mag-observe nang sobrang lapit, grabe talaga! It was really.. really intense…" pagsisimula ko ng kwento.
He looked at me smiling, "Buti hindi ka hinimatay?” Natawa siya, “I once watched Grey's Anatomy tas may episode dun na yung isang med student eh first time mapasok sa OR kaya ayon, nahimatay nung makakita ng mga dugo."
Natuwa naman ako... he watched Grey's Anatomy, that's my favorite TV series! The best kasi.
"Sanay na ako, I think sa episode na 'yon yung nahimatay ay first year med student pa lang... medyo ‘di ko tanda yung episode pero feel ko nga ‘yun yung part na may nagpunta sa Grey-Sloan Memorial Hospital na mga first year med students. Pero nung mga unang beses ko talaga as in, super nasusuka ako at nahihilo dahil nga sobrang dugo ang nakikita 'di ba... pero sanayan lang eh. 'Yan magiging trabaho ko so I had to adjust."
"Hanga ako sa inyong lahat... doctors really are heroes."
"Kaya nga eh... it really feels so good when you're doing what you are passionate at and at the same time, nakakatulong ka rin ng tao."
Tumingin siya sa mga bituin at nagsalita, pero this time, medyo humina ang boses niya, but still enough for me to hear, "Ako... I'm just wishing I can be something. Masyado akong mahina eh."
"What do you mean?" I asked, facing him. Nakaka-curious naman kasi talaga yung statement niya… paanong mahina ba? May sakit ba siya?
"Wala..." Umiiling siyang tumawa.
"I'm a great listener din naman... magkwento ka na, amp. Arte mo." Napanguso ako, at napairap.
"I have a weak immune system," diretsa niyang sinabi.
"Ha?" Napakunot ang noo ko. Anong weak? So… may sakit nga siya?
"Sakitin ako." Tumawa siya, "Kaya ayon, sobrang protective ng ate ko at tyaka ng Mom ko. Actually, hindi nila alam na may regular gig na ako ngayon. Kapag nalaman nila 'yon, for sure, patay ako kasi sobrang unhealthy ng sched ng gig ko sa Loe's. 'Yon din dahilan bakit ayaw nila na mag-piloto ako noon, kaya ayon, I took up Business management na lang so I can help sa photostudio business namin."
While he was telling his story, hindi ko mapigilan na mapatingin sa mga mata niya. He looks really sad... kitang-kita ko na gusto niya talaga na maging piloto. Halatang-halata kasi rito yung lungkot at panghihinayang niya.
"Pa'nong sakitin ba? May specific na disease ka?" Tanong ko.
"Ah, wala.” He looked away, “I'm just weak. Yung resistensya ko.” Tumawa siya nang halatang pilit, “Pasaway din kasi ako eh… kaya I understand why my Ate and Mom are overprotective. Even yung paggamit ko ng motor, against sila. Baka raw maaksidente ako. OA nila, 'no?" Tumawa ulit siya na medyo hindi na peke to lighten up the mood.
"Pero dapat hindi ka sumuko sa pangarap mo, why not mag-ipon ka 'di ba tapos ituloy mo yung kagustuhan mo maging pilot?" Pagsusuggest ko sa kaniya.
"Naisip ko na 'yan. Pero wala eh, malakas talaga pakiramdam ko na hindi talaga sila papaya," he sadly answered and then looked right into my eyes.
Bwisit na mga mata... ang ganda-ganda. Nakakahulog. Nagwawala tuloy yung puso ko ngayon, parang sasabog na nga.
"At sana pag nakamit ko na yung pangarap ko na 'yon, nandon ka pa... para masama kita sa iba't ibang bansa na pupuntahan ko."
Napangiti ako, at medyo natawa sa ka-cheesyhan niya.
"Nako, mukhang magleleave ako nang matagal in the future ah." Tinaasan ko siya ng kilay at nginitian, bilang pag-sakay sa kaniyang mga sinasabi.
"Oo, ngayon pa lang magpaalam ka na." natatawa naman niyang sagot.
Napatingin ako sa relo ko at nakita kong mag-aalas tres na ng madaling araw. "Tara na? Hahatid na kita sa apartment mo," pag-ooffer niya, siguro ay napansin niya na napatingin na ako sa relo ko.
"Okay lang ba?" Tumango siya, at muli akong nagsalita, "Sorry, Clyde ah... gustong-gusto ko pa makipagusap sa'yo at makasama ka pero sobrang limited kasi ng oras ko. Sorry talaga."
"That's alright... I understand. Tyaka medyo nahihiya rin ako sa'yo, parang ang boring ko kasama." He frowned.
"Uy, hindi naman boring! Fun ka naman kausap kahit medyo mahiyain ka!" Natatawang pinalo ko siya sa braso.
"I like you, Venus... I like you. Gusto ko lang sabihin sa'yo. Sorry, this is the first time I confessed to someone." Napansin kong medyo nahiya siya kasi napayuko siya.
"Okay lang...” I nervously laughed, “Ang totoo niyan, I like you din. Pero sobrang limited ng time ko, Clyde... masyado akong busy kakaaral at kakatrabaho. Will that be okay with you?"
Tumingin siya sa mata ko at hinawakan ang baba ko na mas lalong nagpalakas ng t***k ng puso ko, "Very okay."
"Let's go?" Tumayo siya at inaya na akong bumaba. Matapos ang ilang hakbang ay nakababa na rin kami. Isinuot na niya ang kaniyang helmet, saka iniabot sa akin ang extra helmet na dala niya.
"Turo mo na lang sa akin apartment mo." Sumakay siya sa kaniyang motor at sumunod naman agad akong sumakay.
Habang nakahawak ako sa bewang niya ay di ko mapigilan na mapangiti... It's been awhile since I last smiled like this. Thank you, Clyde. Thank you for this night.
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa apartment ko. Bumaba ako sa kaniyang motor at agad na iniabot ang helmet niya nang nakangiti. "Salamat, Clyde. This night is so memorable... kahit na medyo saglit lang tayo nagkasama at nagkausap."
"Thank you, too... Doktora ko," I heard him whisper as I enter my apartment.
Napangiti ako at muli na namang nagwala ang puso ko.