CHAPTER 4

2301 Words
Constellation's POV: "f**k! Sinong nagbuhos sa akin ng tubig!?" Nagising ako dahil biglang may malamig na tubig ang bumasa sa aking katawan. Napalinga-linga naman ako at nakita si Johnson na nasa likod ko. Nakatali ang mga kamay ko habang ang paa ko naman ay hindi. Ang kaso, wala akong sapin sa paa. Nakaupo ako rito sa isang swivel chair. Hindi ko alam kung nasaan kami pero mukha itong isang dance studio. Ito pa ring pulang latex dress ang suot ko. Ilang araw na kaya akong hindi nagpapalit ng damit at naliligo? Ang baho ko na panigurado. "Wake up." Sabi ni Johnson at inihataw sa sahig ang hawak niyang latigo. Napa-igtad naman ako sa gulat kaya natumba ako kasama ang swivel chair sa sahig. Hindi ko napigilan ang paghampas ng ulo ko sa semento kaya mahilo-hilo ko siyang tiningnan. s**t, may araw talaga siya sa akin. Nakita ko naman ang sapatos ni Johnson na papalapit sa akin. Nakasuot rin siya ng tuxedo ngayon. Hinablot niya ang buhok ko at itinayo ako. Umayos naman na ang paningin ko kaya nakikita ko na siya ng ayos. Napakaganda ng mata niya, kulay asul ito. Nakakaakit itong tingnan, pero kapag nahulog ka ay paniguradong nakakatakot na. Amoy alak din si Johnson, mukhang naka-inom siya. Jusko, baka kung anong gawin sa akin ng isang 'to. "Dapat hindi ako maging mabait sa 'yo, sino ka ba sa akala mo ha?" Madiing tanong niya at mahigpit na hinawakan ang baba ko. Malakas kong inilayo ang baba ko mula sa mahigpit na pagkakahawak niya. Napatawa naman si Johnson at malakas akong inihampas sa salamin. "Ahh! T-Tama n-na." Nahihirapan kong sabi ko. Ramdam ko rin ang iilang bubog na tumama sa likod ko. Rinig na rinig ko ang pagcrack ng salamin kanina dahil sa ginawa ni Johnson. Ano ba kasi ang problema niya!? "F-f**k!" Mura niya at sinuntok ang salaming nasa gilid ng ulo ko. Napapikit ako dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya. Nilingon ko ang kamay ni Johnson, umaagos do'n ang dugo. Nahulog pa sa sahig ang ilang tipak ng salamin dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya. Ang gwapo niya pero mukhang may anger issues. Hay, bahala siya r'yan. Hindi ko na dapat siya pakialaman dahil halos bugbugin niya na nga ako rito. Matalim niya akong tiningnan at inilapit ang katawan at mukha niya sa akin. Halos magdikit na ang ilong namin sa lapit no'n. "Sino ka ba sa akala mo ha?" Galit na tanong niya. "Ano bang problema mo–hmm." Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong halikan sa labi. Ipinasok niya pa ang dila niya sa loob ng bibig ko kaya pakiramdam ko ay lalo akong nanghina. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko rin ay bigla akong nag-init, parang nagugustuhan ko pa ang ginagawa ni Johnson. Napahawak ako ng mahigpit sa suit ni Johnson dahil sa panghihina at tumugon sa mga halik niya. Para akong naaakit at nahihipnotismo kay Johnson, mali ito. Ano ba ang ginagawa ko? May boyfriend ako at isa siyang kriminal, hindi pwede 'to. Maling-mali ito! Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin nang ipikit ko ang mga mata ko at ipinagpatuloy ang pagtugon sa mga halik niya. Naging mas mapusok naman ang halik ni Johnson. "F-f**k! Istorobo!" Napamura si Johnson ng may kumatok sa pinto. Itinulak ko rin siya at bigla akong nahiya sa sarili ko. Shit, ano ba ang ginagawa ko? Stella, ano 'yon? Demo lang gano'n? Tanginang 'yan. "Zakhodi!" Sigaw niya. Pumasok sa pinto 'yong babaeng blonde na nakainitan ko. Nginisian niya ako bago lumapit kay Johnson. May ibinulong siya bago lumabas. "Let's go Agent Swift, isasauli na kita sa amo mo." Sabi ni Johnson at binuhat ako ng pabridal style. "A-Ano ba, bitawan mo nga ako." Sabi ko at hinampasang dibdib niya. Hindi ako pinakinggan ni Johnson at direstso lang ang tingin niya. Pumasok kami sa isang kwarto, ito iyong kwarto niya. "Ibaba mo na ako." Utos ko sa kaniya kaya ibinaba niya ako sa kama. Nakatali pa rin ang kamay ko kaya hindi ako makakapalag. Ang sakit din ng katawan ko dahil sa ginawa ni Johnson kanina. Paniguradong puro sugat at pasa ako. Umalis si Johnson at pumasok sa banyo. Paglabas niya ay may dala siyang maliit na bote at syringe. "A-Anong gagawin mo!?" Kinakabahan kong tanong. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Umisod naman ako palayo sa kaniya pero hinila niya ang braso ko. "Stay still." Utos niya bago itinurok ang syringe sa leeg ko. "A-ah!" Daing ko dahil sa sakit. Ramdam ko ang pagpasok ng karayom na itinurok sa akin ni Johnson. Parang bigla namang gumaan ang pakiramdam ko dahil do'n. "A-Ano 'yon?" Tanong ko. "Sleep tight." Sabi niya. Naramdaman ko naman ang antok na pumapasok sa sistema ko. Kaya pala gumagaan ang pakiramdam ko, pampatulog ang itinurok niya. Damn, ang dami na nilang kung ano-anong itinurok sa 'kin. Bago ako mawalan ng malay ay minura ko siya at pinakyuhan. Naiinis ako sa kaniya, sobra! "Putangina mo." May diing sabi ko bago tuluyang nagpadala sa antok. Meave's POV: "Sigurado na ba kayo rito sa plano?" Tanong ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa headquarters ng Elite Assassins. Pinagpaplanuhan namin kung paano papasukin ang kuta ni Unisilver at maililigtas si Stella. "Yes, bakit may suggestions ka ba Agent Boom?" Tanong sa 'kin ni Agent Miles. "Bakit 'yon ang papasukin natin? Sigurado ba kayong nando'n ang mga ebidensya? Hindi naman niya base 'yon." Tanong ko. "Ayon sa mga data na ibinigay ni Mr. Shukran, isa sa base ni Unisilver ang warehouse na ito sa Ho Chi Minh City, Vietnam." Paliwanag naman ni Agent Codes. Napatango naman ako. Sinisigurado ko lang, baka mamaya mapaano si Stella. Mamaya sinasabotahe na pala ni Agent Grace ang plano namin para masolo niya si Morg. Charot, mainit kasi ang dugo namin ni Stella sa babaeng iyon. "Maghanda na kayo, kumuha kayo ng mga baril sa maleta. Inayos na kanina ni Agent Drift 'yon." Utos ni Morg kaya sumunod kaagad kami. Lumapit kami sa lamesa kung saan nakalagay ang iba't ibang armas. Kumuha naman ako ng dalawang handgun, isang swiss knife at isang granada. Nagsuot na rin ako ng knuckles. "Huwag kayong magdala ng masyadong marami. Mahirap gumalaw." Bilin naman ni Agent Shoot. Naghanda na ako at pinag-aralan ang plano namin. Nasa high-tech watch namin ang hologram kung nasaan ang mapa, floor plan at ganap naming bawat miyembro ng Elite Assassins mamaya. "Agents, kumuha na kayo ng kaniya-kaniyang parachute! Bababa na tayo!" Sigaw ni Agent Miles at pumwesto sa may dulo ng eroplano. Kumuha na ako ng parachute at isinuot ito. Sinigurado ko munang ayos na ang lahat bago pumunta sa kanila. Nakahanay kaming walo at handa nang tumalon. "Elite Assassins, jump!" Sigaw ni Agent Codes kaya isa-isa na kaming tumalon. Tumalon na ako at padapang sinalubong ang malakas na hangin. Pagkasigaw ni Agent Miles na pwede na buksan ang parachute sa Talker namin ay kaagad ko itong binuksan. Talker ang tawag namin sa device na ginagamit upang makipagkomunikasyon sa isa't isa. Para itong isang bluetooth pero mas maliit. Unti-unti nang lumalapit sa akin ang lupa kaya naghanda na ako. Smooth ang naging landing ko dahil mga bihasa at trained na kami rito. "Elite Assassins, pumunta na kayo sa nakaasign sa inyong posisyon. Bilisan niyo ang kilos, wala dapat tayong sinasayang na oras." Rinig kong bilin ni Agent Codes sa talker namin. Sumakay na ako sa isang motor bike na nakahanda na rito sa pinagbabaan namin. Sumakay na rin sila sa kani-kanilang sasakyan bago kami naghiwa-hiwalay. Mabilis akong nagmaneho, nakikita ko naman sa relo ko ang gps. Kaagad akong tumigil dito sa malayo para ipark ang motor bike ko. Mapapansin agad nila ako dahil maingay 'yon. Kinuha ko ang handgun mula sa bag ko at tumakbo papunta sa warehouse. Nakita ko pa si Agent Grace na sa likod dadaan. Pagkarating ko sa gilid ng warehouse ay inilabas ko ang tali na may hook sa bag ko. Iwinasiwas ko 'yon at hinook sa bubong nitong warehouse bago pumwesto para umakyat. Humawak na ako ng mahigpit sa tali at nagsimulang lumakad sa pader. Konti pa lang ang naaakyat ko ng biglang may sumabog sa bandang likod ng warehouse kaya nahulog ako sa gulat. "Ahh f**k!" Daing ko habang namimilipit sa sakit. Pinilit kong tumayo at tumakbo papunta sa likod para tingnan kung anong nangyari. Nakita ko si Agent Grace na tumatakbo palayo sa mga armadong lalaki. "Ang bobo mo talaga Tania!" Sigaw ko at pinagbabaril ang mga humahabol sa kaniya. Kaya Agent Grace ang codename niya dahil graceful daw siya gumalaw. Graceful ang tawag diyan? Eh napakaclumsy naman ng isang 'yan! Constellation's POV: "Boss vragi tam! / Boss nandiyan na ang mga kalaban!" May sumigaw na lalaki at pumasok dito sa loob ng warehouse. Nakatali ang kamay at paa ko, may busal pa ang bibig ko kaya wala akong laban sa kanila. Iba na ang suot ko ngayon. Nakasuot ako ng isang blue floral maxi dress. Bahagya pang nadudumihan ang laylayan nito dahil magabok itong warehouse. "Ubeyte vse prepyatstviya na nashem puti! / Patayin niyo ang lahat ng haharang sa daan natin!" Sigaw nung babaeng blonde kaya nanlaki ang mata ko. Jusko, ang mga kaibigan ko! Si Meave at si bebe Morg ko baka kung anong mangyari sa kanila! "Hmm! Hmm!" Nagsisigaw ako at naglilikot dahil baka sakaling marinig nila ako. Kaagad naman akong sinampal nung babaeng blonde kaya napatigil ako. Nagulat ako ng biglang may magkasa ng baril at pinaputok iyon. Nag-angat ako ng tingin at gulat na gulat akong nakatitig kay Johnson na binaril iyong babaeng blonde na sumampal sa akin. "Min tin vlápseis!" Galit na sigaw sa kaniya ni Johnson at hinagis pa sa babae ang baril. Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Johnson. Sa tunog ng pagsasalita niya ay mukhang salitang greek ito. Higit pa sa tatlo ang alam niyang lenggwahe? Ibang klase. Pagbaling ng tingin sa akin ni Johnson ay lumambot ang ekspresyon niya. Blangko pa rin ito pero halatang hindi na siya galit. Lumapit siya sa akin at kinalagan ang paa ko. Tinitigan niya pa ito na parang sinusuri ang marka dahil sa mahigpit na pagkakatali rito. "Let's go." Sabi niya at hinila na ako. Malalaki ang mga hakbang niya kaya halos madapa na ako sa pagtakbo. Hanggang dibdib lang ako ni Johnson dahil mukhang six footer siya habang ako ay 5'7 lang. "s**t!" Sabay naming mura. Kaagad kaming nagtago ni Johnson sa likod ng isang puno. Muntik na kaming matamaan ng bala pagkalabas namin ng warehouse. Naglabas si Johnson ng isang granada kaya nanlaki ang mata ko. Walang pasabing binato niya iyon sa mga nagbabarilan, hindi iniisip na madadamay ang mga tauhan niya! Kaagad niya akong hinila pagkahagis niya ng granada. Masakit na ang braso ko kakahila ng isang 'to. Tumigil kami sa tapat ng isang sports car. Binuksan niya ang kotse at pinapasok ako sa loob. "Stay here, huwag kang lalabas." Matigas na bilin niya sa akin bago isara ang pinto ng kotse. Pagkalayo ni Johnson ay kaagad akong kumilos. Inabot ko ang panyong nakabusal sa bibig ko gamit ang aking paa. Maigi na lang pala at wala akong sapin sa paa. Binuksan ko ang drawer dito sa passenger's seat at humanap ng kutsilyo o kahit anong pwedeng magamit para maputol ang tali sa kamay ko. Nakita kong pabalik na si Johnson dito kaya isinara ko na ang drawer. Itinago ko sa aking gilid ang syringe na nakuha ko at ang gamot na hindi ko alam kung para saan. "Good girl." Bungad sa akin ni Johnson nang makapasok siya rito sa kotse. Iniharap ko ang katawan ko sa kaniya para hindi niya makita ang hawak ko sa gilid. Binuksan ko naman ang bote at pinahigop sa syringe ang laman no'n. Mahigpit kong hawak ang syringe at ang bote ng gamot. Nag-aalinlangan akong iturok sa kaniya ang syringe na hawak ko. Paano kung mamatay siya? Bakit ko ba iniisip 'yon? Kalaban siya ng Shukranovich, dapat ko siyang itumba. "I-I'm sorry." Mahinang sabi ko kay Johnson bago itinusok sa braso niya ang syringe. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Nakaramdam naman ako ng konsensya kaya umiling na lang ako at iwinaksi iyon. "W-Why?" Nanghihinang tanong niya bago nawalan ng malay. Hindi ko matingnan ng deretso si Johnson kaya lumabas ako ng kotse. Hindi ko magawang humakbang papalayo. Tangina, bakit ba ako nakokonsensya? Hindi ko na napigilan ang sarili kong pumasok ulit sa loob. Itinaas ko ang manggas ng t-shirt niya at hinanap ang turok. Nang makita ko ang maliit na marka ng turok ay hiniwaan ko ito ng may makita akong swiss knife sa bulsa niya. Hirap pa akong bunutin iyon dahil nakatali pa rin ang mga kamay ko. Sinipsip ko 'yon para makuha ko ang natirang gamot na hindi pa tuluyang nakakadaloy sa dugo ni Johnson. Idinura ko ang nasipsip ko mula sa sugat niya at pinunasan ang aking bibig. Pumutol din ako ng tela sa laylayan ng t-shirt niya at itinali 'yon sa kaniyang braso. Mapipigilan nito ang mabilis pagdurugo ng sugat at mabilis na pagdaloy ng naiturok ko kanina sa kaniya. Hindi ko alam kung gagana ang prosesong 'to pero mas ayos na rin kaysa wala akong gawin. Ayaw kong bangungitin dahil sa kaniya gabi-gabi, baka multuhin niya pa ako. Lumabas na ako ng kotse at iniwan si Johnson. May nakita naman akong van na papalapit dito. "Stella!" Sigaw ni Morg pagkababa niya ng van at tumakbo papalapit sa akin. Hindi ko nagawang magreact nang tawagin ako ni Morg sa pangalan ko. Ang nararamdaman ko ngayon ay konsensya. Ano kayang mararamdaman ni Morg kapag nalaman niyang may hinalikan akong ibang lalaki? Kingina naman oh. Ano ba kasi ang ginawa ko? Mali ito, maling-mali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD