CHAPTER 3

1301 Words
Constellation’s POV: "Eat." "Ayoko." Nagising ako kanina rito sa isang magandang kwarto. Para akong nasa isang hotel room ang kaso, nakatali ang mga paa ko.  "Bahala ka, hindi naman ako ang magugutom." Nakangising sabi niya at ininuman ang orange juice na dapat ay sa akin.  Hinablot ko 'yon sa kaniya at ininom. Nag-umpisa na rin ako kumain. May point naman kasi siya, baka mamaya patayin niya na ako. Maigi na rin na busog ako bago mamatay. Baka mahaba ang pila sa langit, nakakagutom mag-intay.  Masarap naman ang baby back ribs na binigay niya sa akin. May mash potato pa at orange juice, sayang at walang panghimagas.  "Masarap, saan ka bumili nito?" Tanong ko.  "I cooked that shit." Nahihiyang sabi niya.  Napanganga naman ako at napangisi. Nahihiya ba siya sa akin? Akala ko wala akong epekto sa kaniya. Cookerist pala siya ha, pwede na mag-asawa.  "Crush mo ako noh? Kaya pinagluto mo ako?" Pang-aasar ko sa kaniya.  Nagkasa naman siya ng baril at tinutukan ako. Nanlaki naman ang mga mata ko kaya tinutukan ko siya ng tinidor.  "Joke lang naman, hindi ka na mabiro." Sabi ko at itinaas ang dalawang kamay.  Ibinaba naman niya ang kaniyang baril kaya nakahinga ako nang maluwag. Kumain na ulit ako at tinitigan siya.  Q "Bakit mo ako kinidnap? Anong atraso sa 'yo ng Shukranovich?" Tanong ko.  Binalingan naman niya ako ng tingin. Wala pa ring mababakas na emosyon sa mukha niya, blangko pa rin ito.  "Maraming atraso. Una, kayo ang sumira sa titulo ko bilang isang mafia sa Germany. Pangalawa, laging napupurnada ang mga transaksyon ko dahil sa inyo. Pangatlo, kailangan namin ng mga armas. Pang-apat, nalulugi na ang transaksyon ko sa black market dahil ulit sa inyo. At pang-lima, sinaktan ng kuya mo ang mga kapatid ko." Paliwanag niya kaya napanganga ako.  Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ang tumatak lang sa isip ko ay ang pang-limang sinabi niya na may atraso si Kuya Zodiac sa mga kapatid niya. Sino ba siya?  "Sino ka ba? Involved din ba ang kuya ko sa black market?" Tanong ko.  Marimar, sana hindi.  "Hindi." Tipid na sagot niya kaya nakahinga ako nang maluwag.  Inubos ko na ang kinakain ko at inilapag 'yon sa sahig. Niyakap ko naman ang isang throw pillow at nag-indian seat. Humarap din ako sa kaniya para magtanong.  "Eh bakit ako ang kinidnap mo?" Tanong ko ulit.  "Tangina, ang ligalig ng isang 'to." Bulong niya pero hindi ko iyon naintindihan.  Napasabunot siya sa buhok at blangko pa rin akong tinitigan. Sumandal naman siya sa inuupuan niyang swivel chair at nagdekwatro.  "Isa ka sa Shukranovich malamang. Nagkataon din na ikaw ang pinakamalapit sa amin na miyembro nila kaya ikaw ang dinakip." Paliwanag niya.  "Papatayin niyo ba ako? Ano ba'ng balak niyo sa akin? Ibebenta mo ba ako?" Sunod-sunod na tanong ko.  "Ang ligalig mo, alam mo ba 'yon?" Tanong niya pabalik.  Napanguso na lang ako at napakamot sa ulo. Bakit ba kasi ayaw niya na lang sumagot.  "Sagutin mo na lang kasi." Sabi ko.  "Ibabalik ka namin sa Shukranovich kapalit ng isang bilyong dolyar at isang nuclear bomb." Prenteng sabi niya.  Napanganga naman ako. Kuhanin pa kaya ako ng Shukranovich? Napakalaki ng hinihingi niyang kapalit, kuripot pa man din si Mr. Shukran. Paniguradong nag-aalala na rin si Morg ko at ang best friend kong si Meave.  "Paano kapag hindi sila pumayag?" Tanong ko.  Hindi niya ako sinagot pero umakto siyang gigilitan ang leeg ko. Napalunok naman ako, paano na 'to? Kailangan kong makatakas.  Ni hindi ko alam bakit ko ba siya kinakausap? Dapat patayin ko siya para makatakas na ako rito. Sa lahat din ng kilala kong kriminal, siya ang pinakamabait.  Biruin mo pinakain, pinatulog at ipinagluto niya pa ako? Ang sweet naman, kaso mas sweet si bebe Morg ko.  May kumatok sa pinto kaya sumagot siya ng Russian na pwede na itong pumasok. Pumasok naman doon ang isang babae.  "Kamera gotova boss./ The camera is ready boss." Sabi nung babae.  Bigla naman akong kinabahan. Baka kaya pinakain, pinagluto at pinatulog niya ako ay dapat fresh ako sa camera?  Isa siyang kriminal at pugante, hindi kaya gawin niya akong pornstar? O hindi kaya'y ibenta sa mga mayayamang kaalyado niya?  "H'wag mo akong ibenta." Pagmamakaawa ko at hinila ang damit ni Boss pagkatayo niya.  "What the f**k?" Mura niya.  Mukhang hindi niya naman ako ibebenta, hindi niya ako nagets eh. Ayos na rin 'yon.  Lumabas ng kwarto si Boss at may pumasok na dalawang babae. Kinalagan naman nila ang paa ko at hinayaang wala akong kahit anong tali sa katawan, mga bobo.  "Kucha idiotov./ Bunch of idiots." Asar ko sa kanila kaya napatingin ang dalawa.  Hinila ko ang buhok nung babaeng nakaitim at ibinalibag siya rito sa kama. Pinaibabawan ko naman siya at malakas na sinuntok sa panga.  Binato naman ako nung babaeng blonde ng kutsilyo mabuti na lang at naiwasan ko 'yon. Tumayo na ako rito sa babaeng pinaibabawan ko dahil tulog na siya, mga mahihinang nilalang.  Tumakbo ako papunta sa babaeng blonde pero mabilis siyang nakalabas ng kwarto. Hinabol ko naman siya palabas kaso nagulat na lang ako nang makalabas kami.  Napataas ako ng kamay dahil mayroong mga armadong lalaki na nasa kaliwa't kanan ko. Mukhang handa na talaga sila. Mahihirapan akong makatakas dito.  Lumapit sa akin 'yung babaeng blonde na hinabol ko kanina at pinosasahan ang kamay ko palikod. Nakangisi naman siya at binulungan ako.  "Ty durak./ Ikaw ang tanga." Asar niya kaya muntik ko na siyang duraan sa mukha.  Pinigilan ko ang galit ko at sumunod sa kaniyang maglakad. Nakatutok pa rin sa akin ang mga baril nila. Para namang lalaban pa ako. Binuksan niya ang isang brown na pinto at pinapasok ako. May upuan sa gitna no'n, iminuwestra niya akong umupo kaya sumunod na lang ako.  Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Kulay puti ang pintura ng kwarto at brown carpet ang flooring. Maayos din ang kwartong ito hindi katulad nung kwarto kung saan una akong nagising.  Lumabas naman mula sa isang sulok si Boss at binuhay ang camera. Napakunot naman ako ng noo at sinigawan siya.  "Anong gagawin mo!? Para saan 'yan!?" Tanong ko at nagkakawag dahil nagumpisa na akong talian ng mga alipores niya.  Tinalian nila ang mga kamay at binti ko. Nilagyan din nila ako ng piring. Ramdam ko ring may kung anong basa silang ibinuhos sa ulo ko.  "Pakawalan niyo ako! Putangina mo Boss kalagan- ahh!" Bigla akong napa-igtad sa sakit ng may tumusok sa leeg kong karayom. Ramdam ko agad ang paninigas ng katawan ko, hindi ako makagalaw.  "Hi Shukran Hebrew Mohammed. Alam kong napapanood mo ito, kita mo ba ang isang 'to? Ito ay isa sa mga miyembro ng pinagmamalaki mong Elite Assassins, wala namang binatbat." Rinig kong sabi ni Boss.  Kumulo naman ang dugo ko sa sinabi niya. Ako mahina? Tangina, suntukan kami. Nag-iinit ang ulo ko, wala pang nagsasabi ng ganiyan sa akin, ever.  "Isang bilyong dolyar at nuclear bomb kapalit ni Agent Swift. Sabihin mo lang kung hindi mo na kukunin ang isang 'to, ididispatsa ko na agad." Sabi ulit ni Boss.  Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero wala talaga. Parang nagmanhid ang katawan ko at hindi ko na ito maramdaman. "Hanggang sa isang araw, hihintayin ko ang kabayaran. Isesend ko kung saan magaganap ang palitan. Good evening Shukranovich, Unisilver out."  Pagkalipas ng ilang segundo matapos magsalita ni Boss ay may nagtanggal ng piring ko. Unti-unti pang nagadjust ang paningin ko sa liwanag.  Tiningnan ko naman ang itsura ko. May pulang likido ang tumutulo sa ulo ko. Iyon siguro ang ibinuhos nila sa akin kanina. Tinatakot nila si Mr. Shukran.  "Ngayon nakikilala mo na ba ako, Constellation Majesty Heat?" Tanong ni Boss sa akin.  Kung nakakagalaw lang ako dito ay baka sinakmal ko na siya ng buhay. Mabuti na lang at lumabas na ang mga tao. Paano niya nalaman ang pangalan ko!?  "Ako si Johnson Unisilver Koten. Ang nakatatandang kapatid ni Niveya, Selene at Myra Koten. Sinaktan lang naman ng kapatid mo ang mga kapatid ko, ngayon ikaw ang magbabayad ng kaparusahan para sa ginawa ni Zodiac." Nakangising sabi ni Johnson. Napamura na lang ako sa isipan ko.  Tangina, bakit dawit na naman ako sa love life ni Kuya Zodiac?  Patay ako nito, baka balatan na lang ako ni Johnson ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD