CHAPTER 2

1601 Words
Constellation’s POV: "A-aray..."  Nagising akong nakahiga dito sa malamig na sementong sahig. Nakatali ang kamay ko sa likod pati ang mga paa. Mabuti na lang at wala akong busal sa bibig. Tiningnan ko naman ang sarili ko. Suot ko pa rin ang deep cut v-neck latex dress na suot ko kahapon. Nagsisisi na akong nagsuot pa ako ng ganito.  Sinubukan ko namang umupo mabuti na lang at nagtagumpay ako. Inilibot ko naman ang aking tingin sa paligid.  Nasa isang kulong na kwarto ako. Semento ang sahig at walang pintura ang mga dingding. May maliit din na ilaw, mukha naman itong malapit nang mapundi.  Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may tama man ako o pasa. Mabuti na lang at wala. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko sa likod, masyadong mahigpit ang pagkakatali.  Nakaisip naman ako ng plano kung paano ako makakaalis, lagi naman akong nakakatakas. Hindi naman ako magiging isang Elite Assassin para sa wala.  Dumapa ako at itinaas ang kanang paa sa may ulo ko, marunong ako maggymnastic. Nakapony tail pa rin ito kaya nakuha ko doon ang nakatagong maliit na dagger.  Kinuha ko 'yon gamit ang paa at iniabot sa kamay ko. Umupo na ulit ako at inayos ang aking damit. Dahan-dahan kong pinuputol ang tali ko sa kamay. Matapos ko itong maputol ay sinunod ko naman ang tali ko sa paa.  "Hays, mga bobo." Bulong ko sa hangin. Nang may marinig akong yabag ng mga paa sa labas ng pinto ay umupo ako, 'yung upong inuupuan ang mga binti para hindi kita na wala ng tali ang paa ko. Inilagay ko rin ang mga kamay ko sa likod.  "Kumusta, Agent Swift? Nageenjoy ka ba sa pananatili mo rito?" Tanong ng isang hindi ko kilalang lalaki.  Matangkad siya at hindi ko naman maipagkakailang gwapo. Sorry siya dahil hindi ko siya type, si Morg lang ang love ko.  "Ayos naman, nag-eenjoy ako makipag-usap sa mga ipis. Best friends na nga kami eh, sinabi na nila sa akin kung saan ang daan palabas." Nang-aasar na sabi ko.  Kita ko naman ang pag-igting ng panga niya kaya lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa kaniya.  "Bastos kang babae ka. Baka nakakalimutan mong wala ka sa teritoryo mo. Nasa Vietnam ka ngayon, malayo sa Shukranovich." Pikon na sabi niya at iwinaksi ang baba ko.  Napa-ikot naman ako ng ulo dahil sa ginawa niya. Naiistress na ako sa isang ito.  "Salamat sa information, Kuya. Huwag kang mag-alala, kapag nakalabas na ako rito hindi ko makakalimutang padalahan ka ng pasalubong. Anong gusto mo? Pastillas, espasol, buko pie o lambanog? Bibilhan pa kita ng isang branch ng Collete's you want?" Pang-aasar ko ulit kaya lalo siyang napikon.  "Putangina ka—" "Krisanto, nash boss khochet, chtoby ty privel etu zhenshchinu v yego komnatu." Putol ng isang bagong pasok na babae.  Napatigil sa ere ang kamay nitong si Krisanto raw. Sabi nung babae ay pinapadala raw ako ng boss nila sa kwarto niya, Russian ang salitang gamit nung babae. Ano ba'ng business nila, Lazada?  "Poshli, suka. / Let's go, bitch." Sabi ni Krisanto at hinila ako patayo.  "Nikto ne mozhet nazvat' menya sukoy! / No one can call me b***h!" Sigaw ko at binalian si Krisanto ng leeg. Nawala bigla ang timpla ko. Putanginang mga lalaki, mga judger!  "Kailangan natin siya ng buhay, patay tayo kay boss kapag pinatay natin siya!" Sigaw nung lalaking nakapula. Unang lumapit sa akin 'yung babaeng nagsasalita ng Russian. Sinubukan niya kong sipain pero nasalo ng kamay ko ang paa niya sa ere kaya hinila ko 'yon at itinumba siya sa sahig.  Ipinulupot ko ang binti ko sa paa niya at walang pag-aalinlangang binali 'yon. Rinig na rinig ang malakas na pagsigaw niya.  Sunod namang lumapit sa akin 'yung lalaking nakapula. Akala ko ay susuntukin niya ko pero niyakap niya ang bewang ko at itinumba ako sa sahig.  "f**k!" Mura ko dahil sa sakit no'n.  Hindi kaagad ako nakabawi kaya nasuntok niya ang puson ko. Ang bigat ng kamao niya kaya halos manlabo ang paningin ko sa panghihina. Ang sakit, para pa akong masusuka na nahihilo. "Wala kang laban sa 'kin—" "Enough." Nagulat ako nang may bumaril sa ulo nitong lalaking kalaban ko. Tumumba siya sa gilid ko kaya umisod ako at tiningnan ang bumaril.  Nanlaki ang mata ko habang pinagmamasdan siya. Kahit nakahiga ako at nasa may pintuan siya ay kitang-kita ko ang halos perpekto niyang mukha. Bakit parang pamilyar din siya?  Mayroon siyang oh-so well-defined na panga, magagandang nakakaakit na pares ng mata, matangos na ilong, jusko nahiya ang color pink sa pula ng labi niya at ang katawan niya bakat na bakat ang mapipintog niyang braso. Mistiso rin ang isang ito, tipong mamumula ang balat kapag naarawan.  Kung ganito ang kikidnap sa akin, sasama na ako. Kaso wrong timing siya, love ko si bebe Morg ko.  "What are you looking at?" Maangas na tanong niya sa akin.  Napanganga naman ako sa inasal niya. Ang taray! Hindi man lang siya naapektuhan ng beauty ko? Sakit naman sa heart.  "May dumi ka kasi sa mukha." Sabi ko at tumayo.  "Where is it?" Tanong niya at kinapa ang mukha.  Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mukha niya. Nagkatitigan naman kaming dalawa. "Ito oh!" Sigaw ko at sinuntok siya sa panga.  "Blyad!" Mura niya sa Russian kaya tumakbo na ako. Hindi pa ako nakakalayo sa pinto nang higitin niya ang bewang ko. Ang eksena, nakayakap tuloy siya sa akin at nakapalibot ang mga kamay niya sa bewang ko, para kaming sasayaw.  "Pagbabayaran mo ang pagsuntok sa 'kin, Agent Swift." Galit na sabi niya.  Nagulat ako nang mabilis niya akong pinaikot at binigyan ng chop sa batok. Kaagad naman nanlabo ang paningin ko at bumagsak sa sahig.  "Sleep, you daughter of a bitch." Rinig kong matigas niyang sabi bago ako nawalan ng malay. Meave’s POV: "Meave, sabi ko naman sa 'yo huwag mong iiwanan si Stella!" Bulyaw sa akin ni Morg habang nandito kami sa headquarters. "I'm sorry na, si Swift kasi makulit eh. Sabi niya kaya niya na raw ang sarili—" "Iyon na nga ang sinasabi ko. Dapat hindi mo pa rin siya iniwan!" Napipikong sabi ni Morg. Hindi na ako nagsalita at tumungo na lang. Wala naman akong magagawa kapag nakipagtalo pa ako sa isang 'to.  "Hey Morgan, calm down. Mahahanap din ng iba pang Elite Assassins natin si Agent Swift. Nandito lang ako, you can talk to me."  Napairap na lang ako sa hangin dahil nandito na naman si Tania Uzlekovah aka Agent Grace. Ang balakid at higad sa pagmamahalan ni Morg at ng bestfriend kong si Agent Swift.  "Nandito ka na naman Agent Grace? Hindi mo ba matanggap na in a relationship na si Agent Codes at Agent Swift? Malandi ka rin talaga." Deretsahang sabi ko kaya napanganga naman si Grace.  "Excuse me Agent Boom the inggitera, hindi ako mang-aagaw. Friends lang naman kami ni Codes, right?" Tanong pa nito kay Morg kaya napatango na lang ang lalaki.  "Alam mo, ewan ko sa 'yo Morg. Kapag nalaman ni Constellation na lumalapit ka pa rin dyan sa Tania na 'yan, paniguradong magseselos 'yon. Alam mo naman kapag nagselos 'yon, diba?" Tanong ko kay Morg kaya napalunok siya.  Tumayo na ako sa sofa at kinuha ang jacket ko sa gilid. Lumabas na ako ng headquarters at pumunta sa opisina ni Mr. Shukran.  Bawal kaming magtawagan sa totoong pangalan. Code name lang namin ang pwedeng tawag sa isa't isa for some reasons. Wala namang tao kanina, kami-kami lang sa headquarters ng Elite Assassins kaya walang nakakarinig.  Nandito na ako sa tapat ng opisina ni Mr. Shukran. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. "Good morning Mr. Shukran." Bati ko habang papasok sa loob.  Tinanguan lamang niya ako at itinuro ang upuan sa harap niya. Umupo naman ako ro'n at tumitig sa kaniya. "Okay fine, magsalita ka na iha." Pagsuko ni Mr. Shukran pagkatapos kong magpuppy eyes.  "Sir may balita na ba kayo kay Agent Swift? Nasa'n po ang bestfriend ko? Nakita niyo na po ba siya? Buhay pa po ba si Agent Swift? Nasa tabi-tabi lang po ba siya? May nakuha na po ba kayong impormasyon? Ano na pong balita sa mga Elite Assassins na ipinadala niyo?" Sunod-sunod na tanong ko kaya napabuntong hininga si Mr. Shukran. "Agent Boom, kumalma ka muna. Nakidnap si Agent Swift ng isang hindi pa nakikilalang malaking sindikato. Nagpadala sila ng sulat na nanghihingi ng isang bilyong dolyar bilang kapalit ng paglaya ni Agent Swift. Humihingi rin sila ng isang nuclear bomb bilang kasiguraduhang buhay nilang ibabalik si Swift." Paliwanag ni Mr. Shukran kaya napabuntong hininga na lang ako.  Kung gano'n, mukhang mahihirapan kami sa pagkuha kay Stella. Mukhang malaking sindikato talaga ang kumidnap sa kaniya, hindi biro ang trabahong gagawin namin mabawi lang si Stella.  Bilang nagring ang cellphone ni Mr. Shukran kaya napatingin siya sa akin. Nakita ko naman na nakalagay ang pangalan doon ni Agent Miles. Nagpuppy eyes naman ako kay Mr. Shukran kaya napabuntong hininga siya at pinindot ang loud speaker. "Hello Sir, nakakuha kami ng panibagong impormasyon." Sabi ni Agent Miles sa kabilang linya kaya nagkatinginan kami ni Mr. Shukran.  "Ano 'yon?" Tanong ni Mr. Shukran.  "Nasa Vietnam ngayon si Agent Swift. Nasa kamay siya ng isang ex-mafia noon sa Germany. Kilala ang lalaking 'yon bilang tuso at walang patawad." Paliwanag ni Miles sa kabilang linya. Napasabunot naman ako sa buhok ko. Paano na 'to? Baka mamaya kahit kuko ni Stella hindi ko na makita. "Kilala mo ba kung sino ang ex-mafia at ngayon ay sindikatong tinutukoy mo?" Tanong ni Mr. Shukran. "Oo Sir, ang most wanted ngayon sa listahan natin. Walang iba kung hindi si Johnson Unisilver Koten, Sir." Sabi ni Agent Miles. "Hindi ba siya ang nagpasabog ng air base natin sa China? At siya rin ang may alam kung anong plano at balak ng Nazandel?" Hindi ko na napigilang magtanong kay Mr. Shukran.  "Oo Agent Boom. Siya nga, wala nang iba." Malungkot na sagot niya.  Stella, napakaswerte mong gaga ka. Ni kuko mo nga ay baka hindi ko na makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD